Paggamit ng katugmang parirala

Gamit ang katugmang parirala, maipapakita mo ang iyong ad sa mga customer na naghahanap ng iyong eksaktong keyword at mga malapit na variant ng iyong eksaktong keyword, nang may kasamang mga karagdagang salita bago o pagkatapos. Ang katugmang parirala ay mas naka-target kaysa sa default na malawak na tugma, ngunit mas umaakma kaysa sa eksaktong tugma. Nagbibigay ito sa iyo ng higit na kontrol sa kung gaano kalapit dapat tumugma ang keyword sa termino para sa paghahanap ng isang tao upang makalitaw ang iyong ad.

Paano gumagana ang mga katugmang parirala

Gamit ang katugmang parirala, maaaring lumitaw ang iyong ad kapag hinanap ng mga tao ang iyong eksaktong parirala, kahit na magsama sila ng isa o higit pang mga salita bago o pagkatapos nito. Ipapakita namin ang iyong ad kapag may naghanap ng malapit na variant ng iyong katugmang pariralang keyword. Kasama sa malalapit na variant ang mga maling spelling, pang-isahan at pangmaramihang anyo, acronym, paglalapi (gaya ng sahig at pansahig), pagdadaglat at accent. Mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng salita sa katugmang parirala, na nangangahulugang hindi lalabas ang iyong ad kapag may naglagay ng karagdagang salita sa gitna ng iyong keyword.

Mas may kakayahang umangkop ang katugmang parirala kaysa sa eksaktong tugma, ngunit mas naka-target kaysa sa default na pagpipilian sa malawak na tugma. Gamit ang katugmang parirala, mas maraming customer ang iyong maaabot, habang ipinapakita pa rin ang iyong mga ad sa mga customer na mas malamang na naghahanap ng iyong produkto o serbisyo.

Halimbawa

Katugmang pariralang keyword: Maaaring lumabas ang mga ad sa mga paghahanap ng: Hindi lalabas ang mga ad sa mga paghahanap ng:
mga sapatos na pang-tennis pulang leather na mga sapatos na pang-tennis
bumili ng mga sapatos na pang-tennis na naka-sale
mga pulang sapatos na pang-tenis
mga sapatos para sa tennis
mga sintas ng sneakers na pang-tennis

Tandaan

Gagamitin namin ang iyong eksaktong keyword - at hindi malalapit na variant - upang tukuyin ang iyong Marka ng Kalidad at pagtatantya ng bid sa unang pahina.

Paano makakatulong sa iyo ang katugmang parirala

Maitatakda mo sa katugmang parirala ang alinman sa o ang lahat ng iyong keyword na naka-target sa paghahanap upang matulungan kang gawin ang sumusunod:

  • Lumikha ng mga ad gamit ang mga parehong keyword na ginagamit ng iyong mga customer sa paghahanap: Maaari mong tingnan ang mga termino para sa paghahanap na ginamit ng iyong mga customer noong na-click nila ang iyong ad. Pagkatapos ay idagdag sa iyong listahan ng keyword ang mga salita at pariralang mahahanap mo, at gumamit ng mga eksaktong parirala sa iyong mga bagong ad upang maabot ang mga customer na mas malamang na maging interesado sa iyong produkto o serbisyo.
  • Pataasin ang iyong clickthrough rate (CTR): Pinapataas ng katugmang parirala ang posibilidad ng pag-click dahil lumalabas lang ang iyong ad kapag tumutugma ito sa parirala ng naghahanap. Tumutulong din itong bawasan ang hindi gustong mga impression para sa mga termino para sa paghahanap na hindi tumutugma sa iyong parirala.
  • Palabasin nang naka-bold ang teksto ng iyong ad: Sa tuwing tumutugma ang iyong eksaktong keyword sa termino para sa paghahanap ng isang tao, lalabas nang naka-bold ang iyong keyword. Makakatulong ito na makuha ang pansin ng isang naghahanap kapag lumitaw ang iyong ad. Dagdag pa, hindi ka maaaring manu-manong magdagdag ng naka-bold na teksto o iba pang pag-format sa iyong teksto ng ad, kaya ang katugmang parirala ay isang mainam na pagpipilian sa pagtutugma upang gawing mas kapansin-pansin ang iyong ad.

