Nawala o nanakaw ang aking telepono
Inirerekomenda naming gawin mo ang sumusunod: Mayroon kang ilang paraan para makabalik sa iyong account, depende sa sitwasyon mo. Gumamit ng mga backup na opsyonKung nawalan ka ng access sa iyong pangunahing telepono, puwede mong i-verify na ikaw ito gamit ang:
- Isa pang teleponong naka-sign in sa iyong Google Account.
- Isa pang numero ng teleponong idinagdag mo sa seksyong 2-Step na Pag-verify ng iyong Google Account.
- Isang backup code na na-save mo dati.
- Isang hardware na security key na idinagdag mo sa seksyong 2-Step na Pag-verify ng iyong Google Account.
- Isang passkey na ginawa sa ibang device.
Nawala o nanakaw ang aking security key
Piliin ang mga tamang hakbang para makabalik sa iyong account, batay sa kung nag-set up ka ng isa pang ikalawang hakbang, tulad ng:- Mga code sa pag-verify
- Mga prompt ng Google
- Mga backup code
- Isang backup na security key na idinagdag mo sa iyong account
- Isang nakarehistrong computer kung saan mo piniling hindi hingan ng code sa pag-verify
Kung may isa ka pang ikalawang hakbang
- Mag-sign in sa iyong Google Account gamit ang password mo at iyong isa pang ikalawang hakbang.
- Sundin ang mga hakbang para alisin ang nawawalang key sa iyong account.
- Kumuha ng bagong security key. Posibleng gusto mong kumuha ng karagdagang key na maitatago mo sa ligtas na lugar.
- Idagdag ang bagong key sa iyong account.
Kung wala kang isa pang ikalawang hakbang o nakalimutan mo ang iyong password
Tandaan: Nangangailangan ang 2-Step na Pag-verify ng karagdagang hakbang para mapatunayang pagmamay-ari mo ang isang account. Dahil sa idinagdag na seguridad na ito, puwedeng umabot ng 3-5 business day bago matiyak ng Google na ikaw ito.Sundin ang mga hakbang para ma-recover ang iyong account. Tatanungin ka para makumpirmang pagmamay-ari mo ang account.
Gamitin ang mga tip na ito para makasagot sa abot ng makakaya mo.
Maaaring hilingin sa iyong:
- Maglagay ng email address o numero ng telepono kung saan maaaring makipag-ugnayan sa iyo.
- Maglagay ng code na ipinadala sa iyong email address o numero ng telepono. Nakakatulong ang code na ito na tiyaking naa-access mo ang email address o numero ng telepono na iyon.
Nawala o ninakaw ang passkey ko
Nawala o ninakaw ang device- Sa device na naa-access mo, mag-sign in sa iyong Google Account.
- Alisin ang passkey na nauugnay sa nawala o ninakaw na device.
Kung may mga passkey ka sa iyong account pero hindi ka inaalukan ng passkey kapag nagsa-sign in, tiyaking:
- Naka-enable ang lock ng screen sa device na may passkey.
- Kung naka-disable ang lock ng screen ng iyong device, hindi mo magagamit ang passkey sa device na iyon hanggang sa i-enable mo ulit ang lock ng screen.
- Naka-on ang toggle na "Laktawan ang password kapag posible" sa iyong mga setting ng seguridad sa myaccount.google.com/security.
Para mag-sign in sa iyong Google Account nang walang passkey, i-tap ang Sumubok ng ibang paraan para laktawan ang challenge na passkey at bumalik sa dati mong opsyon sa pag-sign in.
Tip: Kung madalas mong pipiliin ang "Sumubok ng ibang paraan," mas madalang na iaalok ng Google ang passkey challenge sa hinaharap ayon sa mga naipaparating na preference mo. Dalasan ang pag-sign in gamit ang mga passkey para mabago ito.Mangailangan ng security key bilang iyong ikalawang hakbang
Kung io-on mo ang 2-Step na Pag-verify at magsa-sign in sa isang kwalipikadong telepono, puwede kang makatanggap ng mga prompt ng Google. Para gawing iyong kinakailangang ikalawang hakbang ang isang security key, mag-enroll sa Advanced na Proteksyon.Bawiin ang mga nawalang backup code
Kung nawala mo ang iyong mga backup code, puwede mong bawiin ang mga ito at kumuha ng mga bago.- Pumunta sa seksyong 2-Step na Pag-verify ng iyong Google Account.
- Piliin ang Ipakita ang mga code.
- Piliin ang Kumuha ng mga bagong code.
Wala kang nakuhang code sa pag-verify
- Posibleng pinadalhan ka na lang ng prompt ng Google. Alamin kung bakit namin inirerekomenda ang mga prompt ng Google sa halip na mga code sa pag-verify sa text message (SMS).
- Kung may napansin kaming kakaiba tungkol sa kung paano ka nag-sign in, tulad ng iyong lokasyon, posibleng hindi ka makakuha ng code sa pag-verify sa pamamagitan ng text message.
- Kung nagpadala sa iyong telepono ng text message na may code sa pag-verify, tiyaking sinusuportahan ng plan ng serbisyo at mobile device mo ang paghahatid ng text message.
- Posibleng mag-iba-iba ang bilis ng paghahatid at availability depende sa lokasyon at service provider.
- Tiyaking may sapat kang koneksyon sa internet kapag sinubukan mong kunin ang iyong mga code.
- Kung makakatanggap ka ng voice call at may ipinadalang code sa pag-verify sa iyong telepono, makakatanggap ka ng voicemail kung:
- Hindi mo masagot ang tawag.
- Wala kang sapat na koneksyon sa internet.
Hindi gagana ang isang app pagkatapos mong i-on ang 2-Step na Pag-verify
Kapag na-on mo ang 2-Step na Pag-verify, posibleng kailanganin mong mag-sign in ulit sa ilang app.Tip: Kung hindi ka makapag-sign in sa isang app pagkatapos mong idagdag ang 2-Step na Pag-verify, posibleng kailanganin mong gumamit ng Password ng App.
Bakit hindi mo dapat gamitin ang Google Voice para kumuha ng mga code sa pag-verify
Kung gumagamit ka ng Google Voice para makatanggap ng mga code sa pag-verify, puwede mong ma-lock ang iyong sarili sa labas ng account mo.Halimbawa, kung nag-sign out ka sa iyong Google Voice app, posibleng mangailangan ka ng code sa pag-verify para makabalik. Pero, dahil ipinapadala ito sa iyong Google Voice, hindi mo makukuha ang code.
Account sa trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon
Kung gumagamit ka ng account sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang grupong pinoprotektahan ng 2-Step na Pag-verify, at hindi ka makapag-sign in, puwede kang:- Gumamit ng mga backup na opsyon.
- Makipag-ugnayan sa iyong administrator.