Gamitin ang Google Assistant sa iyong TV gamit ang Chromecast

Mag-browse sa YouTube at makakuha ng mga update sa lagay ng panahon, sports, pananalapi, at higit pa sa iyong TV sa pamamagitan ng mga command gamit ang boses ng Google Assistant at Chromecast.

Tandaan: Kung naka-enable ang Digital Wellness, baka paghigpitan o i-block ng Downtime, Mga Filter, o Huwag istorbohin ang feature na ito.

Matuto pa tungkol sa Digital Wellness

Ang kailangan mo

Mga hindi sinusuportahang device 

  • Chromecast (1st gen)
  • Mga TV na may built-in na Chromecast

Hakbang 1. I-set up ang iyong speaker o display, at Chromecast device

  1. I-set up ang iyong Chromecast device.
  2. I-set up ang iyong speaker o display.

Mahalaga: Tiyaking ang iyong mobile device o tablet ay naka-link sa account kung saan naka-link ang Chromecast, speaker, o display mo.

Hakbang 2. I-link ang iyong speaker o display, at Chromecast device

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  3. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

  4. Mag-scroll papunta sa "Mga Lokal na Device" at hanapin ang iyong device. I-tap ang I-link ang Account. Sundin ang mga in-app na tagubilin para tapusin ang pag-link.

Hakbang 3. Itakda ang mas gusto mong TV

Inirerekomendang pumili ka ng TV na palaging magpe-play ng iyong video. Kung gagawin mo iyon, hindi mo na kailangang banggitin ang pangalan ng TV sa iyong command gamit ang boses.

Mga Speaker at Chromecast

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Audio, pagkatapos ay:
    1. Para piliin ang TV o speaker na gusto mong gamitin kapag nag-play ka ng musika, i-tap ang Default na speaker ng musika.
    2. Para piliin ang iyong gustong TV, i-tap ang Default na TV.

Para i-reset ang gusto mong device, i-tap ang Default na speaker o Default na TV at pagkatapos ay I-reset.

Mga Display

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting , pagkatapos ay:
    1. Para piliin ang TV o speaker na gusto mong gamitin kapag nag-play ka ng musika, i-tap ang Audio at pagkatapos ay Default na speaker ng musika, pagkatapos ay piliin ang TV o speaker na gusto mong gamitin kapag nag-play ka ng musika.
    2. Para piliin ang iyong gustong TV, i-tap ang Display at pagkatapos ay Default na TV, pagkatapos ay piliin ang iyong gustong TV.

Para i-reset ang gusto mong device, i-tap ang Default na speaker o Default na TV at pagkatapos ay I-reset.

Mga paraan ng paggamit sa Google Assistant sa iyong TV

Mag-browse ng content sa YouTube

Puwede mong hilingin sa Assistant na magpakita ng ilang partikular na content at lagay ng panahon sa iyong TV. Mag-click lang sa mga suhestyon at piliin ang iyong mga paborito.

Puwede kang maghanap at mag-browse ng mga hindi naka-personalize na video sa YouTube batay sa iyong kahilingan.

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Maghanap o mag-browse ng mga video sa YouTube sa iyong TV

"Ipakita sa akin ang <genre o creator ng mga video>" Halimbawa: "Ipakita sa akin ang mga video ni Trevor Noah"

Tip: Dapat mong sabihin ang "Ipakita sa akin" bago ang iyong kahilingan.

Para i-play ang kahilingan, sabihin ang "Hey Google, i-play ang <pamagat>"

Panoorin sa iyong TV kung ano ang trending sa YouTube “Ipakita sa akin kung ano'ng meron sa YouTube”
“Ipakita sa akin kung ano'ng trending sa YouTube”

Tandaan: Puwede ka lang maghanap o mag-browse ng mga video sa YouTube. Hindi ka puwedeng maghanap o mag-browse ng mga video mula sa iba pang provider, gaya ng Netflix o HBO.

