Nauunawaan naming may mga tanong ang mga magulang at tagapag-alaga kung minsan tungkol sa gawi at kapakanan ng teenager online. Nangalap kami ng ilang tool at resource para matulungan kang pamahalaan ang kanyang experience sa YouTube.
Mga resource para sa mga magulang
Para suportahan ang mga magulang at pamilya, gumawa kami ng Pampamilyang Gabay sa paggawa ng content ng teenager sa pakikipagtulungan sa Common Sense Networks, isang affiliate ng Common Sense Media.
Para sa mga mabilisang tip at payo, tingnan ang Mga Tip para sa Mga Magulang na ito o panoorin ang mga video na ito mula sa aming Pampamilyang Gabay:
- Pampamilyang Gabay: Kaligtasan
- Pampamilyang Gabay: Maging Kakampi
- Pampamilyang Gabay: Pagkamamamayan
- Pampamilyang Gabay: Kapakanan
Puwede mo ring i-share ang mga resource na ito sa iyong teenager para matulungan siyang magsimula:
- Ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, na binabalangkas kung anong content at gawi ang katanggap-tanggap sa YouTube
- Mga Tip para sa Mga Teenager
Mga requirement sa edad para sa mga teenager
Para makapag-sign in sa YouTube, may Google Account dapat ang iyong teenager na nakakatugon sa mga minimum na requirement sa edad sa bansa o rehiyon mo.
Mga tool sa privacy at kaligtasan
- Hindi naaangkop na content: Kung makakakita ka o ang iyong teenager ng video na mukhang hindi naaangkop o posibleng lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, i-flag ang video.
- Privacy: Kung sa tingin mo ay nalabag ang privacy ng iyong teenager, matuto pa tungkol sa aming patakaran sa privacy at kung paano maghain ng reklamo sa privacy.
- Panliligalig at cyberbullying:
- Kung may nanliligalig sa iyong teenager sa YouTube, turuan siyang i-block ang user.
- Kung magpapatuloy ang panliligalig, suriin ang aming mga patakaran sa panliligalig at cyberbullying para sa impormasyon sa pag-iwas sa panliligalig.
- Ikaw o ang iyong teenager ay puwedeng mag-ulat ng panliligalig sa mga video, channel/profile, o komento.
- Restricted Mode: Sa pamamagitan ng pag-enable sa setting na ito sa device ng iyong teenager, maaalis ang posibleng pang-mature na content sa YouTube. Matuto pa tungkol sa Restricted Mode.
- Pag-moderate ng mga komento sa channel: Magagawa ng iyong teenager na mag-alis ng mga komentong naka-post sa kanyang channel, o i-moderate ang mga ito bago lumabas. Matuto pa tungkol sa pag-moderate ng mga komento sa channel.
Mga pinapatnubayang experience
Para sa karagdagang kaligtasan, puwede kang mag-set up ng pinapatnubayang experience at mag-link sa account ng iyong teenager. Kapag naka-link, makakakuha ka ng insight sa aktibidad sa YouTube ng iyong teenager. Ang mga insight na ito ay posibleng makapanghimok ng mga pagkakataong matuto at pag-uusap sa mismong sandali tungkol sa kung paano ligtas na makakagawa sa YouTube. Matuto pa tungkol sa mga pinapatnubayang experience para sa mga teenager.
Sinusuportahan ang kapakanan
- Mga paalalang magpahinga: Awtomatikong naka-on ang feature na ito para sa mga teenager at nagpapaalala ito sa kanilang magpahinga habang nagba-browse o nanonood ng mga video o YouTube Short.
- Mga paalala sa oras ng pagtulog: Awtomatikong naka-on ang feature na ito para sa mga teenager at lumalabas ito kapag oras na para huminto sila sa panonood sa YouTube at matulog.
- Naka-off ang autoplay: Awtomatikong naka-off ang feature na ito para sa mga teenager. Habang naka-off, hindi tuloy-tuloy na magpe-play ang mga video para sa iyong teenager at kakailanganin niyang piliin ang susunod na video na gusto niyang panoorin.
- Mga pangkaligtasang feature para sa mga rekomendasyon sa video: Ang YouTube ay may mga pangkaligtasang feature para sa rekomendasyon sa video na nagbibigay ng mga mas responsableng rekomendasyon para sa mga teenager. Awtomatikong binabawasan ng system na ito ang pagkakalantad sa content na posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang pagtingin sa sarili o mga gawi. Matuto pa tungkol sa kung paano kami bumubuo ng mga rekomendasyon sa content para matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng mga teenager.