Gamitin ang iyong PC at Chromecast device para magpakita ng tab ng Chrome o iyong screen sa TV mo.
Puwede mong i-cast ang karamihan ng content sa web. Hindi gagana ang ilang plugin, tulad ng Silverlight, QuickTime, at VLC.
Para ipakita ang Chrome sa iyong TV, kakailanganin mo ng:
- Chromecast, Chromecast na may Google TV, Chromecast Ultra, o TV na may Chromecast built-in
- Dapat ay may malakas na koneksyon sa Wi-Fi ang iyong Chromecast device. I-troubleshoot ang koneksyon sa Chromecast.
- Computer na may mga minimum na kinakailangan sa system at malakas na koneksyon sa Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang iyong Chromecast device
- Isang kamakailang bersyon ng Google Chrome
Mag-cast ng tab mula sa Chrome
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mag-save at mag-share Mag-cast….
- Piliin ang Chromecast device na gusto mong gamitin.
- Kung ginagamit na ang Chromecast, mapapalitan ang kasalukuyang content.
- Para tapusin ang pag-cast, sa kanan ng address bar, piliin ang Mag-cast Ihinto ang pag-cast.
Tip: Sa mga site na may naka-enable na Chromecast, direktang mag-cast mula sa media player.
Ang makikita mo sa Chrome
- Kapag nag-cast ka ng tab sa TV, may icon ng Display na lalabas sa tab.
- Kapag may aktibong session ng Pag-cast, lalabas ang icon na Nakakonekta ang Cast sa kanan ng address bar sa tabi ng iyong mga extension.
Para gumamit ng shortcut sa Chrome, idagdag ang Cast button.
Tip: Lalabas ang mga video o larawang ika-cast mo sa iyong computer at TV, pero sa TV mo lang magpe-play ang tunog. Magpe-play pa rin sa iyong computer ang mga tunog para sa iba pang tab at app.
I-cast ang screen ng iyong computer
Puwede mong ipakita ang buong screen ng iyong computer gamit ang Chrome sa Mac, Windows, o Chrome OS.
Mahalaga: Kapag kina-cast mo ang iyong screen, puwedeng mag-play ang audio sa computer mo. Para i-play na lang ang audio sa iyong TV, i-cast ang tab.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mag-save at mag-share Mag-cast….
- Piliin ang Mga Source I-cast ang screen.
- Piliin ang Chromecast device kung saan mo gustong i-cast ang iyong screen.
Mag-cast ng musika at mga video mula sa iyong computer
- Buksan ang Chrome.
- Buksan ang file na gusto mong i-cast sa isang tab ng Chrome.
- I-drag at i-drop ang file sa isang tab ng Chrome, o gumamit ng keyboard shortcut:
- Windows: Ctrl + O
- Mac: command + O
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mag-save at mag-share Mag-cast….
- Piliin ang device na may naka-enable na Chromecast na gusto mong gamitin.