Mga feature na makakatulong sa iyo na gumawa ng matagumpay na campaign

Hero image para sa kung paano gumawa ng matagumpay na campaign.

Tandaan: Hindi sabay-sabay na ilulunsad ang mga bagong feature na tinatalakay sa artikulong ito para sa iba't ibang uri ng campaign. Kung wala para sa uri ng iyong campaign ang alinman sa mga feature na ito, hindi pa ito nailulunsad para sa uri ng campaign na iyon at ilulunsad ito sa lalong madaling panahon.
 
Bukod pa rito, habang patuloy na pinapaganda ng Google ang experience sa pag-onboard, posibleng bahagyang mag-iba ang workflow para sa mga bagong user at kasalukuyang Google Ads account. Ia-update ng bagong impormasyon ang page na ito sa 2023.

I-optimize ang iyong campaign habang ginagawa mo ito.

Icon ng Menu ng Navigation

Menu ng pag-navigate sa campaign: Madaling mag-navigate sa iba't ibang hakbang at makakuha ng pangkalahatang pananaw sa iyong pag-usad. Hina-highlight ng menu ang anumang babala batay sa mga napili mo para sa pag-target, pag-bid, badyet, mga creative, at iba pang setting.

Icon ng Pagsusuri sa Kalusugan

Mga pagsusuri sa kalusugan ng campaign: Habang gumagawa ka ng campaign, puwede kang makatanggap ng mga kapaki-pakinabang na gabay batay sa mga napili mo. Puwedeng magsaad ang mga pagsusuri sa kalusugan na ito ng mga isyu na puwedeng magresulta sa mas mababang performance o posibleng may sapat na kahalagahan para mapigilan kang maghatid ng mga ad.

Icon ng Mga Hula

Mga hula sa campaign: Lumalabas ang mga ito sa panel sa kanan at nagbibigay ang mga ito ng mga pagtatantya sa performance batay sa mga napili mo para sa pag-target, pag-bid, badyet, mga creative, at iba pang setting.

icon ng pagsusuri ng campaign

Pagsusuri sa campaign: Magkakaroon ka ng pagkakataong suriin ang lahat ng napili mong setting sa page na “Suriin.” Posibleng makatanggap ka roon ng mga notification na posibleng kailanganin mong tugunan para maisumite ang iyong campaign.

icon ng mga draft ng campaign

Mga draft ng iyong campaign: Ang mga campaign na dina-draft pa rin ay ise-save bilang mga draft. Mula sa pag-draft, puwede mo gawing naghahatid ng mga ad ang isang campaign anumang oras, basta't natugunan na ang anumang isyu sa mga setting ng iyong campaign.
  Tungkol sa iyong Negosyo: Para sa mga bagong Google Ads account, puwedeng direktang humingi ang Google ng impormasyon tungkol sa iyong negosyo bago gawin ang campaign, tulad ng pangalan at URL ng negosyo. Gagamitin ang impormasyong ito para gabayan ka sa naka-automate na workflow, at matiyak na makakapagsimula ka kaagad sa Google Ads.

Menu ng pag-navigate sa campaign

Gamitin ang menu ng pag-navigate sa campaign para madaming mag-navigate sa mga hakbang at makakuha ng pangkalahatang pananaw sa iyong pag-usad. Hina-highlight ng menu ang anumang gabay batay sa mga napili mo para sa pag-target, pag-bid, badyet, at iba pang setting.

Mga pagsusuri sa kalusugan ng campaign

Habang ginagawa mo ang iyong campaign, makakatanggap ka ng kapaki-pakinabang na gabay batay sa mga napili mo para sa pag-target, pag-bid, badyet, at iba pang setting na makakatulong sa iyong i-optimize ang performance ng campaign mo at matiyak na makakapaghatid ang iyong campaign.

Mga pagsusuri sa kalusugan na puwedeng makaapekto sa iyong campaign:

1. Posibleng nalilimitahan ng mga napili mong badyet sa kasalukuyan ang potensyal ng iyong conversion (nasa beta)

Nagpapakita ang larawang ito ng rekomendasyon sa pagsusuri sa kalusugan para sa mga limitadong conversion sa Google Ads.

Puwedeng makatanggap ang ilang advertiser ng ganitong tala, na may mga partikular na bilang na naaangkop sa kanilang campaign, ibig sabihin, nahulaan naming puwedeng mas magtagumpay pa ang campaign kapag nagdagdag ng badyet, nang hindi binabago ang target na cost-per-conversion. Ginagawa namin ang ganitong hula gamit ang mga input na tulad ng mga kasalukuyang setting ng campaign at history ng conversion.

