Mas maraming magawa sa Google Assistant sa Google TV

Puwede kang magtanong at tumapos ng mga gawain sa iyong Google TV na may Google Assistant. Naka-install na ang Google Assistant sa iyong Google TV device. Puwede mo itong i-on sa unang beses na i-set up mo ang iyong device, o puwede mo itong i-on sa ibang pagkakataon. Matuto pa tungkol sa kung paano i-set up at gamitin ang Google Assistant sa iyong TV

Sa mga Google TV device, available ang Google Assistant sa English, French, German, Spanish, Italian, Japanese, Hindi, Chinese (Traditional), Korean, Portuguese (Brazil), Dutch, Norwegian, Swedish, at Danish.

Makipag-usap sa Google Assistant

Sa iyong Google TV remote, pindutin ang button ng Google Assistant Assistant at magtanong o magsabi ng command. Para tulungan ang Google Assistant na maunawaan ang iyong kahilingan, magsalita sa mikropono sa remote mo.

Tip: Para mas marami pa ang magawa sa iyong Assistant, i-download ang Google Assistant app Assistant sa telepono mo.

Ano ang puwede mong ipagawa o itanong sa Google Assistant

Manood ng mga video

  • Mga pelikula at palabas sa TV: "Play The Mandalorian on Disney+ (I-play ang The Mandalorian sa Disney+)."
  • Mga video clip: "Play cat videos on YouTube (Mag-play ng mga video ng pusa sa YouTube)."
  • Mga App: "Open YouTube (Buksan ang YouTube)."
  • Maghanap: "Search for sitcoms (Maghanap ng mga sitcom)." "Find sci-fi movies (Maghanap ng mga sci-fi na pelikula)."
  • Impormasyon: "Tell me about Game of Thrones (Sabihin sa akin ang tungkol sa Game of Thrones)."

Kontrolin ang media

  • Pag-playback: "Pause (I-pause)." "Stop (Ihinto)." "Resume (Ituloy)."
  • Volume: "Louder (Lakasan)." "Softer (Hinaan)."

Kontrolin ang iyong smart na bahay

  • Mga Ilaw: "Dim the living room lights (Diliman ang mga ilaw sa sala)."
  • Mga Thermostat: "Set the heat to 70 (Itakda ang init sa 70)." "Lower the temperature 2 degrees (Babaan ang temperatura nang 2 degree."

Planuhin ang iyong araw

  • Mga Alarm: "Set an alarm for 7 AM (Magtakda ng alarm para sa 7 AM)."

Magtanong sa Google

  • Mga update sa laro: "Who won the Warriors game? (Sino'ng nanalo sa laban ng Warriors?)"
  • Mga Kalkulasyon: "What’s 20% of 80? (Ilan ang 20% ng 80?)"
  • Diksyunaryo "What does "gregarious" mean? (Ano'ng ibig sabihin ng "gregarious"?)"
  • Mga pag-translate: "How do I say "Nice to meet you" in French? (Paano sabihin sa French ang "Ikinagagalak kong makilala ka")?"
  • Pananalapi: "How’s the S&P 500 doing? (Kumusta ang S&P 500?)"
  • Mga pag-convert ng unit: "How many kilometers in a mile? (Ilang kilometro ang isang milya?)"
  • Maghanap: "Search for summer vacation ideas (Maghanap ng mga ideya para sa bakasyon sa tag-init)."
  • Paghahanap ng larawan: "Find pictures of kittens (Maghanap ng mga larawan ng mga kuting)."
  • Sagot sa web: "How do you remove wine stains from a rug? (Paano mag-alis ng mga mantsa ng wine sa carpet?)"

Mag-enjoy

  • Kilalanin ang iyong Assistant: "Do you dream? (Nananaginip ka ba?)" "What's your favorite color? (Ano ang paborito mong kulay?)"
  • Mga Laro: "Let’s play a game (Maglaro tayo)." "Give me a trivia question (Pahingi ng trivia question)."
  • Entertainment: "Tell me a joke (Pahingi ng joke)." "Tell me something interesting (Magsabi sa akin ng kawili-wiling bagay)."

Tip: Para sa higit pang ideya, tanungin ang Google Assistant ng "What can you do? (Ano ang magagawa mo?)"

Mga kaugnay na artikulo

 
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14435499289310901239
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633398
false
false