Paano ayusin ang mga Video campaign sa Google Ads na hindi gumagana o may mababang trapiko

Paminsan-minsan, baka mapansin mong hindi nakakatanggap ng mga impression o huminto sa paghahatid ang iyong mga Video campaign. Sa artikulong ito, gagabayan ka namin sa mga karaniwang (at hindi gaanong karaniwang) dahilan kung bakit posibleng hindi naihahatid ang iyong mga Video campaign. Bagama't hindi namin matatalakay ang bawat isang posibleng isyung puwedeng humantong sa hindi paghahatid ng mga ad, ibinabalangkas ng artikulong ito ang mga pinakakaraniwang isyu.

Gamitin ang mga diagnostic na insight para matukoy kung bakit hindi naghahatid ang iyong campaign

Hina-highlight ng mga diagnostic na insight ang mga isyu na posibleng naglilimita sa kakayahang maghatid ng iyong campaign. Nagbibigay rin ang mga diagnostic na insight ng mga rekomendasyon sa kung paano lutasin ang mga isyung ito. Matuto pa Tungkol sa mga diagnostic na insight

Halimbawa: Isang advertiser ang hindi pa nakakakuha ng anumang conversion o trapiko pagkatapos gumawa ng campaign. Gumamit siya ng mga diagnostic na insight para malaman na hindi naghahatid ang kanyang campaign dahil hindi naaprubahan ang mga asset niya, at tumingin siya ng rekomendasyon para ayusin ang mga hindi naaprubahang asset na ito.


Sa artikulong ito


Tingnan muna ang mga item na ito sa iyong account

Ang hanay ng petsa sa Google Ads

Magpapakita sa iyo ang Google Ads ng data ng performance para sa hanay ng petsa na pipiliin mo. Tiyaking kasama sa hanay ng petsa ang mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng iyong campaign. Tandaan na hindi kasama ang petsa ngayong araw sa mga na-preconfigure na setting ng hanay ng petsa (halimbawa, “Nakalipas na 7 araw”). Matuto pa tungkol sa mga hanay ng petsa sa Google Ads.

Ang status ng iyong Google Ads account

Kung nasuspinde ang iyong account, o kung may isyu sa pagsingil sa account mo, hindi mo mapapagana ang iyong mga ad hanggang sa malutas ang problema. Tandaan na kung gumagana ang iba pang campaign sa iyong account, hindi mo kailangang tingnan ang status ng iyong Google Ads account.

Nasuspinde ba ang iyong account? Iapela ang pagkakasuspinde ng isang account.

Nagkakaproblema ka ba sa pagsingil? Lutasin ang isang tinanggihang pagbabayad sa Google Ads.

Puwede ring makaapekto ang Mga badyet ng account sa paghahatid ng iyong mga campaign. Available sa iyo ang mga badyet ng account kung magbabayad ka sa pamamagitan ng buwanang pag-invoice at kung magsisilbi lang ito na cap sa paggastos sa lahat ng iyong campaign. Kung naabot ng iyong kabuuang mga gastusin sa campaign ang itinakdang halaga sa badyet ng account bago ang itinakda mong petsa ng pagtatapos, hihinto sa paggana ang lahat ng ad sa account.

Ang petsa ng pagsisimula ng iyong campaign

Kung sa hinaharap ang petsa ng pagsisimula ng campaign, hindi ka makakakita ng anumang impression hanggang sa magsimula ang campaign.

Ang kabuuang badyet ng iyong campaign

Kung gumagamit ka ng kabuuang badyet ng campaign (hindi ng pang-araw-araw na badyet), tiyaking hindi pa nagastos nang buo ang badyet. Kung hindi, hindi makakatanggap ang iyong campaign ng mga karagdagagng impression, dahil hindi na gagana ang campaign.

Mga pagsusuri sa ad

Pagkatapos mong gumawa, mag-edit, o magpatuloy ng campaign, puwedeng tumagal bago magsimulang gumana ang ad. Tandaan ang mga sumusunod:

  • Sinusuri ang karamihan ng mga ad sa loob ng 1 business day. Gayunpaman, mas tumatagal ang ilang pagsusuri kung nangangailangan ang ad ng mas kumplikadong pagsusuri. 
  • Kung mahigit 2 business days nang sinusuri ang iyong ad, makipag-ugnayan sa amin para sa impormasyon.
  • Nakalaan sa Google ang karapatang gawing priyoridad ang mga pagsusuri o pagsusuri ulit ng mga ad para matiyak ang kabuuang stability ng mga pagpapatakbo ng system, o pansamantalang paghigpitan ang paghahatid ng ad para matiyak ang pagsunod sa patakaran.

Mga pagkaantala sa paghahatid o pag-uulat ng ad

Sa pangkahalatan, dapat magsimulang maghatid o magpakita ng mga resulta ang iyong campaign sa loob ng isang araw. Kung wala ka pa ring nakikitang resulta pagkatapos ng 3 business days, at wala kang makitang anumang isyu na binanggit din sa buong artikulong ito, makipag-ugnayan sa amin.

