Kung in-on mo ang Mga Membership para sa iyong channel, puwede kang magkaroon ng iba't ibang members-only na perk para sa mga miyembro ng channel mo. Puwedeng kasama sa mga perk na ito ang custom na emoji, mga badge, at mga members-only na video.
Puwedeng magkaroon ang iyong programa sa mga channel membership ng iba't ibang level ng presyo at puwede nitong bigyan ang mga miyembro ng mga perk para sa bawat level. Pero, kung mayroon kang mahigit isang level, nagpapatong-patong ang mga perk ng bawat level. Nangangahulgan itong awtomatikong makukuha ng mga level na may pinakamataas na presyo ang mga perk na ibinibigay sa mga level na may mas mababang presyo. Puwede kang gumawa ng hanggang 6 na magkakaibang level ng membership at may 1 hanggang 5 perk dapat ang bawat level. Bilang paalala, sumusunod dapat sa aming mga patakaran sa channel membership ang lahat ng perk na gagawin mong available sa iyong mga miyembro.
Kapag nagawa mo na ang mga level at perk ng iyong mga membership, magagawa mong:
- I-promote ang iyong programa sa mga membership
- Suriin at pamahalaan ang iyong programa sa mga membership
Mga level ng channel membership
Puwede kang gumawa ng hanggang 6 na level ng membership, na may iba't ibang presyo. Kung mayroon kang mahigit isang level, tandaang isasama sa mga level na may mas mataas na presyo ang lahat ng perk mula sa mga level na may mas mababang presyo. Tingnan ang babayaran ng mga miyembro sa iba pang bansa/rehiyon, na nakadepende sa presyong sisingilin mo para sa mga level ng membership.
Magdagdag ng level ng membership
Magdagdag ng mga level ng membership
- Sa isang computer, pumunta sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Kumita.
- I-click ang tab na Mga Membership.
- Sa box na may nakasaad na “Hakbang 1: Magdagdag ng mga level at perk,” i-click ang I-edit.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen. Kapag natapos na, i-click ang I-publish.
Sinusuri namin ang iyong mga level at perk ayon sa aming mga patakaran sa channel membership bago maging live ang mga ito. Inaabot nang humigit-kumulang isang araw ang prosesong ito.
Mag-alis ng level ng membership
Mag-alis ng level
- Sa isang computer, pumunta sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Kumita.
- I-click ang tab na Mga Membership.
- Sa box na may nakasaad na “Hakbang 1: Magdagdag ng mga level at perk,” i-click ang I-edit.
- I-click ang level na gusto mong alisin i-click ang I-delete .
- Sundin ang mga natitirang tagubilin sa screen. Kapag natapos na, i-click ang I-publish.
Mga perk ng channel membership
Gumawa at mag-publish ng kahit isang perk (at hanggang limang perk) na ibibigay mo sa iyong mga miyembro. Dapat mong i-deliver ang mga perk na ito sa iyong mga miyembro, kaya isaalang-alang kung made-deliver mo ang mga perk sa iyong mga miyembro at masisiyahan sila rito.
Sumusunod dapat ang mga iyong mga perk sa aming mga patakaran at tuntunin. Walang responsibilidad ang YouTube sa iyong mga perk ng creator.
Puwede mong isama ang mga ganitong uri ng members-only na perk sa mga miyembro ng iyong channel:
- Mga custom o default na badge ng channel
- Mga post sa Komunidad
- Custom na emoji
- Mga video na para muna sa mga miyembro
- Live chat
- Mga live stream
- Mga chat tungkol sa milestone ng miyembro
- Shelf ng pagkilala sa miyembro
- Mga Short
- Mga Video
- Bago
- 1 buwan
- 2 buwan
- 6 na buwan
- 1 taon
- 2 taon
- 3 taon
- 4 na taon
- 5 taon
Puwede mong gamitin ang mga default na badge sa YouTube o puwede kang mag-upload ng mga custom na badge para sa iyong channel. Puwede mo ring gawing magkahalo ang mga ito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga custom na badge para sa ilang tagal at ng mga default na badge para sa iba pa.
