Sa pamamagitan ng kaugnay na paghahanap para sa content, magagawa mong magpakita sa iyong mga user ng mga termino para sa paghahanap na nauugnay sa content ng page na tinitingnan nila. Kapag nag-click ang user sa isang kaugnay na termino para sa paghahanap, dadalhin sila sa isang page ng resulta ng paghahanap sa iyong site.
Ang paggamit sa kaugnay na paghahanap sa iyong mga page ng content ay puwedeng makahikayat sa mga user mo na tumuklas ng mga kaugnay na paksa sa iyong site at makipag-ugnayan sa mga search ad.
Pumunta sa:
- Mga benepisyo ng paggamit ng kaugnay na paghahanap para sa mga page ng content
- Mga requirement para makagamit ng kaugnay na paghahanap
- Gumawa ng unit ng kaugnay na paghahanap para sa iyong mga page ng content
- Magpatakbo ng ulat ng iyong mga unit ng kaugnay na paghahanap
- Pinakamahuhusay na kagawian sa paggamit ng kaugnay na paghahanap
- Mga FAQ
Mga benepisyo ng paggamit ng kaugnay na paghahanap para sa mga page ng content
- Nadagdagang engagement sa site: Puwedeng humimok ang kaugnay na paghahanap ng higit pang engagement sa site sa pamamagitan ng pagtulong sa mga user na tumuklas ng mga ad at content na nauugnay sa tinitingnan nila.
- Karagdagang kita: Makakatulong sa iyo ang kaugnay na paghahanap na makakuha ng karagdagang kita sa pamamagitan ng paghahatid ng mas maraming trapiko sa mga page ng paghahanap mo, na puwede mong i-monetize gamit ang mga kaugnay na ad.
- Mga kaugnay na search ad: Sa iyong page ng paghahanap, puwedeng maghatid ang Google ng mga de-kalidad na search ad na may kaugnayan sa napiling termino para sa kaugnay na paghahanap.
- Mas magandang experience ng user: Kokontrolin mo ang hitsura at dating ng iyong mga unit ng kaugnay na paghahanap, na magbibigay-daan sa iyong makapagpanatili ng de-kalidad na experience ng user para sa site mo.
Mga requirement para makagamit ng kaugnay na paghahanap
- Para magamit ang kaugnay na paghahanap sa iyong mga page ng content, kailangan mong gawin ang mga kinakailangang hakbang sa pakikipagkontrata para sa AdSense for Search (AFS). Makipag-ugnayan sa iyong account manager para i-activate ang AdSense for Search para sa AdSense account mo.
- Pagkatapos ma-activate ang AdSense for Search, gumawa ng mock-up na nagpapakita kung paano mo ipapatupad ang iyong unit ng kaugnay na paghahanap at ibahagi ito sa account manager mo para sa pagsusuri.
- Bago ka magsimulang magpatupad ng mga unit ng kaugnay na paghahanap sa iyong mga page, siguraduhing nakakasunod ka sa mga sumusunod na patakaran:
- Mga patakaran sa Product-Integrated Feature sa AFS at karagdagang mga patakaran para sa kaugnay na paghahanap.
Tandaan: Kailangan ng mga hakbang para ma-filter ng kaugnay na paghahanap ang mga terminong explicit, pang-adult, o sensitibo ang katangian. Kasama rito ang pero hindi ito limitado sa mga terminong may binabanggit na sekswal at pornograpikong content, karahasan, pang-aabuso, pananakit sa sarili, pagsusugal, pag-inom ng alak at paggamit ng ilegal na droga, at/o adiksyon.
- Mga patakaran sa Product-Integrated Feature sa AFS at karagdagang mga patakaran para sa kaugnay na paghahanap.
- Sumangguni sa mga alituntunin sa pagpapatupad ng kaugnay na paghahanap para sa content at sa protocol ng reference. Dapat mong sundin ang mga tagubiling ito para maipatupad ang kaugnay na paghahanap para sa content.
Gumawa ng unit ng kaugnay na paghahanap para sa iyong mga page ng content
- Gumawa ng istilo ng paghahanap sa iyong AdSense account.
