Patakaran sa mga external na link

Hindi pinapayagan sa YouTube ang mga link na dinadala ang mga user sa content na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung makakakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Tandaan: Posibleng hindi naki-click ang ilang partikular na link. Matuto pa rito.

Ang epekto ng patakarang ito sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Huwag mag-post ng mga link sa iyong content sa YouTube kung ididirekta ng mga ito ang mga user sa content na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kasama sa patakarang ito ang mga link na naaangkop sa alinman sa mga paglalarawang nakasaad sa ibaba. Pakitandaang hindi ito kumpletong listahan.

  • Nagli-link sa pornograpiya
  • Nagli-link sa mga website o app na nag-i-install ng malware
  • Nagli-link sa mga website o app na nagsasagawa ng phishing para sa impormasyon sa pag-sign in ng isang user, pinansyal na impormasyon, atbp.
  • Nagli-link sa mga website, app, o iba pang source na nagbibigay ng hindi awtorisadong access sa audio content, audiovisual content, mga video game, software, o serbisyo ng streaming na karaniwang may bayad
  • Nagli-link sa mga website na naglalayong lumikom ng mga pondo o mag-recruit para sa mga organisasyon ng terorista
  • Nagli-link sa mga site na may Koleksyon ng Imahe ng Pang-aabusong Sekswal sa Kabataan (Child Sexual Abuse Imagery o CSAI)
  • Nagli-link sa mga site na nagbebenta ng mga item na binanggit sa aming mga alituntunin sa mga kontroladong produkto
  • Nagli-link sa content na lumalabag sa aming mga patakaran sa poot o panliligalig
  • Nagli-link sa content na nanghihikayat sa iba na gumawa ng mga karahasan
  • Nagli-link sa content ​​na nagpapalaganap ng maling medikal na impormasyong sumasalungat sa impormasyong medikal tungkol sa COVID-19 ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan (local health authority o LHA) o World Health Organization (WHO)
  • Nagli-link sa mga website o app na nagpapalaganap ng mapanlinlang o mapanlokong content na puwedeng magdulot ng malubhang panganib ng matinding kapahamakan, gaya ng paggambala sa mga demokratikong proseso
  • Nagli-link sa mga external na site na naglalaman ng mga manifesto ng mga marahas na attacker

Nalalapat ang patakarang ito sa video, audio, channel, mga komento, mga naka-pin na komento, mga live stream, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Puwedeng magkaroon ng anumang anyo ang mga link na nagdidirekta ng user sa isang site sa labas ng YouTube Kabilang sa mga link na ito ang: mga naki-click na url, pagpapakita ng text ng mga url sa mga video o larawan, at mga na-obfuscate na url (gaya ng paglalagay ng “dot com” sa halip na “.com”). Puwede ring kasama sa mga link na ito ang pasalitang pagdirekta sa mga user sa iba pang site, panghihikayat sa mga manonood na bumisita sa mga profile o page ng creator sa iba pang site, o pagpapangako ng lumalabag na content sa iba pang site. Hindi kumpleto ang listahang ito.

Tandaan: Hindi nilalabag ng content ng affiliate ang Mga Tuntunin ng Paggamit ng YouTube. Puwedeng labagin ng sobra-sobrang pag-post ng content ng affiliate sa mga nakalaang account ang aming mga patakaran patungkol sa spam. Puwede kang matuto pa tungkol sa kung ano ang pinapayagan sa aming Mga patakaran sa spam, mapanlinlang na kagawian, at scam.

Mga Halimbawa

Narito ang ilang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube.

  • Isang video na nagtatampok ng content na may sekswal na tema kung saan nakasaad sa paglalarawan na “mag-click para makita kung ano ang hindi pinapayagan ng YouTube!” at may link papunta sa isang pornographic na site.
  • Paglalarawan ng isang video ng gameplay na naglalaman ng link na nangangako ng in-game na currency o online na credit sa store pero nagli-link sa isang site na nakakapinsala sa computer ng user gamit ang malware.
  • Pag-post ng link papunta sa isang phishing site na nagnanakaw sa mga impormasyon at password sa pagbabangko ng mga user.
  • Pagtuturo sa mga manonood na kopyahin at i-paste ang isang hindi maki-click na link sa video na magdadala sa kanila sa isang pornographic o ma-spam na site.
  • Anumang link na nagdadala ng mga user sa isang website, serbisyo ng pag-host ng file, o iba pang source na nagbibigay-daan sa kanila na i-access at i-download ang koleksyon ng imahe ng pang-aabusong sekswal sa kabataan.
  • Pasalitang pagdirekta ng mga manonood sa isang website para hanapin ang isang profile o page sa ibang platform para makapanood sila ng content na lumalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube.
  • Pag-embed ng url sa isang video ng isang site na nanlilinlang sa mga botante tungkol sa oras, lugar, mga paraan, o mga requirement sa pagiging kwalipikado para sa pagboto.
  • Isang link sa isang artikulong nagsasabing bahagi ng layunin sa pagpapababa ng populasyon ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Tandaang hindi kumpleto ang listahang ito. Kung sa tingin mo ay posibleng labag sa patakarang ito ang content, huwag itong i-post.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.

Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3057458033001645744
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false