Mahalaga: Kung ida-download mo ang iyong data sa Google, hindi nito ito made-delete sa mga server ng Google. Alamin kung paano i-delete ang iyong account o kung paano i-delete ang aktibidad mo.
Puwede mong i-export at i-download ang iyong data mula sa mga ginagamit mong produkto ng Google, halimbawa:
- Mga Dokumento
- Kalendaryo
- Mga Larawan
- Mga video sa YouTube (Tip: Kung hindi mo mahanap ang ilan sa iyong mga video sa YouTube, tingnan kung mayroon kang Brand Account. Kung mayroon kang Brand Account, baka kailangan mong lumipat ng account.)
- Pagpaparehistro at aktibidad ng account
Para magtabi ng iyong mga record o gamitin ang data mo sa ibang serbisyo, puwede kang gumawa ng archive.
Hakbang 1: Piliin ang data na isasama sa iyong ida-download na archive
- Mag-log in sa iyong Google Account.
- Pumunta sa page ng Google Takeout. Awtomatikong pinipili ang mga produkto ng Google na ginagamit mo at nagso-store ng data mo.
- Kung ayaw mong i-download ang data mula sa isang produkto, i-uncheck ang kahong katabi nito.
- Kung ilang bahagi lang ng iyong data ang gusto mong i-download mula sa isang produkto, puwedeng may opsyon kang pumili ng button tulad ng Lahat ng kasamang data . Pagkatapos, puwede mong i-uncheck ang kahon sa tabi ng data na ayaw mong isama.
- Piliin ang Susunod na hakbang.
Hakbang 2: I-customize ang format ng iyong archive
Paraan ng paghahatid**
Ipadala ang link sa pag-download sa pamamagitan ng emailMag-i-email kami sa iyo ng link para i-download ang archive ng data mo sa Google.
- Para sa "Paraan ng paghahatid," piliin ang Ipadala ang link sa pag-download sa pamamagitan ng email.
- Piliin ang Mag-export.
- Sa matatanggap na email, piliin ang I-download ang archive.
- Para i-download ang iyong data sa Google, sundin ang mga hakbang sa screen.
Idaragdag namin ang iyong archive sa Google Drive at mag-i-email kami sa iyo ng link papunta sa lokasyon nito. Ang iyong data ay mabibilang sa iyong storage.
- Para sa "Paraan ng paghahatid," piliin ang Idagdag sa Drive.
- Piliin ang Mag-export.
- Sa matatanggap na email, piliin ang Tingnan sa Drive. May makikita kang folder na naglalaman ng iyong data na nakaayos ayon sa produkto.
- Para i-download ang iyong data, sa itaas ng screen, piliin ang I-download .
Ia-upload namin ang iyong archive sa Dropbox at mag-i-email kami sa iyo ng link papunta sa lokasyon nito.
- Para sa "Paraan ng paghahatid," piliin ang Idagdag sa Dropbox.
- Piliin ang Mag-link ng mga account at mag-export.
- Ididirekta ka sa Dropbox. Mag-sign in sa iyong Dropbox account kung na-prompt.
- Sa window ng Dropbox na nagtatanong kung naa-access ba ng Google Download Your Data ang sarili nitong folder ng "Mga App" sa iyong Dropbox, piliin ang Payagan.
- Para panatilihing pribado ang iyong data, tiyaking hindi mo ibinabahagi ang folder ng Dropbox na ito sa iba.
- Sa matatanggap na email, piliin ang Tingnan sa Dropbox. Dadalhin ka sa folder ng Dropbox na naglalaman ng iyong archive.
- Para i-download ang iyong data, sundin ang proseso ng Dropbox para i-download ang mga file.
Mga Tala
- Pagkatapos mong sundin ang mga hakbang na ito, magpapakita ang Google Download Your Data sa iyong mga setting ng seguridad ng Dropbox bilang isang naka-link na app. Puwede mong alisin ang Google bilang isang naka-link na app anumang oras. (Kung mag-e-export ka ng data sa Dropbox sa hinaharap, kakailanganin mong bigyan ulit ng access ang Google.)
- Kapag ang iyong archive ay nakarating sa Dropbox, wala nang responsibilidad ang Google dito. Mapapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Dropbox ang iyong archive.