Tandaan: Makukuha ng lahat ng miyembro ang parehong badge batay sa katapatan.
Mag-upload ng mga custom na badge ng channel
Puwede mong gamitin ang mga default na badge sa YouTube o puwede kang mag-upload ng mga custom na badge para sa iyong channel. Puwede mo ring gawing magkahalo ang mga ito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga custom na badge para sa ilang tagal at ng mga default na badge para sa iba pa.
Kapag nag-upload ka ng mga custom na badge, dapat mong punan ang bawat slot ng ibang badge, pero kung hindi mo ito gagawin, pupunan ang mga blangkong slot ng:
- Pinakamataas na custom na badge na ia-upload mo, o
- Default na badge sa YouTube para sa tagal na iyon
Para i-upload at i-customize ang mga badge ng iyong channel:
- Gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube Studio.
- Pumunta sa Kumita Mga Membership Mga Loyalty Badge.
Mga detalye para sa mga badge ng channel
Format ng file: Mga JPEG o PNG file.
Laki ng file: Wala pang 1 MB.
Mga dimensyon ng larawan: Minimum na 32px x 32px.
Nagre-render ang mga badge sa 14px x 14px sa mga komento at sa tab na Komunidad. Sa live chat, nagre-render ang mga badge sa 16px x 16px.
- I-click ang iyong larawan sa profile .
- I-click ang Tingnan ang iyong channel.
- I-click ang tab na Komunidad.
- Sa menu na “Visibility,” piliin kung gagawing pampubliko, members-only, o para sa mga miyembro sa ilang partikular na level ang post. Pampubliko ang default na setting.
- Ilagay ang mga detalye para sa iyong post.
- I-click ang I-post.
Family Name
Kapag in-upload mo ang iyong unang emoji, gagawa ka ng prefix na pangalan para sa lahat ng emoji mo, na tinatawag na 'family name.' Gagamitin ng mga miyembro ng iyong channel ang pangalang ito para i-autocomplete ang emoji mo. Puwede mo ring i-autocomplete ang mga emoji ng iyong channel gamit ang :_ .
Ang mga apelyido ay hindi natatangi sa buong YouTube at dapat na may 3-10 character. Bilang pinakamahuhusay na kagawian, inirerekomenda namin ang pagpili ng apelyido na madaling matutukoy bilang brand mo.
Pangalan ng Emoji
Magkakaroon ang bawat emoji ng pangalang magagamit ng mga miyembro para i-autocomplete sa live chat. Para palitan ang pangalan ng emoji, dapat mong i-delete at i-upload ulit ang emoji. May 3-10 alphanumeric character dapat ang mga pangalan ng emoji at natatangi dapat ang mga ito sa grupo ng emoji ng mga ito (pero hindi sa buong YouTube).
Bilang ng custom na emoji na puwede mong i-upload
# ng mga Miyembro | # ng Emoji |
0 | 4 |
2 | 5 |
5 | 6 |
10 | 7 |
15 | 8 |
20 | 9 |
30 | 10 |
40 | 11 |
50 | 12 |
75 | 13 |
100 | 14 |
125 | 15 |
150 | 16 |
175 | 17 |
200 | 18 |
225 | 19 |
250 | 20 |
300 | 21 |
350 | 22 |
400 | 23 |
450 | 24 |
500 | 25 |
600 | 26 |
700 | 27 |
800 | 28 |
900 | 29 |
1000 | 30 |
1200 | 31 |
1400 | 32 |
1600 | 33 |
1800 | 34 |
2000 | 35 |
2200 | 36 |
2400 | 37 |
2600 | 38 |
2800 | 39 |
3000 | 40 |
3200 | 41 |
3400 | 42 |
3600 | 43 |
3800 | 44 |
4000 | 45 |
4200 | 46 |
4400 | 47 |
4600 | 48 |
4800 | 49 |
5000+ | 54 |
Mga detalye ng custom na emoji
- Tandaan: Ipapakita ang mga GIF bilang static na larawan at hindi animation.
