Mag-cast ng tab ng Chrome sa iyong TV

Puwede kang gumamit ng Chromecast device para magpakita ng tab ng Chrome o iyong screen sa TV mo.

Maipapakita mo ang karamihan ng content sa web. Hindi gagana ang ilang plugin, tulad ng Silverlight, QuickTime, at VLC.

Para ipakita ang Chrome sa iyong TV, kakailanganin mo ang mga sumusunod:

Mag-cast ng tab mula sa Chrome

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-cast.
  3. Piliin ang Chromecast device kung saan mo gustong panoorin ang content.
    • Kung ginagamit mo na ang Chromecast, papalitan ng iyong content kung ano ang nasa TV mo.
  4. Kapag tapos ka na, sa kanan ng address bar, i-click ang I-cast Active cast extension at pagkatapos ay Ihinto ang pag-cast.

Ang makikita mo sa Chrome

  • Kapag ipinapakita ang iyong tab sa TV, magkakaroon ng icon ng display Display.
  • Sa kanan ng address bar, sa tabi ng iyong mga extension, makikita mo ang asul na Cast button Active cast extension na nagsasaad na may kasalukuyang session ng Pag-cast.

Para gumamit ng shortcut sa Chrome, idagdag ang Cast button.

Mag-cast ng mga video at media

  1. Sa pinapanood mong video o media, i-click ang I-cast I-cast.
  2. Patuloy na lalabas sa iyong computer at TV ang na-play mong video o mga larawan, pero sa TV mo lang magpe-play ang tunog. Magpe-play pa rin sa iyong computer ang mga tunog para sa iba pang tab at app.

I-cast ang screen ng iyong computer

Puwede mong ipakita ang buong screen ng iyong computer gamit ang Chrome sa Mac, Windows, at Chrome OS.

Tandaan: Para i-play ang audio sa iyong TV, gumamit ng Windows computer.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-cast.
  3. I-click ang Mga Source Pababang Arrow.
  4. I-click ang I-cast ang desktop.
  5. Piliin ang Chromecast device kung saan mo gustong panoorin ang content.

Mag-cast ng musika at mga video mula sa iyong computer

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-cast.
  3. I-click ang Mga Source Pababang Arrow.
  4. I-click ang I-cast ang file.
  5. Pumili ng file.
  6. Piliin ang Chromecast device kung saan mo gustong i-play ang file.

Mga kaugnay na artikulo

Mga tip sa pag-troubleshoot ng Chromecast
Mag-cast sa Hangouts at Mga Serbisyo sa Cloud mula sa Chrome
Mga keyboard shortcut sa Chromecast

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
85561
false