Patakaran sa maling medikal na impormasyon

Hindi pinapayagan ng YouTube ang content na nagdudulot ng malubhang panganib ng napakatinding pinsala sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling medikal na impormasyong sumasalungat sa patnubay ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan (mga local health authority o LHA) o ng World Health Organization (WHO) tungkol sa mga partikular na kundisyong pangkalusugan at substance. Kasama sa patakarang ito ang mga sumusunod na kategorya:

  • Maling impormasyon sa pag-iwas 
  • Maling impormasyon sa paggamot 
  • Maling impormasyon sa pagtanggi

Tandaan: Napapailalim sa pagbabago ang mga patakaran ng YouTube sa maling medikal na impormasyon bilang sagot sa mga pagbabago sa patnubay na mula sa mga awtoridad sa kalusugan o sa WHO. Posibleng may pagkaantala sa pagitan ng bagong patnubay ng mga LHA/WHO at ng mga update sa patakaran, at posibleng hindi masaklaw ng aming mga patakaran ang lahat ng patnubay ng LHA/WHO na nauugnay sa mga partikular na kundisyong pangkalusugan at substance.

Ang epekto ng patakarang ito sa iyo

Huwag mag-post ng content sa YouTube kung mayroon itong anuman sa mga sumusunod:

Maling impormasyon sa pag-iwas: Hindi namin pinapayagan ang content na nagpo-promote ng impormasyong sumasalungat sa patnubay ng awtoridad sa kalusugan sa pag-iwas sa o paghawa ng mga partikular na kundisyong pangkalusugan, o sa kaligtasan, bisa, o mga sangkap ng mga kasalukuyang naaprubahan at ibinibigay na bakuna.

Maling impormasyon sa paggamot: Hindi namin pinapayagan ang content na nagpo-promote ng impormasyong sumasalungat sa patnubay ng awtoridad sa kalusugan sa mga paggamot sa mga partikular na kundisyong pangkalusugan, kabilang ang promosyon ng mga partikular na mapaminsalang substance o kagawiang hindi inaprubahan ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan o ng World Health Organization bilang ligtas o epektibo, o na nakumpirmang nagdudulot ng matinding pinsala.

Maling impormasyon sa pagtanggi: Hindi namin pinapayagan ang content na itinatanggi ang pagkakaroon ng mga partikular na kundisyong pangkalusugan.

Nalalapat ang mga patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Tandaang hindi ito kumpletong listahan. Pakitandaang nalalapat din ang mga patakarang ito sa mga external na link sa iyong content. Puwedeng kasama rito ang mga naki-click na URL, pasalitang pagdirekta ng mga user sa iba pang site sa video, at iba pang anyo.

Mga Halimbawa

Narito ang ilang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube. Hindi ito kumpletong listahan.

Maling impormasyon sa pag-iwas

Mga mapaminsalang substance at kagawian bilang mga paraan ng pag-iwas
  • Promosyon ng mga sumusunod na substance at paggamot na nagpapakita ng likas na panganib ng matinding pinsala sa katawan o pagkamatay:
    • Miracle Mineral Solution (MMS)
    • Black Salve
    • Turpentine
    • B17/amygdalin/mga buto ng peach o apricot
    • High-grade na hydrogen peroxide
    • Chelation therapy para gamutin ang autism
    • Colloidal silver
    • Gasolina, diesel, at kerosene
  • Content na nagpo-promote ng paggamit ng Ivermectin o Hydroxychloroquine para sa pag-iwas sa COVID-19.
Maling impormasyon sa garantisadong pag-iwas
  • Mga claim na may garantisadong paraan ng pag-iwas sa COVID-19. 
  • Mga claim na garantisadong paraan ng pag-iwas sa COVID-19 ang anumang gamot o bakuna.
Maling impormasyon sa bakuna
  • Mga claim na sumasalungat sa patnubay ng awtoridad sa kalusugan at ng World Health Organization sa kaligtasan, bisa at mga sangkap ng mga kasalukuyang ibinibigay at naaprubahang bakuna 
    • Kaligtasan ng bakuna: Content na nagsasabing nagdudulot ang mga bakuna ng malulubhang side effect, gaya ng cancer o pagkaparalisa, bukod sa mga bihirang side effect na kinikilala ng mga awtoridad sa kalusugan.
      • Mga Halimbawa:
        • Mga claim na nagdudulot ng autism ang MMR na bakuna.
        • Mga claim na nagsasanhi ng pagkakaroon ng COVID-19 ang anumang bakuna.
        • Mga claim na bahagi ang mga bakuna ng layuning bawasan ang populasyon.
        • Mga claim na nagsasanhi ang mga bakuna laban sa trangkaso ng malulubhang side effect gaya ng pagkabaog, o nagsasanhi ito ng pagkakaroon ng COVID-19.
        • Mga claim na nagsasanhi ang HPV na bakuna ng malulubhang side effect gaya ng pagkaparalisa.
        • Mga claim na magsasanhi ang isang aprubadong bakuna laban sa COVID-19 ng pagkamatay, pagkabaog, pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan, autism, o pagkakaroon ng iba pang nakakahawang sakit.
        • Mga claim na mas ligtas ang pagkamit sa herd immunity sa pamamagitan ng natural na pagkahawa kaysa sa pagbabakuna sa populasyon.
        • Content na nagpo-promote sa paggamit ng mga hindi aprubado o homemade na bakuna laban sa COVID-19.
    • Bisa ng bakuna: Content na nagsasabing hindi nababawasan ng mga bakuna ang paghawa o pagkakaroon ng sakit.
      • Mga Halimbawa:
        • Mga claim na hindi nababawasan ng mga bakuna ang panganib ng pagkakaroon ng karamdaman.
        • Mga claim na hindi nababawasan ng mga bakuna ang kalalaan ng karamdaman, kabilang ang hospitalisasyon o pagkamatay.
        • Mga claim na garantisadong paraan ng pag-iwas sa COVID-19 ang anumang bakuna.
    • Mga sangkap sa mga bakuna: Content na nagsisinungaling tungkol sa mga sangkap na nakapaloob sa mga bakuna.
      • Mga Halimbawa:
        • Mga claim na naglalaman ang mga bakuna ng mga substance na wala sa listahan ng sangkap ng bakuna, gaya ng biyolohikal na bagay mula sa mga fetus (hal. tissue ng fetus, mga cell line ng fetus) o mga bagay na mula sa hayop.
        • Mga claim na naglalaman ang mga bakuna ng mga substance o device na naglalayong subaybayan o kilalanin ang mga nakatanggap ng mga ito.
        • Mga claim na binabago ng mga bakuna ang genetic makeup ng isang tao.
        • Mga claim na gagawing magnetic ng mga bakuna ang mga makakatanggap ng mga ito.

