Mag-dispute ng claim sa Content ID

Kung nakatanggap ang iyong video ng claim sa Content ID, puwede mong i-dispute ang claim kung mayroon kang valid na dahilan, gaya ng:

  • Pagkakaroon ng lahat ng kinakailangang karapatan sa content sa iyong video.
  • Paggamit ng content sa paraang kwalipikado bilang exception sa copyright, tulad ng patas na paggamit.
  • Paniniwalang mali ang pagkakatukoy sa iyong video o nagkaroon ng pagkakamali.
Naiiba ang mga paglabag sa copyright sa mga claim sa Content ID. Kung nakatanggap ang iyong channel ng strike sa copyright, pumunta sa artikulong mga strike sa copyright para matuto pa.

Kapag nag-dispute ka ng claim sa Content ID, aabisuhan ang taong nag-claim sa iyong video (ang naghahabol). May 30 araw ang naghahabol para tumugon.

Bago ka mag-dispute

Bago ka mag-dispute ng claim sa Content ID, puwede kang matuto pa tungkol sa pampublikong domain at mga exception sa copyright tulad ng patas na paggamit o patas na transaksyon. Tandaang mga HINDI lehitimong dahilan ang mga ito para mag-dispute ng claim:

Kung hindi ka magsusumite ng dispute, may iba pang paraan para maglutas ng claim sa Content ID, tulad ng pag-aalis ng na-claim na content sa iyong video.

Sa huli, hindi makakapagpasya ang YouTube kung dapat mo bang i-dispute ang isang claim. Kung hindi ka sigurado sa dapat gawin, puwede kang humingi ng legal na payo bago ka mag-dispute.

Tandaang dapat ka lang mag-dispute ng claim kung sigurado kang mayroon ka ng lahat ng kinakailangang karapatan para gamitin ang na-claim na content. Ang paulit-ulit o nakakapinsalang pang-aabuso sa proseso ng pag-dispute ay puwedeng magresulta sa mga parusa sa iyong video o channel.

Magsumite ng dispute

Para mag-dispute ng claim sa Content ID:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
  3. Sa tab na Mga Video, hanapin ang video na may claim na gusto mong i-dispute.
    • Para mas madaling mahanap ang video, puwede mong i-click ang filter bar at pagkatapos ay Copyright.
  4. Sa column na Mga Paghihigpit , mag-hover sa Copyright.
  5. I-click ang TINGNAN ANG MGA DETALYE.
  6. Sa ilalim ng seksyong Natukoy na content sa video na ito, hanapin ang nauugnay na claim at i-click ang PUMILI NG MGA PAGKILOSat pagkatapos ay I-dispute.
Tandaan: Posibleng mayroon kang opsyon na I-escalate para Mag-apela para sa mga claim sa Content ID na nagba-block sa iyong video. Nilalaktawan ng opsyong ito ang paunang hakbang sa pag-dispute at sinisimulan nito ang proseso ng pag-dispute sa pamamagitan ng apela. Matuto pa tungkol sa opsyong I-escalate para Mag-apela.

Pagkatapos mong mag-dispute

Pagkatapos mong magsumite ng pag-dispute, may 30 araw ang taong nag-claim sa iyong video (ang naghahabol) para tumugon.

Ang magagawa ng naghahabol
  • I-release ang claim: Kung sasang-ayon ang naghahabol sa iyong dispute, puwede niyang i-release ang claim niya. Kung mino-monetize mo dati ang video, awtomatikong ire-restore ang iyong mga setting sa pag-monetize kapag na-release na ang lahat ng claim sa video mo. Matuto pa tungkol sa pag-monetize sa panahon ng mga pag-dispute sa Content ID.
  • Ibalik ang claim: Kung naniniwala ang naghahabol na valid pa rin ang kanyang claim, puwede niya itong ibalik. Ibig sabihin nito na tinanggihan ang iyong dispute at mananatili ang claim sa iyong video. Posibleng kwalipikado kang i-apela ang pasyang ito.
  • Magsumite ng request sa pagtanggal: Kung naniniwala ang naghahabol na valid pa rin ang kanyang claim, puwede siyang magsumite ng request sa pagtanggal dahil sa copyright. Kung valid ang request sa pagtanggal, aalisin sa YouTube ang iyong video at makakatanggap ng strike sa copyright ang channel mo. Matuto pa tungkol sa mga opsyon para sa paglutas ng strike sa copyright.
  • Hayaang mag-expire ang claim: Kung hindi tutugon ang naghahabol sa loob ng 30 araw, mag-e-expire ang claim sa iyong video at mare-release ito sa video mo.