Ia-upload namin ang iyong archive sa Microsoft OneDrive at mag-i-email kami sa iyo ng link papunta sa lokasyon nito.
- Para sa "Paraan ng paghahatid," piliin ang Idagdag sa OneDrive.
- Piliin ang Mag-link ng mga account at mag-export.
- Ididirekta ka sa Microsoft. Mag-sign in sa iyong Microsoft account kung na-prompt.
- Sa window ng Microsoft na nagtatanong kung puwede bang i-access ng Google Download Your Data ang iyong impormasyon, piliin ang Oo.
- Para panatilihing pribado ang iyong data, tiyaking hindi mo ibinabahagi ang folder ng OneDrive na ito sa iba.
- Sa matatanggap na email, piliin ang Tingnan sa OneDrive. Dadalhin ka sa folder ng OneDrive na naglalaman ng iyong archive.
- Para i-download ang iyong data, sundin ang proseso ng OneDrive sa pag-download ng mga file.
Mga Tala
- Pagkatapos mong sundin ang mga hakbang na ito, magpapakita ang Google Download Your Data sa iyong mga setting ng seguridad at privacy ng Microsoft OneDrive bilang isang app na puwedeng mag-access ng ilan sa iyong impormasyon. Puwede mong alisin ang access ng Google anumang oras. (Kung mag-e-export ka ng data sa OneDrive sa hinaharap, kakailanganin mong bigyan ulit ng access ang Google.)
- Kapag ang iyong archive ay nakarating sa Microsoft OneDrive, wala nang responsibilidad ang Google dito. Mapapailalim sa Kasunduan sa Mga Serbisyo ng Microsoft ang iyong archive.
Ia-upload namin ang iyong archive sa Box at mag-i-email kami sa iyo ng link papunta sa lokasyon nito.
- Para sa "Paraan ng paghahatid," piliin ang Idagdag sa Box.
- Piliin ang Mag-link ng mga account at mag-export.
- Ididirekta ka sa Box. Mag-sign in sa iyong Box account kung na-prompt.
- Sa window ng Box na nagtatanong kung puwedeng i-access ng Google Download Your Data ang iyong impormasyon, piliin ang Bigyan ng access ang Box.
- Para panatilihing pribado ang iyong data, tiyaking hindi mo ibinabahagi ang folder ng Box sa iba. Kung nag-e-export ka sa isang enterprise account, matitingnan ng admin ang iyong data kahit na walang ginawang link sa pagbabahagi.
- Sa matatanggap na email, piliin ang Tingnan sa Box. Dadalhin ka sa folder ng Box na naglalaman ng iyong archive.
- Para i-download ang iyong data, sundin ang proseso ng Box sa pag-download ng mga file.
Mga Tala
- Pagkatapos mong sundin ang mga hakbang na ito, magpapakita ang Google Download Your Data sa iyong mga nakakonektang app bilang isang app na puwedeng mag-access ng ilan sa iyong impormasyon. Puwede mong alisin ang access ng Google anumang oras. (Kung mag-e-export ka ng data sa Box sa hinaharap, kailangan mong bigyan ulit ng access ang Google.)
- Mababawasan ang iyong piniling max na laki ng archive kung mas maliit ang max na laki ng upload ng file ng Box account mo. Hindi mae-export sa Box ang mga file sa iyong mga archive na mas malaki sa max na laki ng upload ng file ng Box account.
- Kapag nakarating sa Box ang iyong archive, wala nang responsibilidad ang Google dito. Mapapailalim sa Patakaran sa Privacy ng Box ang iyong archive.
Uri ng pag-export
One-time na pag-archiveGumawa ng isang archive ng iyong napiling data.
Tandaan: Kung naka-enroll ka sa Programang Advanced na Proteksyon, maiiskedyul ang iyong archive pagkalipas ng dalawang araw.
Awtomatikong gumawa ng archive ng iyong napiling data kada 2 buwan sa loob ng isang taon. Gagawin kaagad ang unang archive.
Tandaan: Kung naka-enroll ka sa Programang Advanced na Proteksyon, hindi available ang mga nakaiskedyul na pag-export.