Mga karagdagang resource

Makikita sa ibaba ang higit pang impormasyon sa mga bakuna, kabilang ang kaligtasan at bisa ng mga ito.

Impormasyon sa bakuna ng awtoridad sa kalusugan:

Karagdagang impormasyon sa bakuna:

Impormasyon sa paghawa

  • Content na nagpo-promote ng impormasyon sa paghawa na sinasalungat ang mga lokal na awtoridad sa kalusugan o ang World Health Organization.
    • Content na nagsasabing hindi dulot ng impeksyon sa virus ang COVID-19.
    • Mga claim na dulot ng radiation mula sa mga 5G na network ang COVID-19.
    • Content na nagsasabing hindi nakakahawa ang COVID-19.
    • Content na nagsasabing hindi lumalaganap ang COVID-19 sa ilang partikular na klima o geography.
    • Content na nagsasabing may immunity sa virus o hindi makakapanghawa ng virus ang anumang grupo o sinumang indibidwal.

Maling impormasyon sa paggamot 

Mga mapaminsalang substance at kagawian bilang mga paraan ng paggamot

  • Promosyon ng mga sumusunod na substance at panggagamot na nagpapakita ng likas na panganib ng matinding pinsala sa katawan o pagkamatay.
    • Miracle Mineral Solution (MMS)
    • Black salve
    • Turpentine
    • B17/amygdalin/mga buto ng peach o apricot
    • High-grade na hydrogen peroxide
    • Chelation therapy para gamutin ang autism
    • Colloidal silver
    • Gasolina, diesel, at kerosene
  • Content na nagrerekomenda ng paggamit ng mga partikular na paraan para sa paggamot sa cancer kahit na hindi inaprubahan ang mga iyon ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan o ng World Health Organization bilang ligtas o epektibo o kahit na nakumpirmang mapaminsala o hindi epektibo para sa paggamot sa cancer ang mga iyon.
    • Mga Halimbawa:
      • Content na nagpo-promote ng paggamit ng mga sumusunod na paraan para sa paggamot sa cancer, bukod sa mga klinikal na trial:
        • Caesium chloride (mga cesium salt)
        • Hoxsey therapy
        • Coffee enema
        • Gerson therapy
      • Content na nagsasabing ang mga sumusunod na paraan ay ligtas o epektibo para sa paggamot sa cancer, bukod sa mga klinikal na trial:
        • Antineoplaston therapy
        • Quercetin (intravenous na ineksyon)
        • Methadone
        • Over-the-counter na chelation therapy
  • Content na nagpo-promote ng paggamit ng Ivermectin o Hydroxychloroquine para sa paggamot sa COVID-19.
Maling impormasyon sa garantisadong paggamot
  • Content na nagsasabing may garantisadong lunas sa cancer bukod sa aprubadong paggamot.
  • Content na nagsasabing may garantisadong lunas sa COVID-19.
Mga mapaminsalang alternatibong paraan at pagpigil sa propesyonal na paggamot
  • Content na nagsasabing hindi kailanman mabisa ang mga aprubadong paggamot sa cancer.
    • Mga Halimbawa:
      • Content na nagsasabing hindi kailanman mabisa ang mga aprubadong paggamot sa cancer, tulad ng chemotherapy o radiation.
      • Content na pumipigil sa mga taong humingi ng mga aprubadong paggamot sa cancer.
  • Mga claim na mas ligtas o mas mabisa ang mga alternatibong paggamot kaysa sa mga aprubadong paggamot sa cancer.
    • Content na nagsasabing may mas magagandang resulta ang pag-juice kaysa sa chemotherapy sa paggamot sa cancer.
  • Content na nagrerekomenda ng mga alternatibong paggamot kapalit ng mga aprubadong paggamot sa cancer.
    • Content na nagpo-promote ng diyeta at ehersisyo sa halip na paghingi ng aprubadong paggamot sa cancer.
  • Pagpigil sa mga taong kumonsulta sa isang propesyonal sa medisina o humingi ng medikal na payo kung mayroon silang COVID-19.
  • Content na hinihikayat ang paggamit ng mga remedyong makikita sa bahay, dasal, o ritwal kapalit ng medikal na paggamot sa COVID-19 gaya ng pagkonsulta sa doktor o pagpunta sa ospital.
