Suriin at tingnan ang performance ng iyong Profile ng Negosyo

Puwede mong subaybayan ang performance ng iyong Profile ng Negosyo sa isang partikular na yugto ng panahon. Magtakda ng hanay ng petsa at makakuha ng data ng Perormance sa kung paano nakikipag-interact ang mga tao sa iyong negosyo sa Google.
 

Subaybayan ang performance ng iyong Profile ng Negosyo 

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Para mahanap ang iyong ulat:
    • Sa Google Search, piliin ang Performance.
    • Sa Google Maps, piliin ang I-promote at pagkatapos ay Performance.
  3. Sa itaas, pumili ng hanay ng petsa para sa iyong ulat at piliin ang Ilapat.

I-access ang data ng Performance nang maramihan

Puwede mong pamahalaan ang isang indibidwal na profile sa Search at Maps. Para mamahala ng maraming profile nang sabay-sabay, puwede mong gamitin ang Business Profile Manager. Kung gusto mong magdagdag ng isa pang profile, sa Google Search, piliin ang menu na tatlong tuldok at pagkatapos ay Magdagdag ng bagong Profile ng Negosyo

Puwede mong i-download nang maramihan ang performance para sa maraming profile sa isang spreadsheet. Pagkatapos, puwede mong tingnan ang performance ng iba't ibang lokasyon ng chain sa Google Search at Maps.

Available lang ang performance para sa mga na-verify na profile.

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa Business Profile Manager.
  2. Piliin ang mga profile kung saan mo gustong mag-download ng ulat sa maramihang performance. 
  3. Sa itaas ng listahan ng iyong mga lokasyon, i-click ang I-download ang Mga Insight.
  4. Piliin ang time-frame para sa iyong data ng performance, pagkatapos, sa kanang sulok sa ibaba ng screen, i-click ang I-download ang ulat.
  5. Awtomatikong magsisimulang mag-download sa bagong tab ang iyong ulat. Kapag na-download na ang iyong ulat, puwede mo nang isara ang tab.

Kung hindi mo pa nao-on ang iyong profile para sa pag-download, baka may makita kang “***” sa mga column ng iyong spreadsheet ng maramihang performance.

Tingnan ang Performance mula sa iyong Profile ng Negosyo sa Maps

Matitingnan ng mga may-ari at manager kung gaano kadalas tiningnan ang kanilang profile sa pamamagitan ng kanilang Profile ng Negosyo sa Google Maps. Magagamit mo ang performance sa pagtingin sa profile para subaybayan kung gaano kasikat ang iyong negosyo sa mga kasalukuyan at potensyal na customer. Ang mga may-ari at manager lang ng Profile ng Negosyo ang makakakita sa Performance ng profile.

Para tingnan ang performance ng iyong profile, mag-sign in sa Google Account na siya ring ginagamit mo para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo. Makakakita ka rin ng simpleng performance sa Maps at Search kung naka-log in ka gamit ang iyong profile.

Mga available na sukatan ng performance

Sa ulat sa performance ng negosyo, puwede mong subaybayan ang mga partikular na pakikipag-ugnayan sa profile gaya ng:

  • Mga Paghahanap: Mga query na ginamit ng mga tao para mahanap ang iyong negosyo. Ina-update ang sukatan ng Mga Paghahanap sa simula ng bawat buwan. Puwedeng tumagal nang 5 araw bago lumabas ang mga update.
    • Ipinapakita ang mga query sa paghahanap sa tuwing lumalabas ang iyong Business Profile para sa isang partikular na query. Hindi mo direktang mapapamahalaan ang mga query. Alamin kung paano mapapataas ang ranking.
  • Mga user na tumingin sa iyong profile: Bilang ng mga natatanging bisita sa iyong profile. Puwedeng bilangin ang isang user sa limitadong beses ng pagkakaton kung bibisitahin niya ang iyong Business Profile sa maraming device at platform tulad ng desktop o mobile at Google Maps o Google Search. Sa bawat breakdown ng device at platform, isang beses lang puwedeng bilangin ang isang user sa isang araw. Hindi binibilang ang maraming pang-araw-araw na pagbisita.
    • Dahil kinakatawan ng sukatang ito ang bilang ng mga natatanging user, puwedeng mas mababa ito kaysa sa bilang ng mga pagtinging makikita mo sa iyong Profile ng Negosyo at sa mga notification sa email.
    • Dahil nakatuon ang sukatan sa mga pagtingin sa Profile ng Negosyo, posibleng mas mababa rin ito kaysa sa bilang ng mga pagtinging makikita mo sa iyong Profile ng Negosyo at sa mga notification sa email, na kabaligtaran ng mga pangkalahatang pagtingin ng Negosyo sa Google.
  • Mga request sa direksyon: Bilang ng mga natatanging customer na nagre-request ng mga direksyon papunta sa iyong negosyo. Binago namin kung paano namin kinakalkula ang mga request sa direksyon para isaalang-alang ang mga bagay na tulad ng maraming pag-tap, pagkansela ng request sa direksyon, at spam. Inaasahan naming mas tumpak na maipapakita ng bagong sukatan ng mga request sa direksyon ang dami ng beses na nag-request ng mga direksyon ang mga indibidwal na customer papunta sa iyong negosyo. Nag-eeksperimento pa kami sa bagong bersyon ng sukatan, kaya available pa rin ang lumang sukatan sa page na Performance ng Profile ng Negosyo.
  • Mga Tawag: Bilang ng mga pag-click sa button sa pagtawag sa iyong Profile ng Negosyo. Ibigay ang numero ng iyong telepono para simulang subaybayan ang sukatang ito.
  • Mga pag-click sa website: Bilang ng mga pag-click sa link ng website sa iyong Profile ng Negosyo.
  • Mga Mensahe: Bilang ng mga natatanging pag-uusap sa mga mensahe.
  • Mga Booking: Bilang ng mga nakumpletong booking ng mga customer. Para makakuha ng data para sa sukatang ito, kailangan mong mag-set up ng mga booking sa pamamagitan ng isang provider.
  • Mga pag-click sa pag-book: Dami ng mga pag-click sa libreng link sa pag-book ng iyong hotel. Ang mga user na nag-click sa iyong link ay ipinapadala sa landing page para direktang mag-book sa iyo. Nalalapat lang ang sukatang ito para sa mga hotel.
  • Kabuuang mga pakikipag-ugnayan: Buod ng lahat ng iyong kabuuang mga pakikipag-ugnayan.
  • Mga pag-order ng pagkain: Mga direktang na-order na pagkain para sa pickup o delivery sa iyong Profile ng Negosyo sa Google sa pamamagitan ng isang Provider ng Order with Google. Suriin ang mga provider ng Order with Google.
  • Mga Produkto: Bilang ng mga pagtingin sa mga produkto sa loob ng isang napiling yugto. Kasama lang sa mga pagtingin na ito ang mga produktong naibenta sa lokasyon ng iyong Profile ng Negosyo, hindi ang mga naibenta online.
  • Mga Menu: Bilang ng mga pag-click sa content ng menu sa bawat user bawat araw. Kasama rito ang mga larawan ng menu, URL ng menu, at data ng structured na menu sa iyong Profile ng Negosyo.

Hindi kasama sa page ng performance ang bilang ng mga pagtingin na natatanggap ng isang Profile ng Negosyo.

Performance sa paghahambing ng presyo ng hotel

Para ihambing ang presyo ng hotel mo sa presyo ng iba pang hotel na tiningnan ng mga user, puwede mong tingnan ang page ng performance.

Ipinapakita ng pangkalahatang-ideyang paghahambing ang average ng pinakamurang rate sa iba't ibang provider sa susunod na 30 araw. Puwede mong suriin ang mga detalye ng paghahambing para makakita ng pang-araw-araw na view kung kumusta ang pinakamurang rate para sa iyong hotel kumpara sa pinakamurang rate ng iba pang hotel.

Para i-update ang mga rate ng iyong hotel sa Google, puwede mong baguhin kung paano mo ibinabahagi ang mga iyon. Matuto pa tungkol sa pagbabahagi ng iyong mga rate sa Google bilang may-ari ng hotel.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15330844242798261787
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false