Mga pagkakaiba sa device
- Sa mga channel na nag-publish ng hindi bababa sa isang video na maagang maa-access at isang video na pampubliko lang sa pagitan ng Enero at Pebrero 2023.
Magtakda ng bagong upload bilang members-only na magiging pampubliko
- Mag-upload ng video.
- Para sa Visibility, piliin ang Members-only na ginawang pampubliko.
- Kung mayroon kang higit sa isang level, piliin ang mga level kung saan mo gustong makita ang iyong video.
- Piliin ang petsa at oras kung kailan isasapubliko ang video.
I-promote ang iyong members-only video
Puwedeng lumabas sa Home feed at feed ng mga subscription ng mga miyembro ang mga video na members-only. Puwede ring maghanap ng mga video ang mga miyembro sa mga tab na content at komunidad sa page ng channel mo. Para maipaalam sa lahat ng iyong mga manonood na available ang isang video, puwede mong i-share ang URL sa publiko sa:
- Mga Card
- Pampublikong komunidad
- Mga Playlist
Puwedeng agad na panoorin ng iyong mga miyembro ang members-only na video, kung nasa (mga) tamang level sila. Makakakita ang mga hindi miyembro ng mensaheng nagsasabing available lang ito sa mga miyembro, at ipapakita sa kanila ang mga paraan para maging miyembro.
- Gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube Studio.
- I-click ang GUMAWA.
- Piliin ang Mag-live .
- Mula sa kaliwa, i-click ang Stream.
- Gumawa ng stream:
- Para kumopya ng nakaraang stream: Pumili ng nakaraang stream at i-click ang Gamitin ulit ang mga setting.
- Para gumawa ng bagong stream: Ilagay ang impormasyon ng iyong bagong stream at i-click ang Gumawa ng stream.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting .
- Sa ilalim ng "Live chat," piliin ang I-enable ang members-only na chat.
- I-click ang I-save.
Puwede kang eksklusibong mag-share ng mga live stream sa mga miyembro ng iyong channel.
Mula sa isang computer:
- Sa isang computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
- I-click ang GUMAWA .
- I-click ang Mag-live .
- Sundin ang mga hakbang para gumawa ng live stream.
- Sa mga setting ng Visibility, puwede mong piliin kung sinong mga miyembro ng channel ang makakapanood ng live stream:
- Para payagan ang lahat ng miyembro na manood ng live stream, piliin ang “Lahat ng nagbabayad na miyembro.”
- Para payagan ang ilang partikular na level na manood ng live stream, piliin ang level (at mas mataas pa) na dapat payagang makapanood.
- Para gumawa ng members-only na post sa Komunidad na nagli-link sa live stream, sundin ang mga tagubilin sa screen. Kung in-on ng iyong mga miyembro ang kanilang mga notification, sasabihan sila kapag gumawa ka ng bagong members-only na live stream.
Sa mobile device:
- Sa iyong mobile device, buksan ang YouTube app.
- Sa ibaba, i-tap ang Gumawa .
- I-tap ang Mag-live.
- I-tap ang Higit pang Opsyon.
- I-tap ang Magpakita pa.
- Sa mga setting ng visibility, piliin ang Members-only at piliin kung aling mga miyembro ng channel ang puwedeng manood ng iyong live stream:
- Para payagan ang lahat ng miyembro na manood ng live stream, piliin ang “Lahat ng nagbabayad na miyembro.”
- Para payagan ang ilang partikular na level na manood ng live stream, piliin ang level (at mas mataas pa) na dapat payagang makapanood.
- I-tap ang Susunod.
- I-tap ang Mag-live.
- Mag-sign in sa YouTube Studio Kumita.
- Piliin ang Mga Membership Itakda ang ‘Chat tungkol sa Milestone ng Miyembro’ sa ‘Naka-off.’
