Gumawa ng iskedyul ng appointment

Sa iyong computer, puwede kang gumawa ng iskedyul ng appointment sa Google Calendar.

Mahalaga: Kung ginagamit mo ang Calendar sa pamamagitan ng personal na account, puwede kang gumawa ng iisang page para sa pag-book at tumanggap ng unlimited na appointment nang libre. Kailangan ng subscription sa Google Workspace o Google One para sa higit pang premium feature. Matuto pa tungkol sa mga premium feature para sa mga iskedyul ng appointment

Gumawa ng iyong iskedyul ng appointment

Gumawa ng iskedyul ng appointment

Hakbang 1: I-set up ang iyong iskedyul ng appointment

Mahalaga: Para gumawa ng iskedyul ng appointment sa sekundaryong kalendaryo o magdagdag ng mga co-host sa isang iskedyul ng appointment, kailangan mo ng kwalipikadong subscription sa Google Workspace. Matuto pa tungkol sa mga premium feature para sa mga iskedyul ng appointment

  1. Sa computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Gumawa Magdagdag.
  3. I-click ang Iskedyul ng appointment.
  4. Maglagay ng pamagat.
    • Ang pamagat ay makikita ng sinumang may link sa iyong page para sa pag-book.
    • Lalabas ang pamagat sa iyong kalendaryo para sa iskedyul at mga paparating na booking.
  5. Para magtakda ng tagal ng appointment, i-click ang pababang arrow Dropdown.
    • Hindi dapat bababa sa 5 minuto ang tagal ng mga appointment.
  6. Itakda ang petsa, oras, at time zone ng iyong mga appointment.
    • Puwede kang mag-set up ng one-time na appointment o umuulit na iskedyul.
    • Tip: Para magdagdag ng maraming time slot para sa isang araw, i-click ang Magdagdag ng isa pang yugto sa araw na ito .
  7. Pumili ng mga setting para sa iyong availability ng appointment, tulad ng panahon ng pag-iiskedyul mo o mga araw kung kailan ka hindi available. Alamin ang tungkol sa pag-customize ng iyong availability.
  8. Pumili ng pangunahin o sekundaryong kalendaryo kung saan mo gustong idagdag ang iyong iskedyul ng appointment.
    • Mga Tip:

      • Kapag nakagawa ka na ng iskedyul ng appointment, hindi mo ito mae-edit na maging nasa ibang pangunahin o sekundaryong kalendaryo.

      • Puwedeng gumawa ng mga pagbabago sa iskedyul at tumingin ng mga paparating na booking ang sinumang may pahintulot na mag-edit sa sekundaryo o pangunahing kalendaryo. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa pag-access.

  9. Opsyonal: Para maiwasan ang pagkakasabay-sabay ng mga event na ginawa o tinanggap sa mga pangunahin o sekudnaryong kalendaryo, sa ilalim ng "Mga Kalendaryo," piliin ang Suriin ang mga kalendaryo para sa availability. Pagkatapos, piliin ang lahat ng kalendaryo kung saan ayaw mong maging available ang mga puwedeng i-book na oras sa panahon ng anumang ginawa o tinanggap na event.
    • Mahalaga: Isang beses lang puwedeng i-book ang bawat appointment slot sa page para sa pag-book kahit na naka-off ang feature na ito.
  10. Para magdagdag ng mga co-host sa appointment, ilagay ang mga pangalan o email address ng co-host.
    • Tip: Puwede kang magdagdag ng hanggang 20 co-host sa parehong organisasyon. Hindi puwedeng gamitin bilang mga co-host ang mga Google Group.

  11. I-click ang Susunod.

Hakbang 2: I-set up ang iyong page para sa pag-book

Mahalaga:

  • Sa mga kwalipikadong Google Workspace plan lang available ang pag-verify sa email.
  • Para sa mga kwalipikadong Google Workspace at Google One plan, puwede kang magpadala ng hanggang sa 5 paalala bago ang bawat appointment.
  • Para tumanggap ng mga bayad para sa mga appointment, kailangan ng Stripe account. Alamin kung paano tumanggap ng mga bayad.
  1. Suriin ang iyong larawan at pangalan sa page para sa pag-book.
    • Kukunin ang larawan sa iyong Google Account. Alamin kung paano baguhin ang iyong larawan.
    • Ang mga page para sa pag-book ay hindi nagpapakita ng larawan para sa mga iskedyul ng appointment sa mga pangalawang kalendaryo.
  2. Pumili ng lokasyon at mga opsyon sa kumperensya para sa appointment:
    • Pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet
    • In-person na meeting
    • Tawag sa telepono
    • Wala / tutukuyin sa ibang pagkakataon
  3. Magdagdag ng paglalarawang nagpapaliwanag sa iyong serbisyo.
    • Ipapakita ang paglalarawan sa iyong page para sa pag-book at mga email ng kumpirmasyon.
  4. Magdagdag ng mga field na pupunan ng iyong mga attendee.
    • Dapat ibigay ng mga attendee ang kanilang pangalan at apelyido at email address.
    • Para magdagdag ng higit pang field:
      1. I-click ang Magdagdag ng item.
      2. I-click ang Numero ng telepono o Custom na item.
      3. Piliin kung Kinakailangan o Opsyonal ang mga field na ito.
    • Para maiwasan ang mga bot, i-click ang Humiling ng pag-verify sa email.
  5. Opsyonal: I-on ang mga bayad sa appointment.
    1. Magkonekta ng Stripe account sa Google Calendar.
    2. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “Mangailangan ng bayad sa pag-book.”
    3. Maglagay ng halaga at currency.
    4. Idagdag ang iyong patakaran sa pagkansela.
  6. Mag-set up ng mga email ng kumpirmasyon at paalala para sa iyong mga email.
    • Puwede kang magpadala ng hanggang 5 paalala.
  7. I-click ang I-save.

Tip:

  • Sa view ng Linggo o anumang view ng Araw, puwede kang gumawa o magdagdag ng availability sa isang iskedyul ng appointment kapag nag-click ka sa anumang oras sa iyong kalendaryo. I-click ang Iskedyul ng appointment sa lalabas na window.

I-edit ang iyong iskedyul ng appointment

Puwede kang mag-edit ng ilang partikular na field sa iyong iskedyul ng appointment.
Baguhin ang iyong larawan at pangalan
Puwede mong baguhin kung paano lumalabas ang iyong larawan at pangalan sa page mo para sa pag-book. Alamin kung paano i-customize ang iyong page para sa pag-book ng appointment.
Itakda ang lokasyon ng appointment
Puwede mong ipaalam sa mga bisita kung saan gagawin ang isang appointment.
  1. Buksan ang iyong iskedyul ng appointment.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Susunod.
  3. Para magtakda ng lokasyon ng meeting, sa ilalim ng “Lokasyon at pakikipagkumperensya,” i-click ang Pumili ng lokasyon Dropdown.
  4. Pumili ng opsyon sa lokasyon:
    • Pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet
    • In-person na meeting
    • Tawag sa telepono
    • Wala / tutukuyin sa ibang pagkakataon
  5. Para i-save ang iyong iskedyul ng appointment, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang I-save.
Tip: Para gumamit ng third-party na serbisyo sa pakikipag-video call, i-click ang Wala / tutukuyin sa ibang pagkakataon. Kapag may nag-book na ng appointment, i-edit ang event para idagdag ang impormasyon ng video meeting. Inirerekomendang mag-install ng add-on ng Google Workspace Marketplace.
Magdagdag ng paglalarawan
Puwede kang maglagay ng higit pang detalye tungkol sa iyong serbisyo o event sa paglalarawan ng event.
  1. Buksan ang iyong iskedyul ng appointment.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Susunod.
  3. Sa ilalim ng “Paglalarawan,” maglagay ng mga detalye tungkol sa serbisyo o event.
  4. Para i-save ang iyong iskedyul ng appointment, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang I-save.
Tip: Lumalabas ang mga paglalarawan sa iyong page para sa pag-book, mga email ng kumpirmasyon, at sa mga paglalarawan ng event sa Google Calendar.
I-edit ang form sa pag-book
Puwede kang magdagdag ng mga field na pupunan ng iyong mga attendee sa form sa pag-book.
Mahalaga: Dapat ilagay ng mga taong magbu-book ng mga appointment sa iyo ang kanilang mga pangalan at email address sa form sa pag-book.
  1. Buksan ang iyong iskedyul ng appointment.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Susunod.
  3. I-click ang Form sa pag-book Pababang arrow at pagkatapos ay Magdagdag ng item at pagkatapos ay Numero ng telepono Dropdown.
  4. Piliin ang field:
    • Numero ng telepono: Hilingin sa attendee na ibigay ang numero ng kanyang telepono.
    • Custom na item: Sa text box, ilagay ang prompt na gusto mong sagutin ng attendee.
  5. Opsyonal: Para humingi ng sagot, sa tabi ng “Kinakailangan,” lagyan ng check ang kahon.
  6. Para i-save ang form, i-click ang Idagdag ang item.
  7. Para i-save ang iyong iskedyul ng appointment, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang I-save.
I-edit ang mga email ng paalala

Puwede kang magtakda ng oras para sa kung kailan mo gustong makatanggap ng email ng paalala ang isang attendee.

