Mga madalas itanong tungkol sa patas na paggamit

Ang patas na paggamit ay isang legal na doktrinang nagsasaad na puwede mong gamitin ulit ang materyal na pinoprotektahan ng copyright sa ilalim ng ilang partikular na sitwasyon nang hindi humihingi ng pahintulot mula sa may-ari ng copyright.

Walang anumang partikular na salita para awtomatikong ilapat ang patas na paggamit. Kapag ginamit mo ang naka-copyright na akda ng ibang tao, hindi garantisadong mapoprotektahan ka sa ilalim ng patas na paggamit.

Patas na Paggamit - Copyright sa YouTube

 

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

 

Mga karaniwang tanong tungkol sa patas na paggamit

Paano gumagana ang patas na paggamit?
Sa United States, sinusuri ng hukom ang isang partikular na kaso batay sa hanay ng mga prinsipyo para mapagpasyahan kung naaangkop ang patas na paggamit. May magkakaibang panuntunan ang iba't ibang bansa/rehiyon tungkol sa kung kailan puwedeng gamitin ang materyal nang walang pahintulot ng may-ari ng copyright. Halimbawa, sa United States, ang mga akdang komentaryo, kritisismo, pananaliksik, pagtuturo o pagbabalita ay posibleng ituring na patas na paggamit. May mga kaparehong ideya ang ilang bansa na tinatawag na fair dealing na baka iba ang proseso.
Ano ang bumubuo sa patas na paggamit?

1. Ang layunin at katangian ng paggamit, kabilang na kung ang nasabing paggamit ay pangkomersyal o para sa mga non-profit na layunin sa pag-aaral

Karaniwang nakatuon ang mga hukuman sa kung ang paggamit ay “nakakapagpabago.” Iyon ay kung nakakapagdagdag ito ng bagong expression o kahulugan sa orihinal, o kung kinokopya lang nito ang orihinal. Mas malamang na hindi maituring na patas ang mga komersyal na paggamit, pero posibleng i-monetize ang video at maging patas na paggamit pa rin ito.

2. Ang katangian ng may copyright na gawa

Mas malamang na maituring na patas ang paggamit ng materyal mula sa mga makatotohanang gawa kaysa sa paggamit ng mga ganap na kathang-isip na gawa.

3. Ang halaga at kahalagahan ng bahaging ginamit kaugnay sa naka-copyright na likha sa kabuuan

Mas malamang na maituring na patas na paggamit ang panghihiram ng maliliit na bahagi ng materyal sa isang orihinal na gawa kaysa sa panghihiram ng malalaking bahagi. Gayunpaman, kung ito ang “puso” ng akda, kahit ang maliit na bahagi ay hindi maituturing na patas na paggamit sa ilang sitwasyon.

4. Ang epekto ng paggamit sa potensyal na market, o halaga, ng naka-copyright na gawa

Malamang na maging hindi patas na paggamit ang mga paggamit na nakakasama sa kakayahang kumita ng may-ari ng copyright mula sa kanyang orihinal na gawa. Minsan nang gumawa ng pagbubukod ang mga hukuman sa ilalim ng salik na ito sa mga kasong may kinalaman sa mga parody.

Kailan naaangkop ang patas na paggamit?
Hindi awtomatikong nagiging patas na paggamit ang pag-credit sa may-ari ng copyright, pag-post ng disclaimer gaya ng "walang nilalayong paglabag," o pagdaragdag ng orihinal na content sa content ng ibang tao. Malamang na hindi maituring na mga patas na paggamit ang mga paggamit na sinusubukang palitan ang orihinal na gawa sa halip na magbigay ng komento o pagpuna tungkol dito.
Paano gumagana ang Content ID sa patas na paggamit?

Kung mag-a-upload ka ng video na naglalaman ng naka-copyright na content nang walang pahintulot ng may-ari ng copyright, puwede kang makatanggap ng claim sa Content ID. Pipigilan ka ng claim na i-monetize ang video, kahit na gumamit ka lang ng ilang segundo, gaya ng maikling paggamit ng mga popular na kanta.

Hindi matutukoy ng mga naka-automate na system gaya ng Content ID ang patas na paggamit dahil ito ay isang subjective, nakabatay sa sitwasyong pagpapasya na magagawa lang ng mga hukuman. Bagama't hindi kami makapagpasya kung ano ang patas na paggamit o makapamagitan sa mga hindi pagkakaunawaan sa copyright, mananatili pa rin ang patas na paggamit sa YouTube. Kung naniniwala kang napapabilang ang iyong video sa ilalim ng patas na paggamit, puwede mong ipaglaban ang iyong posisyon sa pamamagitan ngproseso ng pag-dispute ng Content ID. Dapat sineseryoso ang pagpapasyang ito. Minsan, posibleng kailanganin mong ihain ang hindi pagkakaunawaang iyon sa pamamagitan ng apela at ng proseso ng sagot sa notification (counter notification) ng DMCA.

