Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Profile ng Negosyo sa Google para sa Mga Entity ng Negosyo

Huling binago: Abril 3, 2024

Nagbibigay-daan ang Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo sa Google sa mga entity ng negosyo na gumawa at mamahala ng profile ng negosyo sa Google ("Profile ng Negosyo").

Para magamit ang Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo sa Google at anumang kaugnay na serbisyo, feature, at functionality (ang "Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo"), dapat tanggapin ng entity ng negosyo ang (1) Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, at (2) itong Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Profile ng Negosyo sa Google (ang "Mga Karagdagang Tuntunin ng Profile ng Negosyo sa Google"). Kapag pinagsama, tinatawag ang mga dokumentong ito na "Mga Tuntunin." Ang indibidwal na tumatanggap sa Mga Tuntunin para sa isang entity ng negosyo ay dapat awtorisadong kinatawan ng entity ng negosyo na nakalista sa Profile ng Negosyo.

Pakibasa nang mabuti ang Mga Tuntunin. Itinatakda ng mga ito ang maaasahan mo sa amin habang ginagamit mo ang Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo, kung paano namin nililisensyahan at posibleng gagamitin ang impormasyon sa Profile ng Negosyo mo, at ang mga inaasahan namin sa iyo. Kapag ginagamit dito sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Profile ng Negosyo sa Google, tumutukoy ang "ikaw" sa entity ng negosyo na gumagamit sa Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo.

Kung sumasalungat itong Mga Karagdagang Tuntunin ng Profile ng Negosyo sa Google sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, itong Mga Karagdagang Tuntunin ng Profile ng Negosyo ang sasaklaw sa Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo.

Ang inaasahan namin sa iyo

Ikaw ang may pananagutan sa entity na nakalista sa iyong Profile ng Negosyo. Ibig sabihin, bukod pa sa pagsunod sa mga pangunahing panuntunan sa asal na nasa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, kapag ginagamit ang Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo, dapat:

  • Sumunod ka sa mga naaangkop na batas at pinakamahuhusay na kagawian ng industriya kapag pinapatakbo at pino-promote ang iyong entity, kasama ang pagkuha ng lahat ng naaangkop na lisensya at pag-apruba.
  • Tiyakin mong tama, up to date, at kumpleto ang iyong content.
  • Ibigay mo ang lahat ng kinakailangang disclaimer, babala, at abiso (o kung umaasa ka sa anumang ibinibigay ng Google, tiyaking sapat ang mga ito para sa iyong entity).
  • Sumunod ka sa mga patakarang nalalapat sa Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo (“Mga Patakaran”). Matuto pa tungkol sa mga patakaran at alituntunin sa Profile ng Negosyo.
Pag-moderate ng iyong content at ng iba pang content sa Profile ng Negosyo

Hindi responsibilidad ng Google ang iyong Profile ng Negosyo. Gayunpaman, kapag na-claim mo na ito, nauunawaan mong may karapatan kami, pero wala kaming obligasyon, na i-moderate ang content na ibinibigay mo gamit ang Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo.

Patuloy kaming nagsisikap na matiyak na kumpleto, may kaugnayan, at up to date ang impormasyon sa Profile ng Negosyo mo, para maging kapaki-pakinabang para sa iyo at sa mga user namin ang mga detalye ng negosyo na ipinapakita sa Google. Ibig sabihin, paminsan-minsan, puwede kaming magpasyang huwag ipakita ang iyong content (halimbawa, kung isinasaad ng mga pinagkakatiwalaang signal na hindi tumpak ang content mo). Puwede rin kaming magpasyang magpakita ng na-edit na bersyon ng iyong content o magpakita ng content mula sa alternatibong source sa halip na ang content mo. Matuto pa tungkol sa kung paano kumukuha at nagpapakita ng impormasyon ang Google sa Mga Profile ng Negosyo.

Access mo sa iyong content

Patuloy kang magkakaroon ng access sa iyong content sa Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo alinsunod sa functionality na inilalarawan dito. Puwede kang mag-export ng kopya ng data ng Google Account mo (kasama ang naaangkop na data ng Profile ng Negosyo sa Google) kahit kailan.

Para mas maunawaan kung paano i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang iyong Google Account, matuto pa tungkol sa aming Patakaran sa Privacy.

Access ng Google sa iyong account

Kung papahintulutan mo kaming gawin ito, puwede naming i-access ang iyong account para matulungan kang pamahalaan ang Profile ng Negosyo mo.

Mga tuntunin ng proteksyon ng data
Hangga't naaangkop, mailalapat ang Mga Tuntunin sa Pagprotekta ng Data sa pagitan ng Controller-Controller para sa Google na nasa https://privacy.google.com/businesses/gdprcontrollerterms/ (“Mga Tuntunin ng Proteksyon ng Data”). Hindi babaguhin ng Google ang Mga Tuntunin ng Proteksyon ng Data, maliban sa tahasang pinapayagan sa Mga Tuntunin ng Proteksyon ng Data.
Lisensya

Nasasaklawan ng lisensyang ito ang pangunahing impormasyon ng Profile ng Negosyo na ibibigay mo, kung pinoprotektahan ng mga karapatan sa intellectual property ang impormasyong iyon.