  • Content na sumasalungat sa patnubay ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan o ng World Health Organization sa kaligtasan ng pagpapalaglag na gumagamit ng kemikal at operasyon:
    • Mga claim na nagsasanhi ng cancer sa suso ang pagpapalaglag.
    • Mga claim na ang pagpapalaglag ay karaniwang nagreresulta sa o may mataas na panganib ng pagkabaog o pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa hinaharap.
  • Promosyon ng mga alternatibong paraan ng pagpapalaglag kapalit ng mga paraang gumagamit ng kemikal o operasyong itinuturing na ligtas ng mga awtoridad sa kalusugan.
  • Promosyon ng mga alternatibong gatas para sa mga sanggol kapalit ng gatas ng ina o komersyal na gatas.

Maling impormasyon sa pagtanggi  

  • Content na itinatanggi ang pagkakaroon ng COVID-19 o na namamatay ang mga tao dahil sa COVID-19.
    • Mga Halimbawa:
      • Pagtangging mayroong COVID-19
      • Mga claim na hindi namamatay o nagkakasakit ang mga tao dahil sa COVID-19
      • Mga claim na walang kaso o pagkamatay sa mga bansa kung saan may mga kaso o pagkamatay na kinumpirma ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan o ng WHO

Pang-edukasyon, pandokumentaryo, pansiyentipiko, o pansining na content

Puwede naming payagan ang content na lumalabag sa mga patakaran sa maling impormasyon na nakatala sa page na ito kung ang content na iyon ay may kasamang karagdagang konteksto sa video, audio, pamagat, o paglalarawan. Hindi ito pahintulot na magsulong ng maling impormasyon. Ang karagdagang konteksto ay posibleng may mga kasamang sumasalungat na opinyon mula sa mga lokal na awtoridad sa kalusugan o medikal na eksperto. Puwede rin kaming gumawa ng mga exception kung ang layunin ng content ay tuligsain, i-dispute, o libakin ang maling impormasyong lumalabag sa aming mga patakaran. Puwede rin kaming gumawa ng mga exception para sa content na tumatalakay sa mga resulta ng isang partikular na medikal na pag-aaral, o nagpapakita ng bukas na pampublikong forum, tulad ng protesta o pampublikong pagdinig, basta't hindi nilalayon ng content na mag-promote ng maling impormasyong lumalabag sa aming mga patakaran.

Naniniwala rin ang YouTube na dapat magawa ng mga taong i-share ang kanilang mga sariling experience, kabilang halimbawa ang mga personal na experience sa mga pagpapabakuna. Ibig sabihin nito, puwede kaming gumawa ng mga exception para sa content kung saan inilalarawan ng mga creator ang mismong mga experience nila o ng kanilang pamilya. Kasabay nito, kinikilala naming may pagkakaiba sa pagitan ng pag-share ng mga personal na experience at pag-promote ng maling impormasyon. Para matugunan ang balanseng ito, aalisin pa rin namin ang content o mga channel kung ang mga ito ay may iba pang paglabag sa patakaran o nagpapakita ng pattern ng pag-promote ng maling medikal na impormasyon.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na pinost mo, puwede naming alisin ang link.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Kominidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Kung hindi, posible kaming maghain ng strike laban sa iyong channel. Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Puwede kang matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike dito.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang kaso ng matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede kang matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account dito

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10398699322773215676
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false