Kung tatangkain mo at ng naghahabol na i-monetize ang isang video na sumasailalim sa pag-dispute, puwede pa ring kumita ang video hanggang sa malutas ang hindi pagkakaunawaan. Pagkatapos, ibabayad namin ang kabuuang kita sa nararapat na partido.  

Mga opsyong magagawa mo para lutasin ang mga claim sa labas ng proseso ng pag-dispute

Ang pinakamadaling paraan para malutas ang mga claim sa Content ID ay ang pag-iwas sa mga ito sa simula pa lang. Huwag gumamit  ng naka-copyright na materyal maliban na lang kung kinakailangan ito sa iyong video. Tingnan ang Audio Library ng YouTube para sa musikang libreng gamitin sa iyong mga video. Kung pipiliin mong kumuha ng musika mula sa iba royalty-free o naglilisensyang site, tiyaking basahin nang mabuti ang mga tuntunin at kundisyon. Puwedeng hindi nagbibigay ang ilan sa mga serbisyong ito ng mga karapatang gamitin o i-monetize ang musika sa YouTube, kaya puwede ka pa ring makatanggap ng claim sa Content ID.

Kung makakatanggap ka ng claim sa Content ID para sa musikang hindi naman kailangan sa iyong video, subukang alisin ito o palitan ito ng mga track mula sa Audio Library na may pahintulot na magamit. Palagi ka ring may opsyong mag-upload ng ganap na bagong pag-edit ng video nang wala ang na-claim na content sa isang bagong URL.

Mapoprotektahan ba ako ng patas na paggamit kung...

Naglagay ako ng credit sa may-ari ng copyright?

Ang pagiging nakakapagpabago ay karaniwang susi sa pagsusuri ng patas na paggamit. Hindi awtomatikong nagiging patas ang paggamit sa isang hindi nakakapagpabagong kopya ng materyal ng may-ari ng isang naka-copyright na gawa kapag nagbigay ng credit sa kanya. Ang mga pariralang “sa may-ari ang lahat ng karapatan” at “hindi ako ang magmamay-ari” ay hindi awtomatikong nangangahulugan na patas mong ginagamit ang materyal na iyon. Hindi rin nangangahulugan ang mga ito na pinapahintulutan ka ng may-ari ng copyright.

Nag-post ako ng disclaimer sa aking video?
Walang anumang partikular na salitang maggagarantiya na mapoprotektahan ka ng patas na paggamit kapag gumamit ka ng naka-copyright na materyal na hindi mo pagmamay-ari. Ang totoo, hindi ka awtomatikong mapoprotektahan laban sa isang claim ng paglabag sa copyright kung ilalagay mo ang pariralang “walang nilalayong paglabag.”
Gumagamit ako ng content para sa mga layunin ng "entertainment" o "non-profit"?

Susuriing mabuti ng mga hukuman ang layunin ng iyong paggamit sa pamamagitan ng pagsusuri kung ito ay patas. Halimbawa, hindi sapat ang pagpapahayag ng “para lang sa entertainment,” sa iyong pag-upload para masukat kung patas itong paggamit o hindi. Pinapaboran ang mga paggamit na “non-profit” kapag nagsusuri para sa patas na paggamit, pero hindi ito tumatayo bilang tanging awtomatikong depensa.

Nagdagdag ako ng orihinal na materyal na ginawa ko sa may copyright na gawa ng ibang tao?
Kahit pa nagdagdag ka ng anuman sa content ng ibang tao, puwedeng hindi pa rin maituring bilang patas ang iyong paggamit. Kung hindi nagdaragdag ng bagong expression, kahulugan o mensahe sa orihinal ang iyong ginawa, malamang na hindi ito maituring na patas na paggamit. Tulad sa lahat ng iba pang kasong tinalakay rito, isasaalang-alang ng mga hukuman ang lahat ng apat na pamantayan ng pagsusuri sa patas na paggamit, kabilang ang dami ng orihinal na ginamit.
Nasa labas ako ng US?
Bagama't madalas na magkakapareho ang mga panuntunan tungkol sa mga exception sa copyright sa buong mundo, puwedeng magkakaiba ang mga ito. Posibleng may magkakaibang panuntunan ang iba't ibang bansa at rehiyon tungkol sa kung kailan puwedeng gumamit ng materyal na pinoprotektahan ng copyright nang walang pahintulot mula sa may-ari ng copyright.
Pinagpapasyahan ng mga hukuman ang mga kaso ng patas na paggamit ayon sa impormasyon ng bawat kaso. Puwede kang humingi ng legal na payo mula sa isang eksperto bago mag-upload ng mga video na gumagamit ng materyal na pinoprotektahan ng copyright.

Higit pang impormasyon

Kung gusto mong matuto pa tungkol sa patas na paggamit, maraming available na resource online. Ang mga sumusunod na site ay para lang sa layuning makapagbigay ng kaalaman at hindi ineendorso ng YouTube ang mga ito:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9741624512334670776
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false