Nag-aalok ang Google Workspace Marketplace ng maraming app na makakatulong sa iyong mag-automate ng mga gawain at gamitin ang mga Google app gaya ng Gmail, Google Docs at Sheets, at Google Calendar nang mas mahusay. Ipapaliwanag ng page na ito kung paano pumunta sa Marketplace, hanapin ang mga app na gusto mo, at i-install ang mga ito.
Tandaan: Kung isa kang administrator ng Google Workspace, puwede kang mag-install ng mga app para sa iyong organisasyon.
- Buksan ang Marketplace sa isa sa ilang paraan:
- Pumunta sa workspace.google.com/marketplace.
- Sa Docs, Sheets, o Slides, i-click ang Mga Extension Mga Add-on Kumuha ng mga add-on. Magbubukas ang paraang ito ng na-filter nang listahan ng mga app na gumagana sa app kung nasaan ka.
- Sa sidebar sa Gmail, Docs, Sheets, Slides, o Google Calendar, i-click ang Kumuha ng Mga Add-on .
- Sa Google Meet, i-click ang Mga Aktibidad Kumuha ng mga add-on.
- Gamitin ang mga kategorya, paghahanap, at mga filter para hanapin ang app na gusto mo. Para sa mga detalye, tingnan ang mga sumusunod na seksyon.
- I-click ang app at suriin ang listing ng app. Para sa mga detalye tungkol sa listing ng app at kung paano sumuri ng app, pumunta sa Suriin ang mga Google Workspace Marketplace app. Posibleng hindi available sa iyo ang ilang app. Matuto pa tungkol sa mga banner na nakikita mo sa mga mensahe sa pag-install ng Marketplace app.
- I-click ang I-install.
- Gamitin ang app. Depende sa uri ng app kung paano mo bubuksan ang isang app:
- Sa Google Docs, Sheets, Forms, o Slides: I-click ang Mga Extension Mga Add-on ang Google Workspace Marketplace app.
- Sa Google Chat: Pumunta sa pag-uusap kung saan mo gustong gamitin ang app at idagdag ito. Alamin kung paano sa Gumamit ng mga app sa Google Chat.
- Sa Google Drive: Direktang buksan ang app.
- Kung gagawa ang isang app ng espesyal na uri ng file—tulad ng flowchart file—gawin ang uri ng file na iyon sa pamamagitan ng pag-click sa Bago > Higit pa sa Drive at pagpili sa Google Workspace Marketplace app.
- Kung gagamit ang isang app ng file sa Drive, mag-right click ng file, i-click ang Buksan gamit ang, pagkatapos ay i-click ang Google Workspace Marketplace app na nauugnay sa file.
- Sa isang Google Workspace app: Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Google app at mag-scroll pababa para makita ang mga available na app.
Mga itinatampok na kategorya ng app
Sinusuri ng Google ang mga pampublikong app sa Google Workspace Marketplace at idinaragdag ang ilan sa mga itinatampok na kategorya:
- Inirerekomenda para sa Google Workspace—Kinikilala ng Google ang mga app na ito bilang mas secure, maaasahan, at maayos na naka-integrate sa mga serbisyo ng Google Workspace. May badge ng seguridad ang lahat ng ito.
- Mga Intelligent na App—Magbibigay-daan sa iyo ang mga AI-powered na productivity app na ito na magtrabaho nang mas mabilis sa pamamagitan ng pag-automate sa mga workflow ng Google Workspace.
- Magtrabaho mula sa kahit saan—Tutulungan ka ng mga app na itong maging mas produktibo. Kabilang sa kategoryang ito ang mga app sa komunikasyon at pakikipag-collaborate, app sa pakikipag-engage para sa mga remote na team, at app sa pamamahala ng oras at digital wellness.
- Mga essential sa negosyo—Nakakatulong ang mga app na itong dagdagan ang pagiging produktibo ng workflow. Kabilang sa kategoryang ito ang mga app para sa pamamahala ng relasyon sa customer (customer relationship management o CRM), mga solusyon sa pagsingil, pamamahala ng produkto, komunikasyon, at marketing.
- Mga app na dapat tuklasin—Bago at makabago ang mga app na ito.
Nakalista ang mga kategoryang ito sa ilalim ng Pinili ng Mga Editor sa kaliwang menu ng pag-navigate.
Badge ng Seguridad
Nagpapakita ang Marketplace ng badge ng seguridad para sa mga app na nakapasa sa isang independent na pagsusuri sa seguridad. Ipinapakita ang badge sa mga resulta ng paghahanap sa Marketplace at sa page ng listing ng app.
