Kapag nakakita ka ng o na check mark ng pag-verify sa tabi ng pangalan ng channel sa YouTube, nangangahulugan itong na-verify ng YouTube ang channel na iyon.
Mag-apply para sa pag-verify ng channel
Puwede kang magsumite ng kahilingan para sa pag-verify ng channel kapag mayroon ka nang 100,000 subscriber. Mukhang hindi pa kwalipikado ang iyong channel.
Tiyaking naka-sign in ka sa email address para sa kwalipikadong channel. I-click ang iyong larawan sa profile sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang account na iyon.
Para makita kung kwalipikado ang iyong channel para humiling ng pag-verify, i-click ang Mag-sign in sa kanang bahagi sa itaas.
Hindi namin ive-verify ang mga channel na sumusubok na magpanggap bilang ibang creator o brand. Kung mapag-aalaman naming may isang channel na sinasadyang magpanggap bilang ibang tao, posible kaming magsagawa ng higit pang pagkilos.
Tungkol sa mga na-verify na channel
Kung na-verify ang isang channel, ito ang opisyal na channel ng creator, artist, kumpanya, o public figure. Nakakatulong ang mga na-verify na channel para matukoy ang mga opisyal na channel mula sa iba pang channel na may mga katulad na pangalan sa YouTube.
Tandaan:
- Hindi nakakakuha ang mga na-verify na channel ng mga karagdagang feature sa YouTube. Hindi rin kinakatawan ng mga ito ang mga award, milestone, o pag-endorso mula sa YouTube. Para sa impormasyon tungkol sa mga award, matuto pa tungkol sa programang Mga Award ng Creator ng YouTube.
- Kung na-verify ang iyong channel, mananatili itong na-verify maliban kung palitan mo ang pangalan ng channel mo. Kung papalitan mo ang pangalan ng channel mo, hindi mave-verify ang na-rename na channel, at kakailanganin mong mag-apply ulit.
- Hindi maaalis ng pagpapalit sa handle ng channel mo ang iyong badge na na-verify.
- Nakalaan sa YouTube ang karapatang bawiin ang pag-verify o wakasan ang mga channel na lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad o sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube.
- Nagbago ang pag-verify sa paglipas ng panahon, kaya posible kang makakita ng maraming uri ng mga channel na may pag-verify sa YouTube.
Pagiging kwalipikado sa na-verify na channel
Para maging kwalipikado para sa pag-verify, dapat makaabot ang iyong channel ng 100,000 subscriber.
Pagkatapos mong mag-apply, susuriin namin ang iyong channel. Vine-verify namin ang mga channel na:
- Tunay: Dapat katawanin ng iyong channel ang totoong creator, brand, o entity na kini-claim nito. Susuriin namin ang iba't ibang salik para makatulong na i-verify ang iyong pagkakakilanlan, gaya ng edad ng channel mo. Puwede rin kaming humingi ng higit pang impormasyon o dokumentasyon.
- Kumpleto: Dapat ay pampubliko ang iyong channel at mayroon itong channel banner, paglalarawan, at larawan sa profile. Ang channel ay kailangang may content din at aktibo sa YouTube.
Paminsan-minsan, posible ring proactive na i-verify ng YouTube ang mga channel na wala pang 100,000 ang subscriber na kilala sa labas ng YouTube.
Tukuyin ang iyong channel nang walang pag-verify
Kung hindi na-verify ang iyong channel, narito ang ilang ibang paraan para matukoy ang iyong channel mula sa mga katulad na channel:
- Gumamit ng natatanging pangalan ng channel o handle na kumakatawan sa kung sino ka at sa uri ng content na ipa-publish mo.
- Gumamit ng larawang may mataas na kalidad para sa iyong larawan sa profile para magmukhang propesyonal ang channel mo sa mga resulta ng paghahanap.
- I-customize ang layout at pag-brand ng iyong channel para magkaroon ng naka-personalize na hitsura at dating ang homepage ng channel mo.