Pamahalaan ang account ng iyong anak sa Chromebook

Kapag ginamit mo ang Family Link para pamahalaan ang Google account ng iyong anak, mapapayagan mo siyang mag-sign in sa ilang serbisyo ng Google sa kanyang Chromebook. Magagamit mo rin ang Family Link app para pumili ng mga website na maa-access ng iyong anak gamit ang Chrome, subaybayan ang paggamit ng app ng anak mo, at higit pa.

Mga kinakailangan sa system

Magagamit ang Family Link sa mga Chromebook na may bersyon 71 ng ChromeOS o mas bago. Matuto pa tungkol sa kung paano i-update ang operating system ng iyong Chromebook.

Paano gumagana ang mga Chromebook gamit ang Google Account ng iyong anak

Pareho sa karanasan ng mga nasa hustong gulang ang karanasan ng mga batang naka-sign in sa kanilang Google Account sa Chromebook. Posibleng i-update ang mga feature paminsan-minsan, pero kasama sa ilang pagkakaiba ang:

Mahalaga: Para sa mga pampaaralang account at Chromebook na ibinigay ng paaralan, tinutukoy ng mga administrator ng Google Workspace for Education kung aling mga serbisyo ng Google ang maa-access ng mga user nito habang naka-sign in sa isang Google Workspace for Education account. Posibleng kasama rito ang ilang feature o serbisyong hindi naa-access ng anak mo noon gamit ang sinusubaybayang account sa Family Link. Alamin kung paano magdagdag ng pampaaralang account bilang pangalawang account.

Idagdag ang Google Account ng iyong anak

Sa bago o na-factory reset na Chromebook
  1. I-set up ang Chromebook.
  2. Idagdag ang Google Account ng iyong anak sa Chromebook.

Mahalaga: Kapag nakapag-sign in na ang iyong anak sa kanyang Chromebook, kinakailangan ang password ng magulang para makapagdagdag ng mga bagong user.

Naka-set up nang Chromebook
  1. Idagdag ang Google Account ng iyong anak sa Chromebook.
  2. Inirerekomenda: Kung ikaw (ang magulang) ang may-ari ng account, i-disable ang guest mode at kontrolin kung sino ang makakapag-sign in sa Chromebook ng iyong anak. Kung papayagan mo ang guest mode o ang pagdaragdag ng mga bagong user, posibleng magamit ng iyong anak ang kanyang Chromebook nang hindi nalalapat ang mga setting ng Family Link.

Alisin ang Google Account ng iyong anak

  1. Sa screen sa pag-sign in ng Chromebook, piliin ang profile na gusto mong alisin.
  2. Sa tabi ng pangalan ng profile, piliin ang Pababang arrow .
  3. Piliin ang Alisin ang user na ito.
  4. Sa lalabas na kahon, piliin ang Alisin ang user na ito.

Mahalaga: Kung ide-delete mo ang account ng iyong anak bago mo alisin ang profile sa Chromebook, posibleng kailanganin mong i-reset ang iyong Chromebook sa mga factory setting. Para i-reset ito, pindutin nang matagal ang Ctrl + Alt + Shift + r.

Pamahalaan ang karanasan ng iyong anak sa Chromebook

Pillin kung anong mga app ang magagamit ng iyong anak

Puwede mong piliin kung anong mga app ang magagamit ng iyong anak sa kanyang Chromebook at kung anong mga pahintulot ang ibibigay ng anak mo sa mga app na iyon.

Pamahalaan ang pag-browse ng iyong anak sa Chrome
  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Chrome.
  4. Piliin ang setting na naaangkop sa iyong pamilya:
    • Payagan ang lahat ng site: Mabibisita ng iyong anak ang lahat ng site, maliban sa mga iba-block mo.
    • Subukang i-block ang mga tahasang site: Walang perpektong filter, pero makakatulong itong itago ang mga tahasang sekswal at marahas na site.
    • Mga naaprubahang site lang ang payagan: Mga site na papayagan mo lang ang mabibisita ng iyong anak.

Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang setting na ito sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan ng iyong anak sa g.co/YourFamily.

