Magdagdag at mag-alis ng mga larawan para sa mga profile na maramihang na-verify

Posibleng kasama sa iyong mga negosyo sa Google ang mga larawang na-upload mo at larawang na-upload ng iba. Minarkahang "Mula sa may-ari" ang mga larawang idinagdag mo. Puwede kang magdagdag ng mga larawan sa mga negosyo nang maramihan gamit ang isang spreadsheet o nang paisa-isa.

  • Hindi ka puwedeng mag-upload ng mga larawan sa mga lokasyong hindi pa nave-verify. Alamin kung paano magpa-verify
  • Dapat tumutugon ang lahat ng larawan sa aming mga alituntunin sa larawan para sa mga Profile ng Negosyo. 
  • Kung gumagamit ka ng spreadsheet, siguraduhing ia-upload mo ang iyong mga larawan sa isang URL na naa-access ng publiko, gaya ng iyong website o isang photo hosting site. 
  • Posibleng umabot nang ilang araw bago lumabas ang iyong mga larawan sa Google Maps at Search.

Magdagdag ng mga larawan sa mga profile na maramihang na-verify

Magdagdag ng mga larawan nang paisa-isa

Para magdagdag ng mga larawan sa iisang lokasyon:  

  1. Mag-sign in para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo
  2. Piliin ang negosyo kung saan mo gustong magdagdag ng mga larawan.
  3. Mag-scroll papunta sa seksyon para sa uri ng larawang gusto mong idagdag, pagkatapos ay i-click ang Magdagdag ng mga larawan
  4. Mag-drag ng mga larawan papunta sa window na lalabas, o i-click ang Pumili ng mga larawan mula sa iyong computer. Posibleng .jpg o .png ang mga larawan, at dapat ay hindi bababa sa 250px ang taas at lapad ng mga ito. 
  5. I-click ang Piliin para i-upload ang larawan sa iyong lokasyon. 

Magdagdag ng mga larawan sa pamamagitan ng spreadsheet

Para magdagdag ng mga larawan sa pamamagitan ng spreadsheet:

  1. Mag-sign in para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo
  2. Piliin ang mga lokasyon kung saan mo gustong magdagdag ng mga larawan.
  3. I-click ang Mga pagkilos at pagkatapos ay Mga lokasyon.
  4. Ilagay ang Mga URL para sa iyong mga larawan sa mga katugmang column ng larawan sa spreadsheet mo: "Logo," "Cover," o "Iba Pang Larawan." Para i-upload ang mga parehong larawan sa maraming lokasyon, ilagay ang parehong URL sa mga column para sa iba pang lokasyon sa iyong spreadsheet. 
    • Para sa column na "Iba Pang Mga Larawan": Kung mayroon kang mahigit sa isang karagdagang larawan, paghiwalayin ang mga URL sa pamamagitan ng kuwit. Kung may kuwit ang isang URL, palitan ang kuwit ng code na "%2C". Halimbawa, kung ang URL mo ay https://example.com/myphoto03,2012.jpg dapat mong gawing https://example.com/myphoto03%2C2012.jpg ang URL. Tiyaking walang di-wastong character (< , >, etc.), duplicate na URL, o hindi gumaganang URL. May maximum na limitasyon na 25 karagdagang larawan bawat lokasyon.
  5. I-import ang iyong spreadsheet kapag tapos ka nang magdagdag ng mga larawan.

Alisin ang mga larawan sa mga na-verify na profile

Para mag-alis ng larawan sa isang na-verify na Profile ng Negosyo:

  1. Mag-sign in para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo
  2. I-click ang negosyong naglalaman ng larawan na gusto mong alisin.
  3. Alisin ang URL ng larawan.

Tip: Alamin kung paano mag-alis ng mga larawan sa mga profile na hindi na-verify nang maramihan.

Mag-ulat ng hindi naaangkop na larawan

Puwede ka ring mag-ulat ng larawan na idinagdag ng iba kung lumalabag ito sa aming mga alituntunin. Susuriin ang iyong kahilingan para matukoy kung aalisin ba ang larawan o hindi. 

Para humiling ng pag-aalis ng larawan:

  1. Hanapin ang iyong lokasyon sa Google Maps.
  2. Piliin ang larawan.
    • Sa Google Maps, i-click ang Mag-ulat ng hindi naaangkop na larawan sa kanang sulok sa ibaba ng screen
    • Sa classic na Google Maps, i-click ang tab na Mga Larawan para hanapin ang larawan. Piliin ang Higit pa > Mag-ulat ng pang-aabuso
  3. Magdagdag ng talang nagsasabing ikaw ang may-ari ng negosyo at ibigay ang dahilan kung bakit dapat maalis ang larawan.

Para matuto pa, basahin ang Patakaran sa Mga Larawan at Video sa Google Maps.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14177419555365980892
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false