Gagawing pagkilos: Dagdagan ang badyet mo para makatulong sa iyong mapalawak ang abot ng audience mo at maparami ang conversion. Tutukuyin ng tala ang idaragdag na badyet na puwedeng humantong sa mas maraming conversion.

2. Masyadong limitado ang sakop ng iyong pag-target ng audience

Ipinapakita ng larawang ito ang isang rekomendasyon sa pagsusuri sa kalusugan para sa limitadong pag-target ng audience sa Google Ads.

Kung makatanggap ka ng ganitong tala, ito ay dahil masyadong limitado ang sakop ng iyong mga setting ng pag-target at limitado lang ang bilang ng mga potensyal na customer na puwedeng makakita sa mga ad mo.

Gagawing pagkilos: I-on ang naka-optimize na pag-target para walang kahirap-hirap na makaabot ng mga bago at nauugnay na audience na pinakamalamang na mag-convert batay sa iyong mga layunin sa pag-advertise. Puwede mo ring alisin at i-edit ang ilan sa iyong mga napiling pag-target sa audience.

3. Pinipigilan ka ng iyong pag-bid at iba pang setting na ma-maximize ang badyet na itinakda mo

Posibleng kasama sa mga pagsusuri sa kalusugan na nagpapaalala sa iyong magtakda ng mga bid at pag-target ng audience para mas mahusay na magamit ang badyet mo:

Ipinapakita ng larawang ito ang isang rekomendasyon sa pagsusuri sa kalusugan para sa pag-maximize ng iyong badyet gamit ang naka-optimize na pag-target sa Google Ads.
Nagpapakita ang larawang ito ng rekomendasyon sa pagsusuri sa kalusugan para sa pag-maximize ng iyong badyet sa pamamagitan ng pagtataas ng bid sa Google Ads.

Gagawing pagkilos: Pataasin ang iyong bid para mas magamit sa maraming paraan ang badyet mo (isasaad sa tala ang bid na posibleng mag-maximize sa iyong partikular na badyet), at i-on ang naka-optimize na pag-target para walang kahirap-hirap na makaabot ng mga bago at nauugnay na audience na pinakamalamang na mag-convert batay sa iyong mga layunin sa pag-advertise. Puwede ka ring makatanggap ng mungkahi para gamitin ang strategy sa pag-bid na Pag-maximize ng mga conversion sa halip na ang strategy sa pag-bid na kasalukuyan mong ginagamit.

Mga hula sa campaign

Representation of forecast user interface that emphasizes Available weekly impressions and Estimated weekly performance

Nagpapakita ang mga hula sa campaign ng mga pagtatantya sa performance batay sa badyet na ilalaan mo at sa mga pipiliin mo para sa pag-target, pag-bid, at iba pang setting sa paggawa ng campaign. Lalabas ang mga hula sa column sa dulong bahagi sa kanan at mag-a-update ang mga ito habang umuusad ka sa paggawa ng iyong campaign.

Dapad makita sa mga pagtatantya ang mga layunin mo sa pag-advertise. Kung hindi, pag-isipang i-update ang pag-target, pag-bid, at iba pang setting ng campaign para matiyak na pinakamahusay na tumutugma sa mga iyong mga layunin ang campaign mo.

Pagsusuri sa campaign

Magkakaroon ka ng pagkakataong suriin ang lahat ng napili mong setting sa page na “Suriin.”

Matutugunan mo rito ang mga potensyal na isyu. Para gawin ito, i-click ang Ayusin ito.

Tandaan: Kung makatanggap ka ng gabay tungkol sa isang isyung pumipigil sa pag-publish ng campaign, hindi mo mapa-publish ang iyong campaign hanggang sa malutas ang isyung iyon.

Mga draft ng campaign

Ang mga campaign na dina-draft pa rin ay ise-save bilang mga draft. Mula sa pag-draft, puwede mo gawing naghahatid ng mga ad ang isang campaign anumang oras, basta't natugunan na ang anumang isyu sa mga setting ng iyong campaign.

Kapag gumagawa ka ng bagong campaign, magkakaroon ka ng opsyong pumili ng kasalukuyang draft o magsimula nang hindi gumagamit ng kasalukuyang draft.

Mga Tagubilin:

  1. Mag sign-in sa Google Ads
  2. Mula sa default view ng “Pangkalahatang-ideya,” i-click ang column na Mga bagong campaign
  3. Piliin ang Ipagpatuloy ang draft ng campaign.
  4. Sa menu ng mga draft, i-click ang draft na gusto mong ipagpatuloy ang pag-draft o i-publish.

Alamin kung anong sinasabi ng ibang mga user tungkol sa mga bagong feature

Sumali sa pag-uusap sa Komunidad ng Ads

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6742193071029934893
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false