Ayusin ang mga error sa pag-import para sa maramihang pag-upload

Maunawaan ang mga error

Puwedeng pigilan ng mga error sa Profile ng Negosyo na maging kwalipikadong lumabas ang impormasyon ng iyong negosyo sa Google Maps, Search, at mga campaign ng ad. 

May apat na dahilan kung bakit maaari kang makakita ng error:

  1. Hindi sumusunod ang iyong data sa mga alituntunin sa pag-format ng Profile ng Negosyo (hal. "karascookies" sa halip na http://www.karascookies.com).
  2. May mga kinakailangang field na hindi kumpleto (hal. may hindi ka nailagay na pangalan para sa isang lokasyon).
  3. Hindi tugma ang data na ibinigay mo o hindi namin maunawaan ito (hal. nakalagay ang marker ng lokasyon sa labas ng bansang tinukoy mo sa address).
  4. Gumawa kami ng mga pagbabago sa patakaran upang mapahusay ang kalidad ng lokasyon at nagdulot ito ng paglabas ng mga bagong error sa data na naisumite na dati.

Tingnan at ayusin ang mga error

Matitingnan mo ang lahat ng error ng iyong account sa pamamagitan ng pag-download sa mga lokasyon mo. Kapag naayos mo na ang mga error, i-import ulit ang iyong spreadsheet. Matuto pa tungkol sa mga error at kung paano ayusin ang mga ito.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14386545769754655642
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false