Magsimula sa Android gamit ang TalkBack

Ang TalkBack ay ang screen reader ng Google na kasama sa mga Android device. Binibigyan ka ng TalkBack ng kontrol sa iyong device nang hindi gumagamit ng mata.

Depende sa manufacturer ng device, bersyon ng Android, at bersyon ng TalkBack ang pag-setup ng iyong device. Naaangkop ang mga page ng tulong na ito sa karamihan ng mga device, pero posible kang makaranas ng ilang pagkakaiba.

Mahalaga: Available ang mga multi-finger na galaw:

  • Sa TalkBack 9.1, sa na-update na Pixel 3 at mas bago
  • Sa ilang iba pang OEM device
  • Simula Marso 2021

Para matuto pa tungkol sa TalkBack sa iyong Android device, subukan ang mga page ng Tulong na ito:

Gamitin ang tutorial ng TalkBack

Puwede kang matuto pa tungkol sa TalkBack sa iyong device, sa pamamagitan ng tutorial ng TalkBack. Sa iyong device, kapag na-on mo ang TalkBack sa unang pagkakataon, awtomatikong bubukas ang Tutorial.

Para bisitahin ulit ang tutorial:

  1. Buksan ang menu ng TalkBack.
    • Sa mga device na may mga multi-finger na galaw (na-update na Android R sa Pixel 3 o mas bago at iba pang OEM device, gaya ng Samsung Galaxy): Mag-tap gamit ang tatlong daliri o mag-swipe pababa pagkatapos ay pakanan gamit ang isang daliri.
    • Sa mga device na may single-finger na galaw (Bago ang na-update na Android R na may TalkBack 9.1): Mag-swipe pababa pagkatapos ay pakanan.
  2. Piliin ang Mga setting ng TalkBack at pagkatapos ay Tutorial at Tulong.
  3. Piliin ang Tutorial.

Para sa higit pang tulong sa TalkBack, makipag-ugnayan sa Support team ng Google para sa May Kapansanan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2186769980065864400
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
717068
false
false