  1. Buksan ang iyong iskedyul ng appointment.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Susunod.
  3. I-click ang Mga kumpirmasyon at paalala sa booking Pababang arrow.
  4. Sa ibaba ng “Paalala sa email,” i-click ang Pababang arrow Dropdown.
  5. Piliin kung kailan mo gustong makatanggap ng paalala sa email ang attendee.
  6. Para i-save ang oras ng paalala, i-click ang Tapos na.
  7. Para i-save ang iyong iskedyul ng appointment, sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang I-save.
Mga Tip:
  • Puwede kang magpadala ng hanggang 5 paalala.
  • Hindi mo mae-edit ang text sa mga email ng paalala.
I-off ang mga email ng paalala
  1. Buksan ang iyong iskedyul ng appointment.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Susunod.
  3. I-click ang Mga kumpirmasyon at paalala sa booking Pababang arrow.
  4. Sa tabi ng “Paalala sa email,” i-uncheck ang kahon.
I-hide ang iyong iskedyul ng appointment

Para ipakita o i-hide ang mga iskedyul ng appointment sa Google Calendar Web:

  1. Sa itaas, sa tabi ng Mga Setting , i-click ang dropdown menu na “Switcher ng view.”
  2. I-click ang Ipakita ang mga iskedyul ng appointment.

Mga Tip:

  • Kung nakatago ang mga iskedyul ng appointment, ipinapakita pa rin sa iyong kalendaryo ang mga na-book na appointment.
  • Kung naka-hide ang mga iskedyul ng appointment at gagawa ka ng bagong iskedyul o magdaragdag ka ng oras sa dati nang iskedyul, ipapakita ulit ng setting ang mga iskedyul ng appointment.
  • Palaging nakikita sa mobile app ang mga iskedyul ng appointment.

Paano nagsi-sync ang iyong iskedyul ng appointment sa kalendaryo mo

Awtomatikong nasi-sync sa Google Calendar ang iyong iskedyul ng appointment.
  • Awtomatikong lumalabas sa iyong kalendaryo ang iskedyul ng appointment at mga naka-book na appointment mo.
  • Kapag pinili mo ang "Suriin ang mga kalendaryo para sa availability," iniiwasan ng Google Calendar ang magkakasabay na iskedyul. Kung mag-a-RSVP ka ng “Oo” o “Siguro” sa isang event sa Google Calendar, hindi lalabas ang block na iyon ng oras bilang nakabukas sa iyong page para sa pag-book. Awtomatikong ina-update ang iyong availability sa page para sa pag-book para maiwasan ang pagkakasabay-sabay ng mga event. Kung magsa-subscribe ka sa isang kwalipikadong Google Workspace o Google One plan, titingnan ang iyong mga napiling kalendaryo para sa mga may kasabay na event. Alamin kung paano maiiwasan ang magkakasabay na iskedyul ng appointment.

Paano gumagana ang visibility ng iskedyul ng appointment

  • Puwedeng gumawa ng mga pagbabago sa iskedyul at tumingin ng mga paparating na booking ang sinumang may pahintulot na mag-edit sa kalendaryo kung saan gumawa ng iskedyul ng appointment.
  • Makikita ng sinumang may link ng iyong page para sa pag-book ang mga oras kung kailan ka available.
  • Kung ibabahagi mo ang iyong page para sa pag-book, pero hindi ang kalendaryo mo, hindi makikita ng ibang tao ang mga event sa iyong kalendaryo.
  • Sa ilalim ng menu na “Switcher ng View,” puwede kang magpakita o mag-hide ng mga iskedyul ng appointment. Kung naka-hide ang isang iskedyul ng appointment at gagawa ka ng bagong iskedyul o magdaragdag ka ng oras sa isang iskedyul, ipapakita ulit ang mga naka-hide na iskedyul ng appointment.
  • Sa iyong mga page para sa pag-book, kung io-off mo ang “Suriin ang mga kalendaryo para sa availability,” lalabas bilang bukas ang lahat ng block ng oras ng appointment, maliban sa mga dating booking na tinanggap sa pamamagitan ng mga page para sa pag-book. Nalalapat ito kahit na tumanggap ka ng event na walang appointment.
    • Mahalaga: Isang beses lang puwedeng i-book ang bawat appointment slot sa page para sa pag-book kahit na naka-off ang feature na ito.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15109450755713428943
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false