Tingnan o i-delete ang iyong history ng paghahanap sa YouTube

Makikita mo ang iyong history ng paghahanap sa YouTube mula sa page na Aking Aktibidad. Mula roon, magagawa mong:

  • Tingnan ang iyong history ng paghahanap
  • Hanapin ang iyong history ng paghahanap para maghanap ng partikular na video
  • I-clear ang iyong buong history ng paghahanap
  • Mag-alis ng mga indibidwal na paghahanap sa mga suhestyon sa paghahanap
  • I-pause ang iyong history ng paghahanap
Tandaan: Para tingnan o i-delete ang kamakailan mong pinanood sa YouTube, tingnan ang Aking Aktibidad.

Ilang paalalang dapat isaalang-alang:

  • Hindi na makakaimpluwensya sa iyong mga rekomendasyon ang mga entry sa paghahanap na ide-delete mo.
  • Kapag na-clear na ang iyong history ng paghahanap, hindi na lalabas ang mga nakaraan mong paghahanap bilang mga suhestyon sa box para sa paghahanap.
  • Hindi mase-save sa iyong history ng paghahanap ang mga paghahanap na ilalagay mo habang naka-pause ang iyong history ng paghahanap.

Kung may inalis kang anumang video sa iyong history ng panonood habang naka-offline ang device mo, puwedeng abutin nang ilang oras bago ma-sync ang mga pagbabagong iyon.

Mag-delete ng mga indibidwal na paghahanap

Pumunta sa Aking Aktibidad at pagkatapos ay Sa tabi ng paghahanap na gusto mong i-delete, i-click ang I-delete .

I-clear ang iyong history ng paghahanap

Pumunta sa Aking Aktibidad at pagkatapos ay I-click ang Mag-delete ng aktibidad ayon sa… at pagkatapos ay Piliin ang timeframe ng aktibidad na gusto mong i-delete at pagkatapos ay I-click ang I-delete sa kanang bahagi sa ibaba ng pop up.

I-pause ang iyong history ng paghahanap

I-click ang Aktibidad sa pag-save  at pagkatapos ay i-click ang button na I-on/I-off para i-off ito. Pipigilan ng opsyong ito na ma-save kung ano ang pinapanood at hinahanap mo, hanggang sa i-enable ulit ang history ng paghahanap at panonood.

Awtomatikong i-delete ang iyong history ng paghahanap at panonood

Puwede mong piliing awtomatikong i-delete ang iyong history ng paghahanap at panonood sa YouTube pagkatapos ng partikular na panahon.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Account mo.
  2. Sa panel sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa ilalim ng "Mga Setting ng History," i-click ang History sa YouTube.
  4. I-click ang timeframe sa awtomatikong pag-delete na gusto mo at pagkatapos ay Susunod at pagkatapos ay OK sa kanang bahagi sa ibaba ng pop-up para i-save ang iyong napiling aktibidad sa awtomatikong pag-delete.

TV, game console, o media streaming box

I-pause ang iyong history ng paghahanap

  1. Sa kaliwang menu, pumunta sa Mga Setting .
  2. Piliin ang I-pause ang history ng paghahanap.
  3. Piliin ang button na I-pause ang history ng paghahanap.

I-clear ang iyong history ng paghahanap

  1. Sa kaliwang Menu, pumunta sa Mga Setting .
  2. Piliin ang I-clear ang history ng paghahanap.
  3. Piliin ang button na I-clear ang history ng paghahanap.

Tingnan ang iba pa naming artikulo para sa higit pang impormasyon tungkol sa history ng panonood, pag-aalis ng inirerekomendang content, at pagpapahusay sa iyong mga rekomendasyon.

Maghanap sa Incognito Mode

Kung nagba-browse ka sa incognito mode, hindi mase-save ang iyong history ng paghahanap. Matuto pa tungkol sa Incognito Mode.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17943587187084267518
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false