Gumawa at mamahala ng mga playlist

Ang playlist ay isang koleksyon ng mga video. Makakagawa ng mga playlist ang kahit na sino, mashe-share niya ang mga ito, at makapagdaragdag ang mga kaibigan ng mga video sa playlist mo.

Puwede kang pumunta sa tab na Page Ko para tingnan ang lahat ng iyong playlist. Puwede mo ring pamahalaan ang iyong mga playlist sa YouTube Studio.

Kung "para sa bata" ang audience ng isang video o channel at nasa homepage ka, hindi mo ito maidaragdag sa isang playlist. Puwede ka pa ring magdagdag sa mga playlist ng content mula sa mga resulta ng paghahanap.

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Para makita ang iyong mga playlist, pumunta sa gabay at i-click ang Page Ko.

Create and manage a YouTube playlist on your desktop

Gumawa ng playlist mula sa isang video o Short

Para gumawa ng playlist mula sa isang video:

  1. Pumunta sa page sa panonood ng video na gusto mong isama sa playlist.
  2. I-click ang Higit pa at pagkatapos ay  I-save at pagkatapos ay Gumawa ng bagong playlist at pagkatapos ay Maglagay ng pangalan para sa playlist.
  3. Gamitin ang kahon para piliin ang setting ng privacy ng iyong playlist. Kung pribado ito, ikaw lang ang makakatingin sa playlist.
  4. I-click ang Gumawa.

Para gumawa ng playlist mula sa isang Short:

  1. Pumunta sa page sa panonood ng Short na gusto mong isama sa playlist.
  2. I-click ang Higit pa ''at pagkatapos ay  I-save at pagkatapos ay Gumawa ng bagong playlist at pagkatapos ay Maglagay ng pangalan para sa playlist.
  3. Gamitin ang kahon para piliin ang setting ng privacy ng iyong playlist. Kung pribado ito, ikaw lang ang makakatingin sa playlist.
  4. I-click ang Gumawa.

Mamahala ng playlist

Mag-save ng content sa playlist

  1. Pumunta sa page sa panonood ng video o Short na gusto mong isama sa playlist.
  2. I-click ang Higit pa at pagkatapos ay I-save at pagkatapos ay Pumili ng playlist gaya ng Panoorin sa Ibang Pagkakataon, o playlist na nagawa mo na.
  3. May magpa-pop up na mensahe sa ibaba ng iyong screen na nagkukumpirma sa kung aling playlist naidagdag ang video.

Mag-edit ng playlist

  1.  Piliin ang playlist na gusto mong i-edit sa Gabay.
  2. I-click ang I-edit  sa tabi ng seksyong gusto mong baguhin.

Mag-filter ng playlist ayon sa uri ng video

  1. Piliin ang playlist na gusto mong i-edit sa Gabay.
  2. Piliin ang chip na may uri ng content na gusto mong matingnan sa iyong playlist:
    1. Lahat: Ipinapakita ang lahat ng content na naka-save sa playlist.
    2. Mga Short: Ipinapakita ang Mga Short na naka-save sa playlist. Available lang sa mga computer ang feature na ito. 
    3. Mga Video: Ipinapakita ang mga long-form video na naka-save sa playlist.

Baguhin ang ayos ng playlist

  • Para baguhin ang ayos ng mga video: Buksan ang playlist at pagkatapos ay Mag-drag ng video pataas o pababa sa playlist.
  • Para pansamantalang baguhin ang ayos ng mga video: Sa panel ng playlist ng page sa panonood, mag-drag ng video pataas o pababa sa playlist.

Tandaan: Hindi available ang feature na ito para sa mga playlist na naglalaman lang ng YouTube Shorts. 

 

Mag-delete ng playlist

  1. Pumunta sa isa sa iyong mga playlist.
  2. I-click ang Higit pa ''.
  3. Piliin ang I-delete ang playlist .
  4. Kumpirmahing gusto mong i-delete ang iyong playlist sa pamamagitan ng pagpili sa I-delete.
Tandaan: Puwedeng patuloy na manatili ang luma mong playlist sa mga history ng panonood ng mga manonood.

Pagkatapos mong mag-delete ng playlist, hindi na makikita o mahahanap sa YouTube Analytics ang URL at pamagat ng playlist. Ang data na nauugnay sa playlist, gaya ng Haba ng panonood, ay magiging bahagi pa rin ng mga mas malawak na ulat, pero hindi ito iuugnay sa na-delete na playlist.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4479827324517755279
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false