[UA] Mag-set up ng pagsubaybay sa pag-install para sa mga mobile app

Tingnan kung paano nahahanap ng trapikong nag-i-install ng iyong app ang page ng marketplace mo.
Ang artikulong ito ay tungkol sa pagsubaybay sa pag-install para sa mga mobile app sa Universal Analytics. Tingnan ang mga sumusunod na resource para sa katulad na impormasyong nauugnay sa Google Analytics 4:
Inilalarawan ng artikulong ito ang functionality ng Analytics SDK. Para sa pinaka-up to date na pag-uulat ng mobile app sa Analytics, gamitin ang Firebase SDK. Para matuto pa, basahin ang Magsimula sa analytics ng app.

Nagbibigay-daan sa iyo ang pagsubaybay sa pag-install na makapagkolekta at makapagpadala ng data mula sa mga mobile app mo patungo sa iyong Analytics account at palabasin ito sa ulat mo sa Mga Source ng Mobile App.

Dapat mong kumpletuhin ang mga hakbang sa artikulong ito upang ma-set up ang pagsubaybay sa pag-install para sa iyong mga mobile app.

Sa artikulong ito:

Hakbang 1: I-enable ang pagsubaybay sa pag-install ng app sa iyong account.

Para sa Android

Awtomatikong naka-enable ang pagsubaybay sa pag-install sa Analytics para sa mga Android app. Wala ka nang kailangang gawin!

Para sa iOS

Sundin ang mga hakbang na ito upang i-enable ang pagsubaybay sa pag-install sa iyong Analytics account:

  1. Mag-sign in sa Google Analytics..
  2. I-click ang Admin, at mag-navigate sa property na gusto mong i-edit.
  3. Sa column na PROPERTY, i-click ang Mga Setting ng Property.
  4. Sa seksyong Pagsubaybay ng Campaign sa iOS, i-click ang toggle at gawin itong NAKA-ON.
  5. I-click ang I-save.

Hakbang 2: I-update ang iyong Analytics SDK.

Para sa Android

Kailangang baguhin ng mga developer ng Android ang ilang linya sa kanilang manifest file. Sumangguni sa Developer Guide para sa Android para sa partikular na halimbawa kung paano ito gawin.

Para sa iOS

I-update ang iyong app para gamitin ang Analytics iOS SDK. Para gamitin ang pagsubaybay sa pag-install ng Analytics app, kakailanganing i-access ng iyong app ang identifier ng iOS para sa pag-advertise (iOS identifier for advertising o IDFA). Kailangan mong idagdag ang library na libAdIdAccess.a sa iyong XCode project upang gawin ito. Sumangguni sa README file sa SDK para sa higit pang impormasyon, o sumangguni sa Developer Guide para sa mga detalye at halimbawa.

Manood ng video

Hakbang 3: Mag-set up ng Mga Custom na Campaign.

Ang Mga Custom na Campaign ay isang feature ng Analytics na nagdaragdag ng mga parameter sa URL ng iyong page ng marketplace kung saan dina-download ng mga user ang iyong app. Ang mga parameter na ito ang nagsasabi sa Analytics kung saang mga marketplace nanggagaling ang iyong trapiko. Magkaroon ng pangkalahatang-ideya ng Mga Custom na Campaign sa Analytics at kung paano gumagana ang mga ito.

Dapat kang mag-set up ng Mga Custom na Campaign para sa bawat platform na ginagamit mo. Upang gawin itong madali, gumawa kami ng tool upang makatulong sa iyong buuin ang iyong mga URL upang hindi mo ito kailangang gawin nang manual. Para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano mag-set up ng Mga Custom na Campaign, sumangguni sa aming Mga Gabay ng Developer sa bawat operating system:

Para sa Android

Para sa iOS

Mga susunod na hakbang

Gumawa at mamahala ng mga ad campaign (sa ad network na iyong gusto).

Pagkatapos mong makumpleto ang mga hakbang sa pag-set up ng mobile app na pagsubaybay sa pag-install gamit ang Analytics, puwede ka nang magsimulang mag-isip tungkol sa iyong strategy at content sa pag-advertise. Magkakaroon ng malaking epekto kung paano mo gagawin at papamahalaan ang iyong mga ad campaign sa bilang ng mga user na makukuha mo para mag-download ng iyong app. Kakailanganin mong magpasya kung sino ang iyong target na audience, kung ano ang mensaheng gusto mong ihatid, at kung aling ad network ang iyong gagamitin.

Paano mo man mapagpasyahang sagutin ang mga tanong na ito, napakahalaga na gumawa ka ng mga custom na URL para sa bawat isa sa iyong mga ad o campaign na humahantong sa iyong download page, at isama ang mga na-tag na URL sa bawat ad. Sa ganitong paraan, maaari mong malaman kung alin sa iyong mga ad ang pinakamatagumpay sa paghihimok ng trapiko sa iyong page sa pag-download.

Suriin ang iyong data gamit ang ulat ng Mga Pinagmulan ng Mobile App.

Kung nakumpleto mo ang mga hakbang na nakabalangkas sa itaas, lalabas ang iyong data sa ulat sa Mga Pinagmulan ng Mobile App. Gamitin ang ulat na ito upang malaman kung ano ang nagdala sa mga user sa iyong page ng pag-download sa bawat marketplace.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Pumili ng sarili mong learning path

Tingnan ang google.com/analytics/learn, isang bagong resource para tulungan kang sulitin ang Google Analytics 4. Makakakita sa bagong website ng mga video, artikulo, at may gabay na flow, at may mga link ito sa Discord ng Google Analytics, Blog, channel sa YouTube, at repository sa GitHub.

Magsimulang matuto ngayon!

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2736306758092061922
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
69256
false
false