Kailan maaaring maging mas kapaki-pakinabang ang iba pang mga uri ng pagtutugma

  • Mas mainam na pagpipilian ang eksaktong tugma kung kilalang-kilala mo ang iyong mga customer at nais mong mag-trigger ang iyong ad sa mga eksaktong salitang hinahanap nila.
  • Maaaring mas mainam na pagpipilian ang malawak na tugma kung sinusubukan mong makaabot sa mas malawak na madla kaysa sa maibibigay ng katugmang parirala.

Tip

Iminumungkahi namin ang paggamit ng kumbinasyon ng dalawa o higit pang mga uri ng pagtutugma ng keyword upang makapagpatakbo ng mabisang kampanyang ad. Halimbawa, kung gagamit ka ng malawak na tugma at katugmang parirala, makakaabot ka ng mas malawak na madla habang kinokontrol din kung sino ang nakakakita sa iyong ad.

Paano paliitin ang iyong pagta-target sa eksaktong tugma at katugmang parirala

Ipapakita namin ang iyong mga ad para sa malalapit na variation ng iyong mga eksaktong tugma at katugmang pariralang keyword. Inirerekomenda namin ang paggawa nito upang masulit ang iyong potensyal na maipakita ang iyong mga ad sa mga may-katuturang paghahanap.

Maaari mong paliitin ang iyong pagta-target sa eksaktong tugma at katugmang parirala para sa mga bago o umiiral nang campaign. Tandaan lang na ang paggawa nito ay nangangahulugan na hindi lalabas ang iyong mga ad para sa malalapit na variation ng iyong eksaktong tugma at katugmang pariralang mga keyword.

Tandaan

Upang paliitin ang iyong pagta-target sa eksaktong tugma at katugmang parirala, kakailanganin mong pumili ng isa sa mga sumusunod na uri ng campaign kapag gumawa ka ng iyong campaign o kailangang ginagamit mo na ang isa sa mga uri ng campaign na ito:

  • “Network ng Paghahanap lang - Lahat ng tampok”
  • "Network ng Paghahanap at Display Network - Lahat ng tampok"

Matuto tungkol sa iba't ibang uri ng campaign na available

Kung iba ang uri ng iyong campaign, hindi mo mapaghihigpitan ang iyong mga pagpipilian sa pagtutugma. Maaari mong palitan ang uri ng iyong campaign anumang oras. Tandaan na ang paggawa nito ay maaaring magtago o mag-deactivate ng ilang tampok na nakakaapekto sa paghahatid ng ad.

Sundin ang mga hakbang na ito upang paghigpitan ang eksaktong pagtutugma at pagtutugma ng parirala:

  1. Mag-sign in sa iyong AdWords account sa http://adwords.google.com/.
  2. I-click ang tab na Mga Campaign.
  3. Kung gusto mong paghigpitan ang iyong eksaktong pagtutugma at pagtutugma ng parirala para sa bagong campaign, i-click ang + Bagong campaign. Kung gusto mong paghigpitan ang iyong eksaktong pagtutugma at pagtutugma ng parirala para sa umiiral nang campaign, piliin ang campaign na iyon at i-click ang tab na Mga Setting.
  4. Mag-scroll patungo sa seksyong "Mga advanced na setting". I-click ang link na Mga pagpipilian sa pagtutugma ng keyword. Tandaan na kung hindi mo nakikita ang link, maaaring dahil ito sa maaari mo lang paghigpitan ang iyong eksaktong pagtutugma at pagtutugma ng parirala para sa ilang partikular na uri ng campaign, tulad ng "Network ng Paghahanap lang - Lahat ng tampok." See keyword matching options
  5. Sa seksyong "Eksaktong tugma at katugmang parirala," piliin ang Huwag isama ang malalapit na variant.