Binibigyan mo ang Google ng panghabang-panahon (ibig sabihin, hangga't protektado ng mga karapatan sa intellectual property ang impormasyong iyon), hindi mababawi, pandaigdigan, royalty-free, at hindi eksklusibong lisensyang kopyahin, iakma, baguhin, isalin, i-publish, gawin sa publiko, ipakita sa publiko, ipamahagi, at gawan ng mga hinangong gawa ang pangunahing impormasyon ng Profile ng Negosyo (gaya ng pangalan, lokasyon, numero ng telepono, kategorya, mga oras, at website ng entity). Sa kabila ng lisensyang ito, puwede mong bawiin ang iyong pahintulot para magpadala ang Google Assistant ng mga naka-automate na tawag o text sa numero ng Profile ng Negosyo mo anumang oras. Matuto pa tungkol sa mga tawag sa telepono mula sa Google Assistant.

Binibigyan mo rin ang iba pang user ng mga serbisyo ng Google ng karapatang i-access at gamitin, kasama ang karapatang i-edit, ang impormasyong iyon ayon sa pinapahintulutan sa ilalim ng naaangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.

Lisensyado sa Google ang lahat ng iba pang content na ibibigay mo sa iyong Profile ng Negosyo (gaya ng mga larawan ng negosyo) sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.

Iba pang produkto at serbisyo
Puwede kang mabigyan ng access sa iba pang produkto at serbisyo sa iyong account. Puwedeng napapailalim ang mga produkto at serbisyong ito sa sariling nakahiwalay na mga tuntunin at patakaran ng mga ito na gagawin naming available sa iyo.
Mga pagbabago sa mga tuntunin

Puwedeng gumawa ang Google ng mga hindi materyal na pagbabago sa Mga Tuntuning ito anumang oras nang walang abiso. Magbibigay ang Google ng advance na abiso tungkol sa anumang materyal na pagbabago sa Mga Tuntuning ito. Hindi retroactive na ilalapat ang mga pagbabago sa Mga Tuntunin at magkakabisa ang mga ito pagkalipas ng 15 araw mula nang ma-post sa page na ito. Gayunpaman, ang mga pagbabagong ginawa para sa mga legal na dahilan o sa mga agarang sitwasyon tulad ng pagpigil sa nagaganap na pang-aabuso ay magkakaroon agad ng bisa pagkabigay ng abiso.

Pagwawakas

Nakalaan sa Google ang karapatang paghigpitan, suspindihin, o wakasan nang buo o hindi buo ang iyong pag-access, o paggamit, sa Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo kung:

  1. Lalabag ka sa Mga Tuntuning ito, sa anumang Patakaran, o (mga) naaangkop na batas.
  2. Kinakailangan itong gawin ng Google para makasunod sa isang legal requirement o utos ng hukuman.
  3. Magdudulot ng pinsala o sagutin sa isang third party o sa Google ang iyong asal.

Kung sa palagay mo ay hindi dapat pinaghigpitan, sinuspinde, o winakasan ang iyong access sa Mga Serbisyo ng Profile ng Negosyo, sumangguni sa proseso ng pag-apela sa Mga Patakaran. Puwede mong wakasan ang Mga Tuntuning ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-aalis ng content at mga manager ng profile at, kung naaangkop, pagmamarka sa negosyo bilang permanenteng sarado. Alamin kung paano mag-alis ng content at mga manager ng profile sa isang Profile ng Negosyo.

Mga tanong o reklamo
Kung mayroon kang anumang tanong o reklamo tungkol sa Profile ng Negosyo sa Google, puwede kang pumunta sa aming Help Center o puwede kang makipag-ugnayan sa amin. Kung naniniwala kang hindi dapat sinuspinde o winakasan ang iyong access sa Profile ng Negosyo sa Google, puwede kang umapela.
Mag-ayos ng mga di-pagkakasundo
Kung isa kang business user na nasa EU o United Kingdom, puwede ka ring mag-apply para lutasin ang isang di-pagkakasundo sa ilalim ng Mga Tuntuning ito gamit ang pamamagitan. Makakita ng higit pang detalye tungkol sa mga tagapamagitan kung kanino kami handang makipag-ugnayan at mga tagubilin tungkol sa kung paano humiling ng pamamagitan dito. Maliban kung iniaatas ng naaangkop na batas, boluntaryo ang pamamagitan at hindi ka obligado, gayundin ang Google, na mag-ayos ng mga di-pagkakasundo gamit ang pamamagitan.
Paglalapit ng mga isyu sa mga pampublikong awtoridad
Walang nakasaad sa Mga Tuntuning ito ang pumipigil sa iyong maglapit ng mga isyu sa sinumang naaangkop na pampublikong awtoridad tungkol sa hindi pagsunod sa batas. Kung sumasalungat ang seksyong ito sa anupamang bahagi ng Mga Tuntunin, ang seksyong ito ang sasaklaw.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5204287885669974601
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false