Para pampublikong kilalanin ang mga miyembro ng iyong channel, puwede mong itampok ang kanilang mga avatar sa isang shelf sa itaas ng page ng iyong channel. Ang shelf na ito ay isang paraan para mapasalamatan mo sa publiko ang mga miyembro ng iyong channel at ipakita sa iba kung gaano mo pinapahalagahan ang iyong mga miyembro. Random na pipiliin ang mga itinatampok na miyembro at madalas na magbabago para mabigyan ang iba pang miyembro ng pagkakataong maipakita. Palaging makikita ng mga miyembro na tumitingin sa page ng iyong channel ang kanilang avatar sa shelf. Kung kakanselahin ng isang miyembro ang kanyang membership, hindi na siya itatampok sa shelf.
Kapag may 8 o higit pang miyembro ang iyong channel, awtomatikong mao-on ang feature na ito. Kung ayaw mong lumabas ang shelf ng pagkilala sa miyembro, puwede mong i-off ang feature na ito. Para i-off ang shelf ng pagkilala sa miyembro:
Para i-off ang shelf ng pagkilala sa miyembro:
- Gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube Studio.
- Pumunta sa Kumita Mga Membership.
- I-off ang “Shelf ng Pagkilala sa Miyembro.”
Magtakda ng bagong upload bilang members-only
- Pumili ng file ng maikling video:
- Hanggang 60 segundo.
- May kuwadrado o patayong aspect ratio.
- Para sa visibility, piliin ang Members-only.
- Kumpletuhin ang natitirang proseso ng pag-upload.
Magtakda ng kasalukuyang Short bilang members-only
- Gumamit ng computer para pumunta sa YouTube Studio o buksan ang YouTube Studio mobile app .
- Piliin ang Content.
- Hanapin ang Short na gusto mong itakda bilang members-only.
- Piliin ang I-edit Visibility Piliin ang Mga miyembro lang I-save.
Ang members-only na Shorts, gaya ng lahat ng members-only na video, ay dapat ganap na orhinal na content, at hindi puwedeng maglaman ng musikang pagmamay-ari ng mga third party, kasama ang musika mula sa music library ng Shorts.
Makakakita ang iyong mga miyembro ng mga members-only na Short sa kanilang feed ng Shorts at Home feed, at sa Panoorin ang Susunod. Hindi nagti-trigger ng notification ang mga members-only na Short para sa mga miyembro ng iyong channel.
Magtakda ng bagong upload bilang members-only
- Mag-upload ng video.
- Para sa Visibility, piliin ang Mga Miyembro lang.
- Kung mayroon kang higit sa isang level, piliin ang mga level na makakapanood ng iyong video.
- Kumpletuhin ang natitirang proseso ng pag-upload.
Magtakda ng kasalukuyang video bilang members-only
- Gumamit ng computer para pumunta sa YouTube Studio o buksan ang YouTube Studio mobile app .
- Piliin ang Content.
- Hanapin ang video na gusto mong itakda bilang members-only.
- Piliin ang I-edit Visibility Piliin ang Mga miyembro lang I-save.
- Kung mayroon kang higit sa isang level, piliin ang mga level na makakapanood ng iyong video.
I-promote ang iyong mga members-only na video
Makakakita ang iyong mga miyembro ng mga members-only na video sa mga tab na Mga Membership, Content, at Komunidad. Posible ring lumabas ang mga video na ito sa Home at subscriptions feed ng mga miyembro.
Posible ring lumabas sa mga manonood na nagrekomenda sa iyong content, pero hindi mga miyembro na mga pangmiyembro lang na video sa kanilang Home feed. Makakatulong ang pagpapakita ng mga pangmiyembro lang na video sa mga non-member na matuklasan nila ang mga programa ng channel membership kung saan puwede silang maging interesado sa pag-sign up. Matitingnan ng mga hindi miyembro ang thumbnail at pamagat ng video, pero hindi mapapanood ang members-only na video maliban na lang kung mag-sign up sila.
Para ipaalam sa iyong mga manonood na available ang isang video, puwede mong i-share sa publiko ang URL sa:
- Mga Card
- Pampublikong komunidad
- Mga Playlist
Puwedeng panoorin kaagad ng mga miyembrong nasa mga tamang level ang members-only na video. Makakatanggap ang mga hindi miyembro ng abiso na nagsasaad na available lang ang video sa mga miyembro, at may ipapakita sa kanilang mga paraan para maging miyembro.