Uri ng file
Mga zip fileMabubuksan ang mga file na ito sa halos lahat ng computer.
Posibleng mangailangan ka ng karagdagang software para mabuksan ang mga file na ito sa Windows.
Laki ng archive
Piliin ang maximum na laki ng archive na gusto mong gawin. Kung mas malaki rito ang data na dina-download mo, gagawa ng maraming archive.
Hakbang 3: Kunin ang archive ng iyong data sa Google
Kung ginawa ang iyong archive sa pamamagitan ng paggamit ng isa sa mga opsyong ito, mag-i-email kami sa iyo ng link sa lokasyon nito. Depende sa dami ng impormasyon sa iyong account, puwedeng abutin ng ilang minuto hanggang ilang araw ang prosesong ito. Nakukuha ng karamihan sa mga tao ang link papunta sa kanilang archive sa parehong araw na hiniling nila ito.
Tandaan: Kung naka-enroll ka sa Programang Advanced na Proteksyon, maiiskedyul ang iyong archive pagkalipas ng dalawang araw.
Data na na-delete mo
Kapag nag-delete ka ng data, may sinusunod kaming prosesong inilalarawan sa Patakaran sa Privacy ng Google para ligtas at tuluyang maalis ito sa iyong account. Una, inaalis kaagad ang na-delete na aktibidad mula sa view, at hindi na ito ginagamit sa pag-personalize ng iyong karanasan sa Google. Pagkatapos, may sinisimulan kaming prosesong idinisenyo para ligtas at tuluyang ma-delete ang data sa aming mga storage system.
Hindi kasama sa iyong archive ang data tulad ng mga item mula sa Aking Aktibidad, larawan, o dokumentong dine-delete pa lang.
Mahalaga: Kung hindi available ang impormasyong hinahanap mo sa pamamagitan ng mga tool na ito, bisitahin ang aming Help Center ng Privacy, kung saan puwede mong malaman kung anong impormasyon ang kinokolekta namin, bakit namin ito kinokolekta, at paano mo maa-update, mapapamahalaan, mae-export, at made-delete ang iyong impormasyon. Kung na-delete ang impormasyon sa aming mga system ng storage, malamang na hindi na ito mare-recover.
Mga karaniwang tanong
Sumangguni sa ang aming Help Center ng Privacy, kung saan puwede mong malaman kung anong impormasyon ang kinokolekta namin, bakit namin ito kinokolekta, at paano mo maa-update, mapapamahalaan, mae-export, at made-delete ang iyong impormasyon.
Kung hindi available ang impormasyong hinahanap mo sa pamamagitan ng mga tool na binanggit sa itaas, magsumite ng kahilingan sa pag-access ng data at tukuyin:
- Ang mga kategorya ng personal na data na hinahanap mo;
- Ang mga produkto o serbisyong nauugnay sa data;
- Anumang tinatantyang petsa kung kailan sa tingin mo posibleng nakolekta ng Google ang data.
Kakailanganin mong mag-sign in sa iyong Google Account para makumpleto ang form.
Mahalaga: Matatawagan mo rin ang aming toll-free na numero, 855-548-2777. Masasagot ng aming mga kinatawan ang marami sa iyong mga tanong at matutulungan ka nilang punan ang form para matiyak na nagbibigay kami ng impormasyon sa may-ari ng account.
Kapag tapos na ang iyong kahilingang mag-export ng data, makakatanggap ka ng notification sa email na may link sa folder kung nasaan ang data mo.
Kung pipiliin mo ang “Magpadala ng link sa pag-download sa pamamagitan ng email,” mare-redirect ka sa folder na naglalaman ng iyong data sa Google Takeout para ma-download ang data mo.
Kung hindi, ili-link ka nito sa lokasyon ng folder na naglalaman ng iyong data sa destinasyon sa cloud (Drive, Dropbox, Box, OneDrive) na pinili mo.
Puwede mong i-store ang iyong data saanman ligtas at may sapat na espasyo para dito. Sa karamihan ng mga kaso, pinakamadaling i-download ito nang direkta sa iyong computer.
Kung gumagamit ka ng pampublikong computer, i-store ito sa Google Drive o isang kahaliling storage space kung saan ikaw lang ang user.