Puwede mong gamitin ang iyong history ng pagbabago para makita kung kailan mo ginawa ang iyong campaign at kung kailan naaprubahan ang mga ad para kumpirmahin kung ilang oras ang lumipas mula nang inilunsad mo ang iyong campaign.

5 karaniwang dahilan

1. Iba ang status ng ad at hindi ito “Kwalipikado”

Ang mga ad na “lubos na pinaghihigpitan” o “katamtamang pinaghihigpitan” ay hindi kwalipikadong maihatid sa YouTube at mga partner sa video ng Google.

Matuto pa tungkol sa Iba ang status ng ad at hindi ito “Kwalipikado.”

2. Masyadong mababa ang iyong bid

Bagama't posibleng maghatid ng mga ad na may mababang bid, hindi ka mananalo sa maraming auction at baka hindi ka makakita ng anumang impression.

Matuto pa tungkol sa Masyadong mababa ang iyong bid.

3. Masyadong mababa ang iyong badyet o masyadong malapit sa badyet ang bid

Puwedeng malimitahan ng mababang badyet ang mga resulta ng iyong video campaign.

Matuto pa tungkol sa Masyadong mababa ang iyong badyet o masyadong malapit sa badyet ang bid.

4. Masyadong kumplikado ang iyong strategy sa pag-target

Baka iniisip mo na ang pag-target ng isang channel sa YouTube o pagsasama-sama ng iba't ibang uri ng pag-target ay magbibigay-daan sa iyong abutin ang target mong audience, pero baka nililimitahan mo ang iyong kabuuang target na audience dahil dito.

Matuto pa tungkol sa Masyadong kumplikado ang iyong strategy sa pag-target.

5. Baka may mga isyu sa iyong listahan ng remarketing

Tingnan kung may anumang posibleng isyu sa iyong listahan ng remarketing na pumipigil sa mga ad na maihatid.

Matuto pa tungkol sa Baka may mga isyu sa iyong listahan ng remarketing.


Iba pang pagsasaalang-alang

  • Kung hindi kwalipikado para sa pag-monetize sa YouTube ang bansa, hindi maihahatid ang campaign.
  • Suriin ang iyong mga setting sa pagsasaayos ng bid. Halimbawa, kung nakaiskedyul lang na gumana ang iyong ad sa Martes, at mayroon kang -100% na pagsasaayos ng bid na nakatakda para sa Martes, hindi maihahatid ang ad mo.
  • Suriin ang iyong mga pagbubukod ng content. Halimbawa, kapag ipinares ang isang mahigpit na diskarte sa pag-target sa isang limitadong imbentaryo, o kapag ibinukod ang iyong mga ad sa lahat ng digital na label ng content, puwedeng malimitahan o mapigilan ang paghahatid ng iyong mga ad.
  • Tiyaking huwag ibukod ang “youtube.com” bilang placement. Kung gumagamit ka ng listahan ng mga nakabahaging pagbubukod ng placement, buksan ang listahan at gumawa ng mabilis na paghahanap para sa “youtube.com” sa loob ng listahang iyon ng mga pagbubukod ng placement.

Kung hindi inaasahang huminto ang performance ng iyong campaign

Pag-isipan ang mga pagbabagong ginawa sa iyong campaign

Kung binabaan mo ang bid, nilimitahan ang iyong pag-target, o binago mo ang ibang bagay sa mga setting ng iyong campaign, puwede itong maging dahilan para hindi mag-perform gaya nang dati ang campaign. Para ihiwalay kung kailan ginawa ang mga pagbabago sa campaign, tingnan ang iyong history ng pagbabago at i-undo ang anumang nakaraang pagbabago na ginawa mo.

Tingnan ang badyet ng iyong campaign kumpara sa paggastos ng ad group mo

Kung huminto sa paghahatid ang isang ad group sa iyong campaign, pero ayos naman ang ibang ad group, tingnan ang pang-araw-araw na badyet para sa buong campaign. Kung ginagamit ng iba pang ad group ang pang-araw-araw na badyet, puwede mong makitang huminto sa paggana ang isang ad group.

Walang ipinapakitang panonood sa ilang ad sa pag-uulat sa Google Ads

Hindi lahat ng format ng video ad ay nagagawang pataasin ang bilang ng may bayad na panonood na nakikita mo sa Google Ads, kasama ang mga bumper ad at hindi nalalaktawang in-stream ad. Kung nakakakita ka pa rin ng mga impression sa iyong mga video ad, inihahatid ang campaign mo tulad ng inaasahan.

Papataasin ng mga nalalaktawang in-stream ad na wala pang 10 segundo ang haba ang bilang ng panonood sa Google Ads, pero hindi sa page sa panonood ng iyong video sa YouTube o sa YouTube Analytics.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5423687272158630498
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false