Sinusuri ng artikulong ito ang mga karaniwang tanong na posibleng mayroon ka kapang nili-link ang iyong mga AdSense at Analytics account, at ang mga resource na magagamit mo para i-troubleshoot ang anumang isyu.
Mga karaniwang tanong tungkol sa pag-link ng AdSense account sa Analytics account
- Makakapag-integrate ba ako ng maraming property sa AdSense sa isang web property sa Analytics?
- Makakapag-integrate ba ako ng isang property sa AdSense sa maraming web property sa Analytics?
- Maling property sa Analytics ang na-link ko - ano ang dapat kong gawin?
- Hindi lumalabas sa Analytics ang property ko sa AdSense kapag sinusubukan kong gumawa ng bagong pag-link. Ano ang dapat kong gawin?
- Magkakaroon ba ng access sa AdSense account ko ang mga user na may access sa Analytics account ko?
- Makikita ba ng mga user na may access sa AdSense account ko ang ID ng naka-link kong Analytics account?
- Kailangan ko bang magkaroon ng dati nang Analytics account?
- Magagamit ko ba ang Analytics account ko nang hiwalay sa AdSense kapag nakapag-integrate na ako?
Makakapag-integrate ba ako ng maraming property sa AdSense sa isang web property sa Analytics?
Oo, makakapagsama ka ng maraming property ng AdSense sa isang web property ng Analytics.
Makakapag-integrate ba ako ng isang property sa AdSense sa maraming web property sa Analytics?
Oo, puwede kang mag-integrate ng isang property sa AdSense sa maraming web property sa Analytics.
Maling property sa Analytics ang na-link ko - ano ang dapat kong gawin?
Kung maling property sa Analytics ang na-link mo, i-unlink muna ang iyong property sa Analytics sa AdSense at pagkatapos ay sundin ulit ang proseso ng pag-link para ma-link ang tamang property sa Analytics.
Hindi lumalabas sa Analytics ang property ko sa AdSense kapag sinusubukan kong gumawa ng bagong pag-link. Ano ang dapat kong gawin?
Puwede mo lang i-link sa mga property sa Google Analytics ang mga property sa AdSense para sa Content. Hindi mali-link ang iba pang uri ng property, gaya ng AdSense for Search, AdSense for Video, atbp. Siguraduhing mayroon kang aktibong property sa AdSense para sa Content para makapagtakda ng pag-link sa Google Analytics.
Magkakaroon ba ng access sa AdSense account ko ang mga user na may access sa Analytics account ko?
Hindi, hindi sila magkakaroon. Kung binigyan mo ang ibang tao ng access sa iyong Analytics account, hindi siya papayagang mag-sign in sa iyong naka-link na AdSense account.
Gayunpaman, tandaang ang data ng AdSense na naka-link sa iyong mga profile sa Analytics ay makikita ng sinumang may access sa mga profile na iyon sa Analytics account mo. Kung isa kang Administrator sa Analytics, puwede mong paghigpitan ang access ng mga user sa data sa Analytics.
Matuto pa tungkol sa Pamamahala ng access at paghihigpit sa data.
Makikita ba ng mga user na may access sa AdSense account ko ang ID ng naka-link kong Analytics account?
Oo. Makikita ng lahat ng user na may access sa iyong AdSense account ang account ID ng naka-link mong Analytics account. Gayunpaman, mabubuo lang ang pag-link sa pamamagitan ng isang user na may Pang-administrator na access sa iyong AdSense account at pahintulot na mag-edit sa property sa Google Analytics. Dapat administrator sa AdSense ang user para makapag-delete ng link.
Kailangan ko bang magkaroon ng dati nang Analytics account?
Oo. Para makapagpakita sa Analytics ng detalyadong data ng performance sa AdSense, kailangang mayroon kang Analytics account.
Kung mayroon ka nang account, madali mo itong mali-link sa iyong AdSense account. Kung wala ka pang Analytics account, bisitahin ang site ng Google Analytics para mag-sign up para sa bagong account.
Magagamit ko ba ang Analytics account ko nang hiwalay sa AdSense kapag nakapag-integrate na ako?
Oo; kapag napag-link mo na ang iyong mga property sa AdSense at Analytics, maipagpapatuloy mo ang paggamit sa iyong Analytics account para sa pagsubaybay at pagsusuri ng trapiko gaya ng dati.