Tip: Magagamit mo ang mga setting ng kaugnay na paghahanap para i-customize ang iyong istilo.
- Magpasya kung saan mo gustong ilagay ang unit ng kaugnay na paghahanap sa iyong mga page ng content.
- Gamitin ang page na "Tagabuo ng code" sa AdSense para kopyahin at i-paste ang code sa iyong site.
Tip: Puwede mo ring suriin ang sample na code sa Gabay sa pagpapatupad ng mga Search ad para matuto tungkol sa mga karagdagang parameter para i-customize ang iyong code ng kaugnay na paghahanap.
- Mag-deploy ng anumang karagdagang pagbabago sa code ng kaugnay na paghahanap sa iyong site.
Tandaan: Bago lumabas ang mga termino para sa kaugnay na paghahanap sa iyong site, kailangang i-crawl ng AdSense ang mga page mo. Sa average, puwedeng abutin ang prosesong ito nang humigit-kumulang 1 oras. Kung wala kang anumang termino para sa kaugnay na paghahanap pagkalipas ng 48 oras, makipag-ugnayan sa iyong account manager.
Magpatakbo ng ulat ng iyong mga unit ng kaugnay na paghahanap
Para subaybayan ang performance ng iyong mga unit ng kaugnay na paghahanap:
- Bisitahin ang page na Mga Ulat sa AdSense.
- Gumawa ng custom na ulat at idagdag ang breakdown ng "Format ng ad."
- I-click ang I-edit ang mga sukatan
, piliin ang mga sukatan ng "Funnel" at i-click ang Ilapat.
Ang funnel ng pag-uulat para sa isang unit ng kaugnay na paghahanap
Ipinapakita sa iyo ng sumusunod na halimbawa ang karaniwang funnel para sa isang unit ng kaugnay na paghahanap at ang mga yugto ng funnel kung saan nalalapat ang bawat sukatan.
- Unang screen: Binibilang ang mga kahilingan sa funnel, mga impression sa funnel, at mga pag-click sa funnel bilang bahagi ng unang screen.
- Pangalawang screen: Kumikita ka sa mga pag-click sa mga ad sa pangalawang screen na masusubaybayan mo gamit ang mga sukatan ng tinantyang mga kita.
- Buong funnel: Binibilang ang RPM ng Funnel sa pamamagitan ng pagbubukod sa kinita mula sa funnel, paghahati ayon sa mga impression sa funnel sa unang screen, at pagkatapos ay pag-multiply sa isang libo.
Pinakamahuhusay na kagawian sa paggamit ng kaugnay na paghahanap
Mga rekomendasyon para sa paglalagay ng mga unit ng kaugnay na paghahanap sa mga page ng content:
- Ilagay ang unit ng kaugnay na paghahanap sa isang kitang-kitang lokasyon sa iyong mga page para mapahusay ang performance. Siguraduhing babasahin at susundin mo ang Mga patakaran sa Product-Integrated Feature sa AFS at ang karagdagang mga patakaran para sa kaugnay na paghahanap. Halimbawa:
- Hindi pinapayagan ang mga mapanloko o mapanlinlang na placement ng kaugnay na paghahanap na humahantong sa mga pag-click. Ang mga unit ng kaugnay na paghahanap ay dapat pandagdag sa content sa iyong page at hindi dapat ito ang pinagtutuunan ng page. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang Puwede bang makakuha ang Publisher ng AFS ng trapiko papunta sa mga page ng content niya gamit ang kaugnay na paghahanap?
- Tiyaking may sapat na textual na content sa iyong mga page ng content para mag-perform nang mahusay ang kaugnay na paghahanap sa site mo.
- Huwag hatulan ang performance ng unit ng kaugnay na paghahanap sa loob ng ilang araw pagkatapos magpatupad ng kaugnay na paghahanap. Inirerekomendang maghintay ka hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang modelo na i-optimize ang performance.
