Mahalagang bahagi ng komunidad ng YouTube ang mga teenager. Kung isa kang teenager na may sarili mong Google Account, gamitin ang mga resource at tip sa ibaba para manatiling ligtas sa YouTube.
Kung isa kang guro o magulang, pumunta sa aming mga resource ng magulang at mga resource ng educator. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kaligtasan sa internet, basahin ang Mga Tip ng Google para sa Kaligtasan Online.
Mga tip para sa proteksyon
-
Alamin kung anong uri ng content ang kukunan. Kapag kinunan mo ng mga video ang iyong mga kaibigan, kaklase, o iba pang menor de edad, tandaang hindi dapat kailanman magkaroon ng sekswal na pahiwatig, maging marahas, o mapanganib ang mga ito.
-
Tandaan ang "Grandma Rule." Gugustuhin mo bang mapanood ng iyong lolo at lola, mga magulang, o employer sa hinaharap ang video mo? Kung hindi, malamang na hindi magandang ideyang i-post ito. Pagkatapos mong mag-post ng video, hindi mo alam kung sino ang makakapanood nito. Kung kokopyahin o ire-repost ang video, hindi mo maaalis ang bawat kopya nito.
-
Umiwas sa mga mapanganib o hindi kanais-nais na sitwasyon. Huwag mag-post ng isang bagay dahil lang may taong humiling sa iyong gawin ito. Makipag-usap sa isang mapagkakatiwalaang nasa hustong gulang bago subukang makipagkita sa isang kaibigang nakilala online.
-
Gamitin ang aming mga feature sa privacy. May mga feature ang YouTube na makakatulong sa iyong limitahan kung sino ang makakakita sa mga video na pino-post mo. Para makatulong na protektahan ang iyong privacy, puwede mong itakda sa "pribado" o "hindi nakalista" ang mga personal na video.Para pamahalaan ang iyong experience sa YouTube, bisitahin ang Privacy at safety center.
- Para magbasa ng mga tip at manood ng mga video na makakatulong para maramdaman mong mas ligtas ka sa YouTube, tingnan ang Safety Center para sa Creator.
Mga pinapatnubayang experience
Para sa karagdagang kaligtasan, puwede kang mag-set up ng pinapatnubayang experience at mag-link sa account ng iyong magulang. Kapag naka-link, makakakuha ang mga magulang ng insight sa aktibidad ng iyong channel sa YouTube. Ang mga insight na ito ay posibleng makapanghimok ng mga pagkakataong matuto at pag-uusap sa mismong sandali tungkol sa kung paano ligtas na makakagawa sa YouTube. Matuto pa tungkol sa mga pinapatnubayang experience para sa mga teenager.