Maglagay ng pin para sa iyong mga negosyo

Pamahalaan ang iyong negosyo

Una, tiyakin na ang address na inilagay mo ay up to date at walang labis na impormasyon, gaya ng nakabalangkas sa aming mga alituntunin sa paglalagay ng address.

Kung walang numero ng kalye ang iyong address, o kung sigurado kang inilagay mo nang tama ang address pero hindi pa rin ito mahanap ng system, puwede mong direktang i-pin ang iyong negosyo sa mapa.

Magdagdag o mag-edit ng pin sa Google

Para isaayos ang lokasyon ng iyong pin:

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Para pamahalaan ang iyong pin sa Google:
    • Sa Google Search, piliin ang I-edit ang profile at pagkatapos ay Lokasyon.
    • Sa Google Maps, piliin ang I-edit ang profile at pagkatapos ay Impormasyon ng negosyo at pagkatapos ay Lokasyon
  3. Sa tabi ng “Lokasyon ng negosyo,” i-click ang I-edit I-edit.
  4. Para isaayos ang lokasyon ng iyong pin, i-click ang Isaayos
  5. Galawin ang mapa para nakaturo ang pin sa lokasyon ng iyong negosyo. 
  6. Piliin ang Tapos na at pagkatapos ay I-save.

Tip: Karaniwang inaabot nang hanggang 10 minuto ang mga pag-edit na nakabinbin ang pagsusuri. Matuto pa tungkol sa mga pag-edit na nakabinbin ang pagsusuri

Kung may mga isyu ka pa rin, makipag-ugnayan sa amin.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
340134679004815413
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false