Sa Google, talagang pinapahalagahan namin ang online na seguridad. Para maprotektahan ang iyong Google Account, lubos naming inirerekomendang regular na sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Mahalaga: Puwedeng gumamit ang Google ng pula, dilaw, o asul na icon ng tandang padamdam para magrekomenda ng agarang pagkilos para sa iyong Google Account. Para matuto pa, pumunta sa Mga inirerekomendang pagkilos.
Mga inirerekomendang pagkilos
Ang isang tandang padamdam sa tabi ng "Mga inirerekomendang pagkilos” ay nangangahulugang inirerekomenda ng Google na may gawin kang mga hakbang para i-secure ang iyong account. Ang level ng severity ay batay sa kulay: asul para sa mga tip sa seguridad, dilaw para sa mahahalagang hakbang, at pula para sa mga nangangailangan ng agarang pagkilos. Ang isang berdeng shield na may check mark ay nangangahulugang ligtas ang iyong account at walang kailangang gawing agarang pagkilos.
Para tumingin ng mga notification:
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang iyong larawan sa profile.
- Piliin ang Mga inirerekomendang pagkilos.
- Dadalhin ka nito sa Security Checkup, kung saan makakakuha ka ng mga personal na rekomendasyon para pahusayin ang seguridad ng iyong account.
Kung hindi lalabas ang Mga inirerekomendang pagkilos, nangangahulugan itong walang anumang rekomendasyon sa seguridad ang Google para sa iyo. Gayunpaman, puwede mong suriin ang level ng iyong seguridad sa Google Account:
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa Pamahalaan ang Iyong Account
Seguridad.
- Sa itaas, kung nalutas ang lahat ng rekomendasyon, magpapakita ang page na ito ng berdeng shield.
- Kung magpapakita ang page na ito ng berdeng shield, secure ang iyong account, pero puwede ring may mga tip sa seguridad para sa iyo na nagbabahagi ng mga suhestyon para gawing mas secure ang account mo.
Tip: Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake, matuto tungkol sa Programang Advanced na Proteksyon.
Hakbang 1: Magsagawa ng Security Checkup
Pumunta sa Security Checkup para makatanggap ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa seguridad para sa iyong Google Account, kabilang ang:
Magdagdag o mag-update ng mga opsyon sa pag-recover ng accountAng iyong numero ng telepono sa pag-recover at email address ay mahuhusay na tool sa seguridad. Magagamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayang ito para makatulong na:
- Pigilan ang isang tao na gamitin ang iyong account nang hindi mo pinapahintulutan
- Alertuhin ka kung may kahina-hinalang aktibidad sa iyong account
- I-recover ang iyong account kung na-lock out ka
Alamin kung paano idagdag o palitan ang iyong numero ng telepono sa pag-recover o email address.
Nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na pigilan ang hacker na makapasok sa iyong account, kahit manakaw niya pa ang password mo. Para maiwasan ang mga karaniwang diskarte sa phishing na nauugnay sa mga code sa text message, pumili ng mas maigting na pangalawang hakbang sa pag-verify:
- Mga security key (Pinaka-secure na hakbang sa pag-verify)
- Mga Prompt ng Google (Mas secure kaysa sa mga code sa text message)
Mas maigting na seguridad: Advanced na Proteksyon
Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng maging target ng mga online na pag-atake, pag-isipang mag-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon para sa mas maigting na seguridad. Gumagamit ang Advanced na Proteksyon ng mga security key para magprotekta laban sa phishing at kabilang dito ang iba pang proteksyon tulad ng pag-block ng mga hindi secure na app.
Para mas maprotektahan ang sensitibong impormasyon, suriin kung aling mga app ang puwedeng gumamit ng impormasyon ng iyong account at mag-alis ng mga hindi mo kailangan.
- Pamahalaan ang mga third-party app at serbisyong may access sa iyong account.
- I-off ang access para sa mga app na gumagamit ng hindi gaanong secure na teknolohiya sa pag-sign in.
- Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang mga app na may access sa iyong account.
Nakakatulong ang mga lock ng screen na protektahan ang iyong mga device mula sa hindi pinapahintulutang paggamit. Alamin kung paano magtakda ng mga lock ng screen sa Android device.
Tip: Para sa impormasyon tungkol sa pagdaragdag ng lock ng screen sa iba pang device at computer, bisitahin ang site ng suporta ng manufacturer.
Hakbang 2: I-update ang iyong software
Kung luma na ang iyong browser, operating system, o mga app, posibleng hindi ligtas ang software mula sa mga hacker. Para makatulong na protektahan ang iyong account, panatilihing updated ang iyong software.
I-update ang iyong browserTiyaking gagamitin ang pinakabagong bersyon ng iyong browser.
Alamin kung paano i-update ang Google Chrome.
Tip: Para malaman kung paano mag-update ng iba pang browser, pumunta sa site ng suporta ng developer.
