Pamahalaan ang pangunahing impormasyon ng iyong channel sa YouTube

Puwede mong pamahalaan ang pangunahing impormasyon tungkol sa iyong channel sa YouTube gaya ng pangalan at paglalarawan ng channel, mga pagsasalin, at mga link.

Pangalan

Puwede mong baguhin ang pangalan ng iyong channel sa YouTube, tiyakin lang na sumusunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Pagkatapos palitan ang iyong pangalan, posibleng abutin nang ilang araw bago ma-update at makita ang bagong pangalan sa buong YouTube. Kung babaguhin mo ang pangalan at larawan ng iyong channel sa YouTube, makikita lang ito sa YouTube. Puwede mong baguhin ang pangalan at larawan ng iyong Google Account dito (nang walang pagbabagong gagawin sa pangalan ng channel mo sa YouTube).

Tandaan: Puwede mong baguhin ang pangalan ng iyong channel nang dalawang beses sa loob ng 14 na araw. Kapag pinalitan mo ang pangalan mo, maaalis ang iyong badge na na-verify. Matuto pa.

YouTube app sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Iyong channel .
  3. Sa ilalim ng paglalarawan ng iyong channel, i-tap ang I-edit .
  4. Sa tabi ng iyong pangalan, i-tap ang I-edit  at ilagay ang na-update na pangalan ng channel mo, pagkatapos ay i-click ang I-SAVE.

YouTube Studio app para sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang I-edit ang profile ng channel.
  3. Sa tabi ng iyong pangalan o paglalarawan, i-tap ang I-edit  at ilagay ang na-update na pangalan ng channel mo, pagkatapos ay i-click ang I-SAVE.

Handle

Ang handle ay natatanging identifier na nagbibigay-daan sa iyo na mas madaling buuin at panatilihin ang iyong natatanging presensya sa YouTube.

Tandaan: Puwede mong baguhin ang iyong handle nang dalawang beses sa loob ng 14 na araw.

YouTube app sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Iyong Channel .
  3. I-tap ang I-edit ang Channel .
  4. Sa ilalim ng seksyong Handle, hanapin ang iyong handle.
  5. Para baguhin ang iyong handle, i-tap ang I-edit sa kanan.
  6. Mag-type para baguhin ang kasalukuyang handle.
    • Kung hindi available ang handle, magbibigay ng suhestyong katulad nito.
  7. I-click ang I-save para kumpirmahin ang iyong handle.

YouTube Studio app para sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang I-edit ang profile ng channel.
  3. Sa tabi ng iyong handle, i-tap ang I-edit .
  4. I-click ang I-save.

URL ng Channel

YouTube app sa iPhone at iPad
Ang URL ng channel mo ay ang karaniwang URL na ginagamit ng mga channel sa YouTube. Ginagamit nito ang iyong natatanging channel ID na binubuo ng mga numero at titik sa dulo ng URL. Puwede mong tingnan at kopyahin ang URL ng iyong channel sa YouTube at YouTube Studio app. 

Paglalarawan

Puwede mong baguhin ang iyong paglalarawan sa YouTube, tiyakin lang na sumusunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Maa-access ang iyong paglalarawan sa header ng channel.

YouTube app sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Iyong channel .
  3. Sa ilalim ng paglalarawan ng iyong channel, i-tap ang I-edit .
  4. Sa tabi ng iyong pangalan, i-tap ang I-edit  at ilagay ang na-update na paglalarawan mo, pagkatapos ay i-click ang I-SAVE.

YouTube Studio app para sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang I-edit ang profile ng channel.
  3. Sa tabi ng iyong pangalan o paglalarawan, i-tap ang I-edit  at ilagay ang na-update na paglalarawan mo, pagkatapos ay i-click ang I-SAVE.

Magdagdag o magbago ng iyong mga pronoun

Puwede kang magdagdag ng iyong mga pronoun sa iyong channel para maipakita ang mga ito sa page ng channel mo. Puwede mong piliing ipakita ang iyong mga pronoun sa lahat o ipakita lang ang mga ito sa mga subscriber mo.
Napakahalagang bahagi ng personal na pagkakakilanlan at pagpapahayag ng sarili ang mga pronoun. May ilang hurisdiksyon na may mga batas na nauugnay sa pagpapahayag ng kasarian. Isipin ang iyong mga lokal na batas kapag ginagamit ang pampublikong feature sa pag-opt in na ito sa YouTube.
Kung hindi available ang mga pronoun sa page ng channel mo, pinagsisikapan pa naming palawakin ang feature na ito sa higit pang bansa/rehiyon at wika.
Tandaan: Hindi available sa workspace o mga sinusubaybayang account ang feature para sa mga pronoun.

YouTube app sa iPhone at iPad

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile  at pagkatapos ay Iyong channel .
  2. Sa ilalim ng paglalarawan ng iyong channel, i-tap ang I-edit Mag-edit ng setting, icon na lapis.
  3. Sa tabi ng Mga Pronoun, i-tap ang I-edit Mag-edit ng setting, icon na lapis at pagkatapos ay Magdagdag ng Pronoun .
  4. Simulang ilagay ang iyong mga pronoun at piliin ang mga nauugnay sa iyo. Puwede kang magdagdag ng hanggang apat na pronoun.
    1. Puwede mong i-edit ang mga pinili mo sa pamamagitan ng pag-tap sa  sa tabi ng isa sa iyong mga pronoun para maalis ito.
  5. Piliin kung sino ang makakakita ng iyong mga pronoun: 
    1. Lahat ng nasa YouTube, O 
    2. Mga subscriber ko lang 
  6. I-tap ang I-save.

Mga link ng profile ng channel

Puwede kang magpakita ng hanggang 14 na link sa tab na Home ng iyong channel, tiyakin lang na sumusunod ang mga ito sa aming patakaran sa mga external na link. Madaling makikita ang iyong unang link sa seksyon ng profile sa itaas ng button na mag-subscribe, at ipapakita ang mga natitira mong link kapag nag-click ang iyong audience para tumingin ng higit pang link.Matuto pa tungkol sa pag-share ng mga link sa iyong audience.  

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. Sa tabi ng paglalarawan ng iyong channel, i-tap ang I-edit Mag-edit ng setting, icon na lapis.
  4. Sa ilalim ng "Mga Link," i-tap ang I-edit Mag-edit ng setting, icon na lapis.
  5. I-tap ang Magdagdag at ilagay ang pamagat at URL ng iyong site.
  6. I-tap ang Tapos na at pagkatapos ay I-save.  

Privacy

YouTube app sa iPhone at iPad
Puwede mong piliing panatilihing pribado ang lahat ng iyong subscription. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10121213894462432899
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
102809
false
false