- Puwede mong idagdag ang parameter ng wika (
hl
) sa iyong code ng kaugnay na paghahanap para tiyaking nagpapakita ang AdSense ng mga termino para sa kaugnay na paghahanap sa wikang gusto mo. - (Opsyonal) Puwede ka ring magbigay ng sarili mong mga termino para sa paghahanap gamit ang parameter na
terms
sa kahilingan sa kaugnay na paghahanap. Sa ganitong paraan, may pagkakataon kang magpakita ng mga mas nauugnay na termino sa page o sa layunin ng user.Mga Paalala:
- Ang mga termino para sa paghahanap na ikaw mismo ang magbibigay ay dapat sumunod sa seksyong "Mga terminong mula sa partner" ng Mga patakaran sa Product-Integrated Feature ng AdSense for Search.
- Sinusuri ng Google ang mga terminong ibinibigay mo at ipinapakita ang mga iyon batay sa iba't ibang pamantayan na makatwirang sinukat tulad ng kaugnayan, engagement ng mga user, at performance.
- Puwede mong suriin kung ibinalik ang sarili mong mga termino para sa kahilingan sa kaugnay na paghahanap sa pamamagitan ng pagsusuri sa parameter na
termPositions
saadLoadedCallback
. (Mawawala satermPositions
ang lahat ng na-discard na termino).
- Huwag alisin ang parameter na
rsToken
at value sa URL ng page. Kapag ginawa mo ito, mapipigilan ang ilan sa mga sukatan ng "Funnel" sa paggana nang tama.
Mga FAQ
Puwede ba akong makakuha ng trapiko papunta sa mga page ng content ko gamit ang kaugnay na paghahanap?
Puwede kang makakuha ng trapiko para sa iyong page na nagpapakita ng unit ng kaugnay na paghahanap hangga't sumusunod ka sa seksyong "Pagkuha ng trapiko" ng Mga patakaran sa Product-Integrated Feature ng AdSense for Search.
Bilang paalala, dapat mong siguraduhing ang mga source ng trapiko mo ay:
- May kaugnayan sa, at tumpak na naglalarawan sa, kung ano ang makikita ng user sa page ng destinasyon.
- Hindi dapat mangako ng mga produkto, serbisyo, o pampromosyong alok na hindi available o hindi madaling makita sa page ng destinasyon (hal., nangangailangan ng malayong pag-navigate para makita ang alok), at hindi nagbibigay ng mapanlinlang na impormasyon o mga claim tungkol sa mga produkto, serbisyo, o pampromosyong alok.
Ang maling paggamit ng pagpapatupad ng AdSense for Search, nang napapailalim sa mga patakaran ng Google, ay puwedeng humantong, pero hindi limitado, sa pag-disable o pagwawakas sa AdSense account mo.
Puwede ka bang magbigay ng higit pang gabay sa kung paano mapapanatiling nakakasunod ang mga source ng trapiko ko?
Puwede mong tandaan ang mga sumusunod na alituntunin pagdating sa pagtukoy ng katumpakan, kaugnayan, at availability ng mga claim, alok, at pangako ng iyong mga source ng trapiko.
Malinaw dapat ang creative ng source ng trapiko at hindi ito naghahayag ng maling impormasyon o pagkakakilanlan
Madali dapat para sa user na maunawaan ang paksa at alok, at hindi dapat maghayag ang creative ng maling impormasyon o pagkakakilanlan. Ang mga sumusunod na halimbawa ay hindi nakakasunod:
- "Nagha-hire kami ng mga driver ng CDL! Mag-apply ngayon!"
- Maliban na lang kung ang partner ay isang kumpanya ng truck, ahensya ng trabaho, o may sariling mga listing ng trabaho para sa driver ng CDL sa page ng destinasyon, hindi magagawa ang claim na ito.
- Dapat lang gamitin ang "Mag-apply ngayon" kapag makatwirang makakapag-apply ang user sa page ng destinasyon.
- "Kakanselahin ng gobyerno ng US ang lahat ng utang ng estudyante at utang sa pabahay sa 2025! Alamin kung paano maging kwalipikado ngayon!"
- Hindi pinapayagan ang pagtatakda ng mga mali at hindi kayang tuparin na inaasahan (gaya ng "pagkansela sa lahat ng utang ng estudyante at utang sa pabahay..) dahil hinihimok nito ang mga user na mag-click.
