Makakatulong sa iyo ang mga eksperimento sa Google Ads na patuloy na mapahusay ang performance ng mga campaign mo. Kapag sumubok ka ng iba't ibang setting ng campaign, mas marami kang customer na maaabot at makakahimok ka ng mas magagandang resulta nang mabilis at mahusay para sa iyong negosyo.
Sa page na ito
Paano ito gumagana
Puwede kang gumawa at magpatakbo ng eksperimento sa iyong campaign para subukin ang epekto ng mga iminungkahi mong pagbabago. Kung hahatiin mo ang badyet o trapiko sa orihinal na campaign at eksperimento, madali mong mapaghahambing ang mga resulta sa loob ng isang tinukoy na yugto ng panahon. Kung magkakaroon ng mas mahuhusay na resulta ang iyong eksperimento sa katapusan ng yugtong iyon ng panahon, puwede mong ilapat ang eksperimento sa orihinal na campaign o palitan ang orihinal na campaign. Para mag-set up ng eksperimento, i-click ang Mga Eksperimento sa menu ng page sa kaliwa ng iyong Google Ads account.
- Pamahalaan ang mga status at opsyon sa iyong eksperimento
- Pumili ng partikular na uri ng eksperimento (mga variation ng ad, custom na eksperimento, o eksperimento sa video)
- Tingnan ang iyong mga eksperimento sa iba't ibang uri ng channel at eksperimento (App, Search, Display, at Video)
- Baguhin ang paraan kung paano ipinapakita ang mga eksperimento sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat sa view na “Mga Card” o “Talahanayan”
Uri ng eksperimento | Paano ito gumagana |
---|---|
Mga variation ng ad |
Gamit ang mga variation ng ad, puwede mong suriin ang performance ng iyong mga variation at ilapat ang mga binagong ad sa account mo. Kadalasang ginagamit ang mga variation ng ad para subukin ang mga text ad, responsive na search ad, o isang pagbabago sa maraming campaign. Available ang mga variation ng ad para sa mga Search campaign. Pagkatapos mong mag-set up ng variation ng ad, puwede mong tingnan ang mga resulta at ikumpara ang performance ng mga binagong ad sa mga orihinal na ad. Kapag masaya ka na sa mga resulta ng eksperimento sa mga variation ng ad, puwede mo nang ilapat ang mga nabagong ad sa iyong campaign. |
Mga custom na eksperimento para sa Search at Display |
Kadalasang ginagamit ang mga custom na eksperimento para subukan ang Smart Bidding, mga uri ng pagtutugma ng keyword, mga landing page, mga audience, at mga ad group. Available ang mga custom na eksperimento para sa mga App campaign at mga Search at Display campaign. Puwede ka ring gumawa ng eksperimento nang walang draft. Mas pinapadali nitong pagkumparahin ang performance ng iyong batayang campaign at trial campaign. Pagkatapos mong makapili ng batayang campaign kung saan magpapatakbo ng eksperimento, ise-set up mo ang eksperimento at ia-update mo ang mga setting na gusto mong subukan. Gagawa ang system ng Google ng bagong trial campaign para sa iyo gamit ang mga bagong setting. Pagkatapos mong mapatakbo ang eksperimento at masuri ang performance nito, puwede mong piliing ilapat ang mga bagong setting sa batayang campaign o patakbuhin ang eksperimento bilang bagong hiwalay na campaign. |
Mga eksperimento sa video |
Ginagamit ang mga eksperimento sa video para matukoy kung alin sa iyong mga video ad ang mas epektibo sa YouTube. Available ang mga eksperimento sa video para sa mga Video campaign. Magagawa mong:
Pagkatapos mong mag-set up ng eksperimento sa video, puwede mong subaybayan ang performance nito sa Google Ads at hanapin ang pinakamahuhusay na video ad sa mga grupo sa eksperimento. Kapag nauunawaan mo kung aling ad ang nagkaroon ng mas mahusay na performance sa eksperimento, makakapagpasya ka batay sa kaalaman kung aling campaign ang ipagpapatuloy at paglalaanan ng mas malalaking badyet. |
Mga eksperimento sa Performance Max |
Ang mga eksperimento sa Performance Max ay mga tool sa Google Ads na nakakatulong sa iyong magsagawa ng A/B test sa iba't ibang feature, setting, at campaign para mapahusay ang mga resulta para sa negosyo mo. Puwede kang gumamit ng mga eksperimento para matulungan kang sukatin ang pagtaas sa paggamit ng mga Performance Max campaign. |