Sa iyong computer o device, tiyaking gagamitin ang pinakabagong bersyon ng operating system mo.
- I-update ang mga Android device: Alamin kung paano tingnan at i-update ang iyong bersyon ng Android.
- I-update ang Mga Chromebook: Alamin kung paano i-update ang operating system ng iyong Chromebook.
Tip: Para malaman kung paano i-update ang iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.
Sa iyong telepono o computer, tiyaking gagamitin ang pinakabagong bersyon ng mga app.
- I-update ang mga Android app: Alamin kung paano i-update ang iyong mga Android app sa mga Android device at compatible na Chromebook.
- Para makatulong na matiyak na up to date ang iyong mga app, i-on ang mga awtomatikong pag-update sa app para sa mga Android device mo.
- I-on ang Google Play Protect: Nakakatulong ang Google Play Protect na panatilihing ligtas ang mga Android device mula sa mga mapanganib na app.
- Alamin kung paano i-on ang Google Play Protect.
Tip: Para malaman kung paano mag-update ng mga app sa iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.
Hakbang 3: Gumamit ng mga natatangi at malakas na password
Mapanganib gumamit ng iisang password sa maraming site. Kung maha-hack ang iyong password para sa isang site, magagamit ito para makapasok sa mga account mo sa maraming site.
Tiyaking gumawa ng malakas at natatanging password para sa bawat account.
Pamahalaan ang iyong mga passwordMakakatulong sa iyo ang password manager na bumuo at mamahala ng malalakas at natatanging password. Pag-isipang gumamit ng password manager na mula sa Chrome o iba pang pinagkakatiwalaang password manager provider.
Tip: Para malaman kung may anumang password na na-save sa iyong Google Account na posibleng nalantad, mahina, o ginagamit sa maraming account, puwede mong gamitin ang Password Checkup.
Para maabisuhan kung inilagay mo ang iyong password sa Google Account sa isang site na hindi Google, i-on ang Alerto sa Password para sa Chrome. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung may site na nagpapanggap na Google, at mababago mo ang iyong password kung manakaw ito.
Tip: I-on ang 2-Step na Pag-verify para sa karagdagang layer ng seguridad ng account.
Hakbang 4: Mag-alis ng mga app at extension ng browser na hindi mo kailangan
Kapag mas maraming app ang naka-install sa device, mas nagiging mahina ito. Sa mga device na may access sa sensitibong impormasyon, i-install lang ang mga app at extension ng browser na kailangan mo. Para mas maprotektahan ang iyong personal na impormasyon, huwag mag-install ng mga hindi kilalang app o app mula sa mga hindi kilalang source.
Alamin kung paano mag-uninstall ng mga app at extension sa iyong device:
Tip: Para malaman kung paano mag-alis ng mga app at extension mula sa iba pang device at browser, pumunta sa site ng suporta ng device o browser.
Hakbang 5: Magkaroon ng proteksyon laban sa mga kahina-hinalang mensahe at content
Posibleng gumamit ang mga hacker ng mga email, text message, tawag sa telepono, at web page para magpanggap na mga institusyon, miyembro ng pamilya, o katrabaho.
Iwasan ang mga kahina-hinalang request- Huwag ipaalam sa iba ang iyong mga password. Hindi kailanman hihilingin ng Google ang iyong password sa isang email, mensahe, o tawag sa telepono.
- Huwag sumagot sa mga kahina-hinalang email, text, instant message, webpage, o tawag sa telepono na nanghihingi ng iyong personal o pinansyal na impormasyon.
- Huwag mag-click ng mga link sa mga email, mensahe, webpage, o pop-up mula sa mga hindi pinagkakatiwalaang website o tagapadala.
Para makatulong na protektahan ang iyong account, awtomatikong tinutukoy ng Gmail ang mga kahina-hinalang email. Para paigtingin ang built-in na proteksyong ito, puwede mo ring tukuyin mismo ang mga kahina-hinalang email at setting:
- Tingnan kung peke ang isang mensahe sa Gmail.
- Tiyaking magkatugma ang email address at pangalan ng tagapadala.
- Para matulungan kaming pigilan ang mga scammer sa hinaharap, kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang email sa Gmail, iulat ito bilang spam o phishing.
- Suriin ang iyong mga setting ng Gmail at tiyaking walang kakaibang aktibidad.
Tip: Kung ginagamit mo ang Gmail sa iyong computer, itapat ang cursor sa link nang hindi ito kini-click. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, tingnan ang address sa web at tiyaking ito ang inaasahan mo.
Idinisenyo ang Google Chrome at Search para balaan ka tungkol sa kahina-hinalang content at hindi gustong software.
Alamin kung paano pamahalaan ang mga babalang ito sa Chrome at Search.
Kung may mapapansin kang mga kahina-hinalang aktibidad sa iyong account
Sundin ang mga hakbang para makatulong na i-secure ang iyong account.