Mga tip sa pag-optimize para sa Performance Max campaign para sa lahat ng uri ng negosyo

Makakatulong sa iyo ang aming may gabay na troubleshooter na tukuyin, ipaliwanag, at tugunan ang mga potensyal na sanhi ng mga hindi inaasahang pagbabago-bago sa paggastos ng Performance Max campaign mo.
 

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Gumagamit ang Performance Max ng Google AI para tulungan kang maparami ang mga conversion at mapataas ang halaga sa pamamagitan ng pag-bid, pag-target, mga creative, at attribution. Dinisenyo ito para gumana sa maraming iba't ibang layunin sa marketing at media channel. Dahil dito, inirerekomenda namin ang paggamit sa mga sumusunod na pinakamahuhusay na kagawian para i-set up ang iyong mga Performance Max campaign para magkaroon ng mahuhusay na resulta.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang pinakamahuhusay na kagawian para sa lahat ng uri ng negosyo.

Para sa karagdagang pinakamahuhusay na kagawian, tingnan ang:


Pinakamahuhusay na kagawian para sa lahat ng uri ng negosyo

  • Tagal ng campaign: Magpatakbo ng mga campaign nang hindi bababa sa 6 na linggo para mabigyang-daan ang algorithm ng machine learning na maghanda at magkaroon ng sapat na data para mapaghambing ang performance.
  • Signal ng audience: Ang Performance Max ay pinapagana ng machine learning. Gumamit ng mga nauugnay na listahan ng audience bilang mga signal para mapabilis ang paghahanda ng machine learning at mapahusay ang mga resulta ng iyong campaign. Gumamit ng mga listahan ng remarketing, custom intent, Customer Match, at mga katulad na segment bilang mga signal.
  • Mga Asset: Gumamit ng maraming asset hangga't posible. Magdagdag sa iyong grupo ng asset ng kahit man lang 20 asset na text (15 headline, 5 paglalarawan), kahit man lang 7 asset para sa imahe (3 landscape na larawan, 3 kuwadradong larawan, at 1 portrait na larawan), at magdagdag ng kahit man lang 1 video asset (sarili mo o video na ginawa gamit ang tool sa paggawa ng video sa panahon ng pag-set up ng campaign). Matuto pa tungkol sa kung paano Gumawa ng grupo ng asset.
Tandaan: Ang mga representasyon at kontrol ng brand, kasama ang mga logo ng negosyo at impormasyon ng negosyo, ay pinagsama-sama sa level ng campaign. Para masulit ang iyong experience sa Google Ads, siguraduhing hindi ka nagpapagana ng mga campaign kung saan magkahiwalay ang mga logo at impormasyon ng negsoyo sa magkaibang grupo ng asset. Matuto pa tungkol sa mga detalye ng logo ng negosyo at impormasyon ng negosyo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16376748094753542480
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false