Dapat na magawa ang mga claim ng source ng trapiko sa page ng destinasyon
Para sa mga source ng trapiko na humahantong sa mga page ng content kung saan impormasyon ang pangunahing maibibigay sa user, dapat na ang isaad lang dito ay ‘makakaalam, matututo, o makakatuklas’ ang mga user ng higit pang impormasyon sa isang partikular na paksa.
- Ang "Alamin ang higit pa tungkol sa iba't ibang uri ng mga dental implant" ay katanggap-tanggap na creative para sa isang source ng trapiko na humahantong sa page ng destinasyon na may artikulong naghahambing ng iba't ibang uri ng mga dental implant.
- Katanggap-tanggap ang "Tingnan ang mga presyo para sa mga cruise na umaalis sa Miami" kung may isang listahan ng mga kasalukuyang available na cruise package sa Miami na may mga presyo sa page ng destinasyon.
- Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga creative ng mga source ng trapiko na malamang na hindi compatible sa kung ano ang available sa page ng destinasyon na may artikulo o impormasyon lang.
- "Makakuha ng libreng laptop!"
- "Maraming makukuhang trabahong pang-caregiver na Php1500/oras! Mag-apply ngayon!"
- "Naka-sale ang mga SUV na may sobra-sobrang stock. Mag-click dito para makakuha ng sa iyo!"
- Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga creative ng mga source ng trapiko na malamang na hindi compatible sa kung ano ang available sa page ng destinasyon na may artikulo o impormasyon lang.
Kung gagawa ang mga source ng trapiko ng mga pangako o alok na higit pa sa impormasyon lang mula sa isang partikular na artikulo (halimbawa, para sa mga site na nag-aalok ng mga aktwal na transaksyon, hal., ecommerce, mga site ng trabaho), dapat na available kaagad ang mga pangako o alok na ito sa page ng destinasyon.
- Nakakasunod ang "Matuto pa tungkol sa mga trabaho para sa nurse at mag-apply ngayon!" kung may ipapakita sa user na listahan ng mga bukas na trabaho para sa nurse kung saan puwede siyang mag-apply sa page ng destinasyon.
- Nakakasunod ang "May mga available na deal sa mga na-refurbish na laptop ngayon" kung puwedeng bumili ang user ng mga laptop mula sa page ng destinasyon ngayon.
- Nakakasunod ang "Mag-book ng appointment sa isang nangungunang dermatologist ngayon!" kung puwedeng mag-book sa isang dermatologist sa page ng destinasyon ngayon.
Bilang paalala, hindi ka dapat gumawa ng mga pangako o claim batay sa dynamic na content sa destinasyong hindi mo kontrolado, at dahil posibleng hindi matupad ang mga iyon o walang kaugnayan. Puwedeng kasama rito ang mga ad, unit ng kaugnay na paghahanap, o feed ng content. Dapat na puwedeng tuparin ang pangako o claim sa mismong page ng destinasyon.
Mayroon bang anumang uri ng page na dapat kong iwasan kapag naglalagay ng unit ng kaugnay na paghahanap?
Sa mga page lang na nakakatugon sa Mga Patakaran ng Google para sa Publisher puwedeng magpatupad ng mga unit ng kaugnay na paghahanap. Kasama sa listahan ng mga uri ng page (hindi kumpleto) na hindi mo dapat lagyan ng unit ng kaugnay na paghahanap ang:
- Walang content o content na hindi masyadong mahalaga na walang kwenta para sa mga user
- Mas maraming ad kaysa content
Bilang paalala, ang mga page na nagpapatupad ng mga unit ng kaugnay na paghahanap ay dapat magbigay ng sapat na standalone na halaga sa mga user. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbibigay ng value sa mga user, basahin ang content at experience ng user sa Google AdSense.
Ano ang dapat kong tandaan kapag ginagamit ang mga parameter?
Tulad ng hinihingi sa Patakaran sa mga hindi matapat na paghahayag, ang lahat ng parameter, tulad ng referrerAdCreative
at terms
, ay dapat ibinibigay nang tumpak at kumpleto, nang walang anumang mapanlinlang na pagbabawas.