Tandaan: Kung ginagamit mo ang Google Drive at may plano kang i-delete ang iyong Google Account, kakailanganin mong ilipat ang iyong archive sa ibang storage space bago i-delete ang account mo.
Kung na-download mo ang iyong data sa device mo, puwede mo itong direktang ibahagi sa isang third-party app o website gamit ang access point ng third party na iyon. May iba't ibang anyo ang access point na ito, kasama ang email address o custom na ginawang functionality ng pag-upload ng third-party app o website kung saan puwede kang direktang mag-upload ng data.
Kung idinagdag mo ang iyong data sa isang cloud storage na destinasyon gaya ng Drive, Box, OneDrive, o Dropbox, direkta mong maibabahagi sa isang third-party app o website ang iyong data mula sa cloud provider. Sa maraming sitwasyon, kasama rito ang direktang pagbabahagi ng iyong data sa third party mula sa cloud provider sa pamamagitan ng email na sinusuportahan ng cloud provider.
Sa ilang sitwasyon, puwedeng direktang mag-integrate ang isang third-party app o website sa cloud storage na destinasyon at bibigyan ka nito ng kakayahang bigyan ng access ang third party na direktang i-read ang data mo mula sa cloud na destinasyon.
Hinahati sa maraming file ang mga archive na mas malaki kaysa sa napili mong limitasyon sa laki.
Para mapaliit ang posibilidad na hatiin ang iyong archive, puwede mong piliin ang 50GB na limitasyon sa laki.
Mag-e-expire ang iyong archive sa loob ng 7 araw. Pagkatapos ng panahong iyon, kailangan mong gumawa ng bagong archive gamit ang iyong pinakabagong impormasyon.
Kapag nag-expire ang archive, hindi nangangahulugang nag-expire na rin ang iyong data at hindi ka makakaranas ng anumang pagbabago sa mga serbisyo ng Google dahil dito.
Tandaan: Pinapayagan lang naming ma-download ang bawat archive nang 5 beses; pagkatapos nito, humiling ng isa pang archive.
Napakahalaga ng seguridad ng iyong data, kaya kapag gumawa ka ng archive, gusto naming matiyak na ikaw lang ang makakapag-download ng data mo.
Para gawin iyon, hinihiling namin sa iyong ipasok ulit ang iyong password sa Google Account kung hindi mo pa ginawa kamakailan. Nauunawaan naming posibleng hindi ito madali, pero mahalagang gumawa ng mga karagdagang hakbang para panatilihing ligtas ang iyong data.
Tandaan: Kung naka-on sa account mo ang 2-Step na Pag-verify, puwede ring hilingin sa iyong magsagawa ng karagdagang hakbang sa pag-verify.
Kung magkakaproblema sa iyong archive o hindi ka nagawa nito, subukang gumawa ng isa pa. Kadalasang naaayos nito ang problema.
O kaya naman, subukang i-download ang data sa mas maliliit na bahagi sa pamamagitan ng pagpili ng isang produkto o serbisyo sa bawat pagkakataon. Puwede itong maging epektibo kung sinusubukan mong mag-download ng mas malaking data.
Posibleng hindi isama sa file ang mga pagbabagong ginawa sa iyong data mula noong humiling ka ng pag-download hanggang magawa ang archive. Ito ang ilang halimbawa:
- Mga pagbabago sa uri o mga pahintulot sa pagbabahagi para sa file sa Drive
- Mga nalutas na komento sa file sa Drive
- Mga idinagdag o na-delete na larawan o album
Kapag nag-export ka ng iyong mail mula sa Gmail, papanatilihin ang mga label ng bawat mensahe sa espesyal na header na X-Gmail-Labels sa iyong na-download na file. Bagama't wala nang mail client na kumikilala sa header na ito ngayon, pinapayagan ng karamihan ng mga mail client ang pag-write ng mga extension na makakagamit sa mga label.
Kung hindi mo ma-download ang ilan sa iyong mga video sa YouTube, tingnan para malaman kung naka-link ang channel mo sa YouTube sa isang Brand Account. Kung naka-link ito, kakailanganin mong:
- Tiyaking naka-sign in ka sa Google Account na nauugnay sa Brand Account.
