Halimbawa ng pag-import ng Data ng Refund

Alamin kung paano mag-import ng mga refund para sa isang halimbawa ng online na retailer ng damit.

Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-import ng Data ng Refund na itugma ang iyong internal na pag-uulat ng Ecommerce sa Analytics.

Upang magamit ang feature na ito, ginagamit dapat ng iyong property ang plugin ng Pinahusay na Ecommerce.

Sa artikulong ito:

Maaari lang i-refund ang mga transaksyon sa Analytics sa loob ng 6 na buwan simula sa orihinal na petsa ng transaksyon na iniulat. Dapat naipadala ang mga transaksyon sa bagong format na Pinahusay na Ecommerce. Kung gumagamit ka ng mga filter upang baguhin ang transaction ID, ipadala ang refund kasama ang orihinal na hindi na-filter na transaction ID.

Hindi ka maaaring mag-delete o magbago ng data ng refund kapag na-upload na ito sa iyong Analytics account. Ikaw lang ang may responsibilidad na patunayan ang katumpakan ng iyong data ng refund bago mo ito ipadala o i-upload sa Analytics.

Sitwasyon:

Isa kang retailer ng damit na gumagamit ng ecommerce at gusto mong mag-import ng data ng pag-refund upang masuri mo ang epekto sa iyong negosyo gamit ang mga ulat sa Pinahusay na Ecommerce ng Analytics.

Unang Hakbang: Magpasya kung anong data ang dapat i-import

Magpapanatili ka ng file ng data sa labas ng Analytics na mag-uugnay sa bawat produktong damit sa anumang mga refund na ibinigay para sa produktong iyon.

Ikalawang Hakbang: Gawin ang Data Set

Upang maproseso ang mga refund, kailangang mayroon kang nakolektang data ng transaksyon na may ec.js plugin.

  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. I-click ang Admin, at mag-navigate sa property kung saan mo gustong mag-upload ng data.
  3. Sa column ng PROPERTY, i-click ang Pag-import ng Data.
  4. I-click ang Bagong Set ng Data.
  5. Piliin ang Data ng Refund bilang Uripe.
  6. Pangalanan ang Data Set: “Mga Refund”
  7. Tukuyin ang Schema gamit ang halimbawa sa ibaba bilang modelo.

Halimbawa ng Schema

Itinatakda ang Transaction Id bilang default na Key.

Mga Setting ng Schema:

Key: Transaction Id
Dimensyon: SKU ng Produkto
Mga sukatan: Presyo ng Produkto, Dami ng Na-refund, Kita

I-save ang set ng data.

Ikatlong Hakbang: Gawin ang CSV

Ang pagbuo ng iyong CSV file sa pag-upload ay isang prosesong may 2 hakbang:

1. Kunin ang header para sa CSV

Sa talahanayan ng Data Set, i-click ang Mga Refund upang buksan ang configuration ng data set.

I-click ang Kunin ang schema.

Makakakita ka ng katulad ng sumusunod:

CSV header
ga:transactionId,ga:productSku,ga:productPrice,ga:quantityRefunded,ga:transactionRevenue

 

Ito ang header na dapat mong gamitin bilang unang linya ng iyong mga na-upload na CSV file. Tinutukoy ng talahanayan sa ibaba ang mga column:

Transaksyon SKU ng Produkto Presyo Dami ng Na-refund Kita sa Transaksyon
ga:transactionId ga:productSku ga:productPrice ga:quantityRefunded ga:transactionRevenue

2. Gumawa ng spreadsheet at i-export ito bilang isang CSV

Gumawa ng Google spreadsheet na sumusunod sa format sa itaas. Dapat gamitin ng unang (header) row ng iyong spreadsheet ang mga internal na pangalan ng dimensyon (hal., ga:transactionId sa halip na Transaksyon) na nasa dialog na Kunin ang schema na ipinapakita sa itaas. Ang mga column sa ibaba ng bawat cell ng header ay dapat maglaman ng kaukulang data para sa bawat header.

ga:transactionId ga:productSku ga:productPrice ga:quantityRefunded ga:transactionRevenue
T00001 12345 11.99 1 11.99
T00002 23456 11.99 2 23.98
T00003 345 11.99 3 35.97
T00004 45678 11.99 4 47.96

I-export ang spreadsheet bilang isang CSV. Magiging ganito ang hitsura ng iyong file:

    ga:transactionId,ga:productSku,ga:productPrice,ga:quantityRefunded,ga:transactionRevenue
    T00001,12345,11.99,1,11.99
    T00002,23456,11.99,2,23.98
    T00003,34567,11.99,3,35.97
    T00004,45678,11.99,4,47.96
  

Kumpleto vs. Hindi Kumpletong mga refund

Hindi mo maaaring pagsamahin ang mga kumpletong refund at mga hindi kumpletong refund sa iisang upload file. Gumamit ng magkaibang upload file para sa bawat uri ng refund.

Kung gusto mong mag-refund ng isang buong transaksyon, ang dapat lang na nakalagay sa bawat row ng iyong upload file ay ang Transaction ID na:

ga:transactionId ga:productSku ga:productPrice ga:quantityRefunded ga:transactionRevenue
T00001        

 

Kung gusto mong mag-refund ng isang hindi kumpletong transaksyon, nakalagay dapat sa bawat row ng iyong upload file ang Transaction ID, SKU ng Produkto at Dami ng Na-refund:

ga:transactionId ga:productSku ga:productPrice ga:quantityRefunded ga:transactionRevenue
T00001 12345   1  

Ikaapat na Hakbang: I-upload ang data

Maaari mo nang i-upload ang CSV file na ginawa mo sa Analytics. May dalawa kang pagpipilian sa pag-a-upload ng iyong data: manual, gamit ang user interface ng Analytics, o sa pamamagitan ng program, gamit ang Management API.

I-upload nang manual
  1. Sa talahanayan ng Data Set, hanapin ang row para sa Mga Refund.
  2. I-click ang Pamahalaan ang mga pag-upload para sa data set ng Mga Refund.
    Pamahalaan ang dialog ng mga pag-upload
  3. I-click ang I-upload ang file, piliin ang file, pagkatapos ay i-click ang I-upload.
Mag-upload sa pamamagitan ng Management API
  1. Mag-sign in sa Google Analytics.
  2. I-click ang Admin, at mag-navigate sa property kung saan mo gustong mag-upload ng data.
  3. Sa column ng PROPERTY, i-click ang Pag-import ng Data.
  4. Sa listahan, i-click ang pangalan ng set ng data.
  5. I-click ang Kunin ang Custom na Source ID ng Data…
  6. Gumawa ng kopya ng ID.
  7. Sundin ang mga tagubiling ito upang mag-upload sa pamamagitan ng Management API.

Ikalimang Hakbang: Tingnan ang data sa mga ulat

Kapag na-upload mo na ang data ng refund, makikita mo ito sa ulat sa Pagganap sa Pagbebenta.

Maaari ka ring gumawa ng Custom na Ulat gamit ang anuman sa mga sukatan ng refund (hal., Halaga ng Lokal na Refund ng Produkto, Halaga ng Lokal na Refund, Mga Refund ng Produkto, Halaga ng Refund ng Produkto, Dami ng Na-refund, Halaga ng Refund) at pagkatapos ay idagdag ang anuman sa mga available na dimensyon.

Kailangang maproseso at maisama ang na-upload na data sa iyong umiiral nang data. Maaaring umabot ng hanggang 24 na oras bago lumabas ang na-import na data sa mga ulat.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4022751494860572665
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false