Makatanggap ng mga visual na sagot sa iyong mga tanong

Puwede kang makatanggap ng mga visual na sagot sa mga tanong tungkol sa lagay ng panahon, pananalapi, sports, mga pagsasalin, at kalkulasyon sa iyong TV kahit na naka-off ito.

Gumagana lang ang feature na ito sa mga TV na sinusuportahan ang HDMI-CEC. Tiyaking naka-enable ang CEC sa mga setting ng iyong TV bago mo subukang gamitin ang feature na ito. Kapag naka-off ang iyong TV, dapat mong sabihin ang "show" kapag ginagamit mo ang Assistant para lumabas ang sagot mo sa iyong TV.

Lagay ng Panahon

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Tanungin ang kasalukuyang lagay ng panahon

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon para sa araw na ito?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang lagay ng panahon"

Tandaan: Magbibigay ang command na ito ng impormasyon
tungkol sa lagay ng panahon para sa iyong address ng tahanan.

Itanong ang kasalukuyang lagay ng panahon sa isang partikular na lokasyon

"Kumusta ang lagay ng panahon sa London?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang lagay ng panahon sa London"

Itanong ang hula sa lagay ng panahon para:
  • bukas
  • sa isang partikular na araw
  • sa susunod na xx (na) araw (pumili sa pagitan ng 1-5 araw)

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon bukas?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang magiging lagay ng panahon bukas" 

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon sa Sabado?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang magiging lagay ng panahon sa Sabado"

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon sa loob ng susunod na 3 araw?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang magiging lagay ng panahon sa loob ng susunod na 3 araw"

Itanong ang hula sa lagay ng panahon sa isang partikular na lokasyon para:

  • bukas
  • sa isang partikular na araw
  • sa susunod na xx (na) araw (pumili sa pagitan ng 1-5 araw)

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon sa London bukas?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang magiging lagay ng panahon sa London bukas"

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon sa London sa Sabado?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang magiging lagay ng panahon sa London sa Sabado"

"Kumusta ang magiging lagay ng panahon sa London sa loob ng susunod na 3 araw?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang magiging lagay ng panahon sa London sa loob ng susunod na 3 araw"

Pananalapi

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Magtanong tungkol sa presyo ng indibidwal na stock

"Magkano ang presyo ng stock ng Google?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang presyo ng stock ng Google"

Magtanong tungkol sa stock index

"Kumusta ang S&P 500?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang S&P 500"

Sports

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Itanong ang score ng laro

"Ano ang score sa laro ng [pangalan ng team]?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang score ng laro ng [pangalan ng team]"

Itanong ang susunod na laro ng team

"Kailan ang susunod na laro ng [pangalan ng team]?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung kailan ang susunod na laro ng [pangalan ng team]"

Humingi ng impormasyon tungkol sa
standing ng team sa league

"Kumusta ang record ng [pangalan ng team]?"

"Ipakita sa akin sa TV ko ang record ng [pangalan ng team]"

Mga Pagsasalin

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Itanong kung paano sabihin ang ilang partikular na salita
sa ibang wika

"Ano ang 'kamatis' sa Japanese?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung ano ang 'kamatis' sa Japanese"

Itanong kung paano sabihin ang ilang partikular na parirala
sa ibang wika

"Paano sabihin sa Japanese ang 'magandang gabi'?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung paano sabihin sa Japanese ang 'magandang gabi'"

Mga Kahulugan

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Itanong ang kahulugan ng isang salita

"Ano ang ibig sabihin ng 'pagsisikhay'?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung ano ang ibig sabihin ng 'pagsisikhay'"

Mga Kalkulasyon

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Humiling ng kalkulasyon

"Ilan ang 15% ng 92?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung ilan ang 60% ng 247"

Humiling ng pag-convert ng unit

"Ilang tablespoon ang isang cup?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung ilang tablespoon ang isang cup"

"Ilang talampakan ang isang milya?"

"Ipakita sa akin sa TV ko kung ilang talampakan ang isang milya"

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4320699785814314184
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false