Mga Developer: Para matuto kung paano maipadagdag ang app mo sa mga itinatampok na kategorya o kung paano makukuha ang badge ng seguridad, pumunta sa Maipatampok ang iyong app sa Google Workspace Marketplace.
Iba pang kategorya ng app
Makakatingin ka ng mga app sa pamamagitan ng pag-click sa mga kategorya sa kaliwang menu ng pag-navigate:
- Inaprubahan para sa iyo—Ito ang mga app na pinapayagan ng iyong administrator na i-install mo. Makikita mo lang ang kategoryang ito kung naka-sign in ka sa iyong pantrabaho o pampaaralang Google Account, at lilimitahan ng administrator mo ang mga app na puwede mong i-install sa pamamagitan ng allowlist.
- Mga internal na app—Kung gumagamit ka ng Google Workspace para sa trabaho o paaralan, posibleng bumuo at mag-publish ang iyong organisasyon ng mga app na mga tao lang sa organisasyong iyon ang makakapag-install at makakagamit.
- Mga App para sa Mga Admin—Ang mga app na ito ay mai-install lang ng mga admin para sa mga user na nasa kanilang mga sariling organisasyon. Hindi nakalista ang mga app na ito sa page ng home o kategorya ng Marketplace, at mga admin lang na naka-sign in ang makakakita sa mga ito sa mga resulta ng paghahanap. Naaangkop ang mga app sa kategoryang ito sa isang pang-Enterprise na organisasyon, at hindi kasama ang mga app na inilista ng mga developer sa kategoryang Edukasyon.
- Ginawa ng Google—Binubuo at pinapanatili ng Google ang mga app na ito.
- Pinakasikat—Batay ang ranking sa bilang ng mga user na in-install ang app. Nasa kategoryang Pinakasikat ang mga app na may pinakamaraming user. Makikita mo rin ang bilang ng mga user na in-install ang app sa mga detalye ng listing ng app. Kasama sa bilang na ito ang mga user na sila mismo ang nag-install nito at ang mga user na mga administrator nila ang nag-install nito para sa kanila.
- May pinakamataas na rating—Ginagamit ang bilang ng mga rating at ang average na rating para pagsunud-sunurin ang mga app sa kategoryang May pinakamataas na rating. Hindi vine-verify ng Google ang mga review at rating ng user. Gayunpaman, kung nilalabag ng isang review ang aming mga patakaran, aalisin ito. Magagawa rin ng mga user na mag-ulat ng mga mapang-abusong review.
- Mga Kategorya—Ang layunin ng app, gaya ng Mga tool sa Komunikasyon o Negosyo Accounting at finance. Ang developer ng app ang nagtatakda sa kategorya ng app.
Maghanap ng mga app
Ang mga resulta ng paghahanap sa Marketplace ay batay sa mga sumusunod:
- Kung gaano kanauugnay ang pangalan at paglalarawan ng app sa termino para sa paghahanap
- Kasikatan ng app
- Rating ng experience ng user ng app. Matuto pa tungkol sa mga review sa Marketplace.
Magkasinghalaga ang kasikatan at experience ng user.
I-filter ang mga app
Magbibigay sa iyo ang Marketplace ng ilang simpleng filter para tulungan kang mahanap ang gusto mo.
- Gumagana sa—Nililimitahan ang mga app sa mga gumagana sa mga partikular na Google Workspace app na pipiliin mo. Halimbawa, puwede kang pumunta sa kategoryang Mga intelligent na app, at pagkatapos ay ipakita lang ang mga app na gumagana sa Sheets.
- Presyo—Puwede mong i-filter ang Marketplace ayon sa presyo ng app: Libre (kabilang ang mga app na mayroong mga may bayad na feature o libreng trial) o Bayad, gaya ng itinakda ng developer sa listing ng app. Ang mga bayad na app ay posibleng may walang singil na trial o may mga kasamang feature na walang bayad.
Kinukuha ng mga developer ng app ang anumang bayad nang direkta sa mga user. Hindi pinapangasiwaan ng Google ang mga pagbabayad o vine-verify ang katumpakan ng impormasyon ng presyo sa Marketplace.
- Mga internal na app—Kung gumagamit ka ng Google Workspace para sa trabaho o paaralan, posibleng bumuo at mag-publish ang iyong organisasyon ng mga app na mga tao lang sa organisasyong iyon ang makakapag-install at makakagamit.