- Lumipat sa Brand Account na ginamit mo para i-upload ang mga video sa YouTube.
Tip: Kung mayroon kang higit sa isang Brand Account, puwede mong ulitin ang mga hakbang na ito para mag-download ng mga video mula sa iyong iba pang Brand Account.
Mapapamahalaan ng mga administrator ng Google Workspace kung puwedeng mag-download ng data mula sa iba't ibang produkto ang mga user. Alamin kung sino ang iyong administrator.
Sinusuportahan ng user interface ng Takeout ang mga parameter, kaya mako-customize ng mga app ang user interface. Halimbawa, puwedeng pumili ng mga partikular na produkto, destinasyon para sa mga pag-export sa cloud, at dalas para sa mga nakaiskedyul na takeout ang mga app.
Narito ang halimbawa ng format para sa url na gumagamit ng lahat ng tatlong parameter:
https://takeout.google.com/settings/takeout/custom/google_account,my_activity,fit,youtube?dest=drive&frequency=2_months
Tip: Ginagawa pa ang halimbawang ito, at posibleng i-update ito paminsan-minsan. Makikita sa source ng na-render na html sa loob ng (mga) attribute ng css na pinamagatang “data-id” ang mga posibleng value para sa mga isasamang application o iba pang produkto. Halimbawa, kasama sa mga posibleng value para sa parameter na “dest” ang "box," "dropbox," "drive," at "onedrive." Kasama sa mga posibleng value para sa parameter na “frequency” ang “2_months”
Para matukoy ang value ng property na data-id para sa mga produktong may data na puwedeng i-export para sa iyong account:
Mahalaga: Para sa paggamit sa Chrome ang mga tagubiling ito. Kung gumagamit ka ng ibang browser, posibleng mag-iba ang proseso.
- Sa isang computer, pumunta sa takeout.google.com.
- Mag-right click sa web page ng Takeout at piliin ang view na "source page." Mabibigyang-daan ka nitong makita ang HTML code na bumubuo sa page.
- Gamitin ang command sa paghahanap (Control + F sa Windows o Command + F sa Mac) para matukoy ang property na "data-id."
- Suriin ang mga resulta ng paghahanap. Ang mga nauugnay na value ang lalabas pagkatapos ng "data-id=". Halimbawa: data-id="blogger"
Naglabas din ang Google ng bagong hanay ng mga advanced na feature (Data Portability API) para sa mga developer, para sa paggamit ng data ng mga third-party na application. Mahahanap mo ang lahat ng available na dokumentasyon sa https://developers.google.com/data-portability.
Mga karaniwang tanong sa pag-download ng produkto ng Google
Aling format ang gagamitin kapag ida-download ko ang aking mga video sa YouTube?Nada-download ang mga video sa orihinal na format ng mga ito, o bilang mga MP4 file na may H264 video at AAC audio.
Ang mga may-ari lang ang puwedeng mag-download ng mga mensahe at membership ng isang grupo.
Kung isa kang miyembro o manager, hilingin sa may-ari na i-download ang impormasyong gusto mo at ibahagi ito sa iyo. O kaya, kung sa email ka nakakatanggap ng mga mensahe, puwede mong i-download ang iyong history ng mga mensahe mula sa archive ng email mo.
Puwede mong i-download o i-migrate ang data ng iyong organisasyon, kabilang ang mga email, kalendaryo, dokumento, at site. Alamin kung paano i-export ang data sa Google Workspace ng iyong organisasyon.
**May mga service provider na hindi Google sa listahang ito. Kapag pumili ka ng opsyong service provider na hindi Google:
1. Pinapayagan mo ang Google na ilipat ang mga file sa service provider na ito sa ngalan mo.
2. Kapag na-upload na ang mga file sa service provider na ito, wala nang responsibilidad ang Google sa mga file na iyon. Nasasaklaw ng mga tuntunin ng service provider ang content na ie-export.
Tip: Para maunawaan kung ano ang ibinabahagi, suriin mo mismo ang data.
Padalhan kami ng feedback
Ipaalam sa amin ang tungkol sa iyong karanasan sa pag-download ng data mo sa Google. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong feedback, nakakatulong kang mapahusay ng Google ang produktong ito para sa iyo at sa ibang tao.