Notification

Tiyaking bisitahin ang Iyong Page sa AdSense kung saan ka makakahanap ng naka-personalize na impormasyon tungkol sa iyong account para tulungan kang magtagumpay sa AdSense.

Magsimula sa iyong AdSense account

Mag-navigate sa iyong AdSense account

Kung bago ka sa AdSense, narito ang ilang gabay para tulungan kang mag-navigate sa iyong account. Maglaan ng ilang minuto para i-explore ang mga pangunahing page gaya ng Home, Ads, Sites, atbp. Tingnan rin ang mga page ng Mga Pagbabayad at Account, kung saan makakakita ka ng mga opsyon para sa iyong mga pagbabayad at setting.

Tip: Simula Marso 2022 at ilulunsad sa mga susunod na ilang buwan, magkakaroon ang mga kita sa YouTube ng hiwalay na homepage at account sa mga pagbabayad sa AdSense. Matuto pa tungkol sa Homepage ng YouTube at account sa mga pagbabayad.

Ang mga pangunahing page

Maa-access mo ang mga sumusnod na page mula sa panel ng navigation sa iyong AdSense account:

AdSense navigation panel
  • Home: Sa unang pag-sign in mo sa iyong AdSense account, mapupunta ka sa page na Home. Nagbibigay ang page na ito ng snapshot ng iyong kita at performance ng account, at nagbibigay ng mga link papunta sa mga mas detalyadong ulat.
  • Mga Ad: Dito mo ise-set up at papamahalaan ang iyong mga ad.
  • Mga Site: Sa page na ito, makakabuo ka ng listahan ng iyong mga site na gagamitin sa AdSense.
  • Privacy at pagmemensahe: Gamitin ang page na ito para gawin at pamahalaan ang mga mensaheng ginagamit mo para makakuha ng pahintulot mula sa iyong mga user, gaya ng kinakailangan ng mga regulasyong gaya ng Pangkalahatang Regulasyon para sa Proteksyon ng Data (General Data Protection Regulation o GDPR) ng Europe at California Privacy Rights Act (CPRA).
  • Kaligtasan sa brand: Naglalaman ang page na ito ng lahat ng iyong kontrol sa pag-block ng ad.
  • Mga Ulat: Dito mo makikita ang lahat ng iyong opsyon sa pag-uulat.
  • Pag-optimize: Makakatulong sa iyo ang page na ito na masulit ang AdSense—isa itong one-stop shop para sa pagpapahusay ng performance ng account mo.
  • Policy center: Gamitin ang Policy center para matuklasan, maunawaan, at malutas ang mga isyung nakakaapekto sa paghahatid ng ad sa iyong mga site. Tinutulungan ka nitongsumunod sa mga patakaran ng aming Programa.
  • Mga Pagbabayad: Gamitin ang page na ito para tingnan ang iyong mga pagbabayad at pamahalaan ang mga setting ng pagbabayad mo.
  • Account: Dito mo maa-access at mapapamahalaan ang mga setting ng iyong account at matitingnan ang status ng account mo.

Iba pang kapaki-pakinabang na page

  • Feedback: Puwede kang magpadala sa amin ng mga ulat ng problema, ideya para sa feature, at pangkalahatang komento sa pamamagitan ng link na ito.
  • Tulong: Binubuksan ng button na ito Help icon ang widget ng tulong sa AdSense. Makikita mo rin dito ang mga sagot sa iyong mga tanong sa AdSense nang hindi umaalis sa account mo. Puwede mo ring i-browse ang lahat ng artikulo sa Help Center ng AdSense at i-access ang Forum ng Tulong ng AdSense.

Mga Notification

Para subaybayan ang mahahalagang mensahe at alerto sa account, tingnan ang iyong mga notification Mga Notification.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Iyong page sa AdSense

Ipinapakilala ang Page sa AdSense: isang bagong resource kung saan makakakita ka ng naka-personalize na impormasyon at mga bagong oportunidad sa iyong account na makakatulong para magtagumpay sa AdSense.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6804971515339440175
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
157
false
false