Paano mag-alis ng Profile ng Negosyo

Kung ayaw mo nang pamahalaan ang isang negosyo, puwede mong alisin ang content at mga manager ng profile, at puwede mo ring markahan ang negosyo bilang permanenteng sarado.

Hindi mo mapapamahalaan ang negosyo nang direkta sa Google Search o Maps, pero puwede pa ring patuloy na lumabas sa Google ang negosyo.

Markahan ang isang negosyo bilang permanenteng sarado

Para markahan ang iyong negosyo bilang permanenteng sarado sa Search at Maps:

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Piliin ang I-edit ang profile at pagkatapos ay Impormasyon ng negosyo
    • Sa iyong computer, gamit ang Google Search, pliin ang I-edit ang profile.
  3. Malapit sa itaas, piliin ang tab na Mga Oras.
  4. Sa tabi ng "Mga Oras," piliin ang I-edit I-edit.
  5. Piliin ang Permanenteng sarado.
  6. Piliin ang I-save.

Puwedeng lumabas ang iyong Profile ng Negosyo sa Search at Maps para sa mga user na naghahanap nito, pero malinaw nitong ipapakita na sarado ang negosyo mo.

Tip: Puwede mong itakda ang iyong negosyo sa Pansamantalang saradoMatuto pa tungkol sa kung paano magtakda ng mga oras ng negosyo o magmarka ng pagsasara.

Mag-alis ng content at mga manager sa isang Profile ng Negosyo

Mahalaga:

  • Permanente ang pag-aalis ng content at mga manager para sa isang Profile ng Negosyo at makakaapekto ito sa lahat ng may-ari at manager ng profile. Para mapamahalaan ulit ang profile, dapat ma-verify ito ulit.
    • Permanenteng aalisin ang anumang post, larawan, at video na idinagdag ng mga may-ari o manager.
    • Kung ginawa ang iyong website gamit ang Profile ng Negosyo sa Google, permanente itong aalisin.
    • Hindi mare-recover o mapapamahalaan ang anumang inalis na content ng profile.
  • Ang mga pangunahing may-ari at may-ari lang ang makakapag-alis sa content at mga manager ng profile.
  • Kung ayaw mo nang pamahalaan ang profile, puwede mong alisin ang iyong sarili sa profile
  • Dapat maghintay nang 7 araw ang mga bagong may-ari o manager ng isang Profile ng Negosyo bago sila makapag-alis ng content at mga manager ng profile.
  • Kung naaangkop, ipakitang wala na ang iyong negosyo sa pamamagitan ng pag-toggle sa “Markahan ang iyong negosyo bilang permanenteng sarado.”
  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. I-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga setting ng Profile ng Negosyo.
  3. I-click ang Alisin ang Profile ng Negosyo at pagkatapos ay Alisin ang content at mga manager ng profile.
    • Para ipakitang wala na ang iyong negosyo, i-on ang Markahan ang iyong negosyo bilang permanenteng sarado.
  4. I-click ang Magpatuloy at pagkatapos ay Alisin at pagkatapos ay Tapos na.

Mag-alis ng maraming Business Profile

  1. Mag-sign in sa Business Profile Manager.
    • Tiyaking naka-sign in ka sa account na ginamit mo para mag-sign up para sa Profile ng Negosyo.
  2. Sa iyong homepage, pumili ng isa o higit pang profile na gusto mong alisin.
  3. Sa kanan, i-click ang Mga Pagkilos at pagkatapos ay Mag-alis ng mga negosyo at pagkatapos ay Alisin.

Mag-alis ng negosyo sa Maps

Puwede mong ipaalis ang isang negosyo sa Maps kung ang negosyo ay:

Kahit wala kang pinapamahalaang negosyo, puwede mong ipaalis ang negosyo.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Maps.
    • Mag-sign in gamit ang parehong account na ginamit mo para mag-sign up para sa Profile ng Negosyo.
  2. Sa iyong mapa, i-click ang negosyong gusto mong alisin.
  3. Sa kaliwa, i-click ang Magmungkahi ng pag-edit.
  4. I-click ang Isara o alisin.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Pagkatapos mong isumite ang kahilingan, dadaan ito sa proseo ng pagsusuri. Puwede kang makatanggap ng email tungkol sa status nang may mga karagdagang tanong mula sa aming review team. Kung maaaprubahan, aalisin sa Maps ang negosyo.

Alamin kung paano magmarka ng negosyo bilang permanenteng sarado nang hindi ito inaalis.

Mga kaugnay na resource

 

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15435698562985841941
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false