I-block o payagan ang ilang partikular na site

Kung magba-block ka ng partikular na site, puwedeng humingi ng pahintulot ng magulang ang iyong anak para bisitahin ito. Makakatanggap ka ng notification sa Family Link app kung saan mo puwedeng aprubahan o tanggihan ang kanyang kahilingan.

  • Mga Website: Kung iba-block o papayagan mo ang isang partikular na website, gaya ng www.google.com, hindi malalapat ang pahintulot sa mga site na iba ang umpisa o dulo, gaya ng www.google.co.uk o get.google.com/tips.
  • Mga Domain: Kung iba-block o papayagan mo ang isang buong domain, gaya ng google, malalapat din ang pahintulot sa mga site na iba ang umpisa o dulo, gaya ng google.com at images.google.fr.

Mag-block o magpahintulot ng site

Pamahalaan ang bilang ng mga naaprubahan o na-block na site na puwedeng i-access ng iyong anak.

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Chrome at pagkatapos ay Mga naaprubahang site o Mga na-block na site.
  4. Magdagdag ng website o domain.
  5. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.

Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang setting na ito sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan ng iyong anak sa g.co/YourFamily.

Baguhin ang mga setting ng pahintulot sa website

Puwede kang magpasya kung makakapagbigay ba ang iyong anak ng mga pahintulot sa site sa mga website na binibisita niya, pati ng pahintulot na gamitin ang lokasyon, camera, at mga notification. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa site.

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Chrome at pagkatapos ay Mga advanced na setting.
  4. I-on o i-off ang Mga pahintulot para sa mga site, app, at extension .

Tip: Puwede mo ring pamahalaan ang setting na ito sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan ng iyong anak sa Dashboard ng Chrome.

Kapag naka-off ang "Mga pahintulot para sa mga site, app, at extension," hindi magagawa ng mga bata na magbigay ng mga pahintulot sa mga website. Gayunpaman, hindi mawawala ang mga naibigay na nilang pahintulot.

Pigilan ang mga pagbabago sa mga setting ng pamilya
Puwede kang gumamit ng access code ng magulang para hindi maalis ng iyong anak ang pagsubaybay nang walang pahintulot mo.

Hanapin o i-delete ang history sa Chrome ng iyong anak

Hanapin ang history ng Chrome

Mahalaga: Kung nagdagdag ka ng pagsubaybay sa dati nang Google Account ng iyong anak, kakailanganin mo ang kanyang tulong para magawa ito.

  1. Sa Chromebook ng iyong anak, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay History. Ipinapakita ng page na ito ang kamakailang history ng iyong anak sa Chrome.
I-clear ang history at data sa Chrome

Puwedeng pamahalaan ng iyong anak ang kanyang history sa Chrome. Alamin kung paano tingnan at i-delete ang history ng pag-browse sa Chrome.

History ng pag-browse

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Chrome at pagkatapos ay Mga advanced na setting.
  4. Sa seksyong "History," i-tap ang I-clear ang history.

Tip: Posibleng may iba pang uri ng history ng pag-browse na naka-save sa Google Account ng iyong anak sa myactivity.google.com.

Data mula sa pag-browse

Puwede mong i-clear ang data mula sa pag-browse ng iyong anak, gaya ng cookies, mga naka-save na password, at data para sa pag-autofill ng form.

Kung nagsi-sync ka ng isang uri ng data, kapag na-delete ito sa iyong computer, made-delete ito sa lahat ng lugar kung saan ito naka-sync. Maaalis ito sa iba pang device at sa iyong Google Account.

Mahalaga: Kung nagdagdag ka ng pagsubaybay sa dati nang Google Account ng iyong anak, kakailanganin mo ang kanyang tulong para magawa ito.

  1. Sa Chromebook ng iyong anak, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa.
  3. I-click ang Higit pang tool at pagkatapos ay I-clear ang data mula sa pag-browse.
  4. Pumili ng hanay ng oras, gaya ng nakalipas na oras o lahat ng oras.
  5. Piliin ang mga uri ng impormasyon na gusto mong alisin.
  6. I-click ang I-clear ang data.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15505924068781111834
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
108860
false
false