 

Matuto pa tungkol sa proseso ng pag-dispute sa kabanata ng video na ito na "Proseso ng Pag-dispute para sa Content ID":

Mga Claim sa Content ID at Proseso ng Pag-dispute: Pamahalaan at Aksyunan ang Mga Claim sa Studio

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Mga madalas itanong (Mga FAQ)

Ano ang mangyayari kung tatanggihan ang dispute ko?
Kung tatanggihan ang iyong dispute, mananatili ang claim sa video mo. Kung nakakasiguro ka pa ring invalid ang claim, posibleng kwalipikado kang iapela ang pasya. Matuto pa tungkol sa pag-apela ng claim sa Content ID.
Tandaang puwedeng magsumite ang naghahabol ng request sa pagtanggal dahil sa copyright anumang oras sa proseso ng pag-dispute. Kapag nangyari ito at valid ang request sa pagtanggal, aalisin ang iyong video sa YouTube at makakatanggap ng strike sa copyright ang channel mo.
Bakit sinusuri ng naghahabol ang paunang dispute at ang apela?

Sinusuri ng naghahabol ang paunang dispute at ang apela dahil hindi makakapagpasya ang YouTube tungkol sa pagmamay-ari. Hindi alam ng YouTube kung anong content ang may naaangkop na lisensya at hindi ito makakapagpasya kung ano ang kwalipikado para sa mga exception sa copyright, tulad ng patas na paggamit o patas na transaksyon.

Tinitiyak ng hakbang sa pag-apela ang isang mas masusing pagsusuri ng naghahabol dahil kung piiliin niyang ibalik ang kanyang claim, kinakailangan niyang magsumite ng request sa pagtanggal dahil sa copyright (isang legal na proseso) para panatilihing nakatanggal ang video. Pagkatapos niyon, kung magpapasya kang magsumite ng counter notification, kakailanganin ng naghahabol na maghain ng demanda para panatilihin ang pagkakatanggal ng iyong video.

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga opsyong mag-dispute at I-escalate para Mag-apela?

Posibleng abutin nang hanggang 30 araw ang opsyong paunang dispute para tumugon ang naghahabol sa dispute. Kung tatanggihan nila ang iyong dispute, posibleng maiapela mo ang pasya. May 7 araw ang naghahabol para tumugon sa apela.

Available lang ang opsyong I-escalate para Mag-apela para sa mga claim sa Content ID na nagba-block ng iyong video. Nilalaktawan ng opsyong ito ang paunang hakbang sa pag-dispute, na nagbibigay sa naghahabol ng 30 araw para tumugon, at sinisimulan nito ang proseso sa pamamagitan ng isang apela. May 7 araw ang naghahabol para tumugon sa apela, para malutas nang mas mabilis ang proseso.

Kung tatanggihan ng naghahabol ang iyong apela, puwede siyang magsumite ng kahilingan sa pagtanggal dahil sa copyright. Kung valid ang kahilingan sa pagtanggal, aalisin ang iyong video sa YouTube at makakatanggap ng strike sa copyright ang channel mo. Tandaang puwede ka pa ring magsumite ng counter notification kung sigurado kang invalid ang request sa pagtanggal.

Puwede bang magkaroon ng mahigit isang claim sa Content ID ang isang video?
Oo, puwedeng magkaroon ng mahigit isang claim sa Content ID ang isang video. Tandaang puwede ring makatanggap ang isang video ng mahigit sa isang request sa pagtanggal, pero iisang strike sa copyright lang ang puwede nitong makuha sa bawat pagkakataon.
Kung hindi ko idi-dispute ang isang claim sa Content ID, paano ko ito malulutas?
Kung pipiliin mong hindi mag-dispute, may iba pang paraan para maglutas ng claim sa Content ID, tulad ng pag-aalis ng na-claim na content sa iyong video.
Puwede ba akong magkansela ng dispute kapag naisumite na ito?
Hindi, kapag naisumite mo na ang isang dispute, hindi na ito makakansela.

Higit pang impormasyon

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1155915464115850428
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102809
false
false