Patakaran sa pagpapanggap

Pangunahin naming priyoridad ang kaligtasan ng aming mga creator, manonood, at partner. Inaasahan naming tutulungan kami ng bawat isa sa inyo na panatilihin at protektahan ang natatangi at masiglang komunidad na ito. Mahalagang maunawaan mo ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, at ang tungkuling ginagampanan ng mga ito sa ating pinaghahatiang responsibilidad na panatilihing ligtas ang YouTube. Maglaan ng oras para mabasa nang mabuti ang patakaran sa ibaba. Puwede mo ring tingnan ang page na ito para sa kumpletong listahan ng aming mga alituntunin.

Hindi pinapayagan sa YouTube ang content na ginawa para magpanggap bilang isang partikular na tao o channel. Ipinapatupad din ng YouTube ang mga karapatan ng may-ari ng trademark. Kapag nagdudulot ang isang channel o content sa channel ng pagkalito tungkol sa source ng mga produkto at serbisyo, posibleng hindi ito payagan.

Kung may makita kang content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito.

  • Kung sa tingin mo ay ginagaya ang iyong channel o ang channel ng ibang creator, puwede mong iulat ang channel.

Ano ang ibig sabihin ng mga patakarang ito para sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Huwag mag-post ng content sa YouTube kung tumutugma ito sa alinman sa mga paglalarawang nakasaad sa ibaba. 

  • Pagpapanggap ng channel: Isang channel na kinokopya ang profile, background, o pangkalahatang hitsura at dating ng ibang channel sa paraang nagmumukha itong channel ng ibang tao. Hindi kailangang 100% katulad ang channel, hangga't malinaw ang layuning kopyahin ang ibang channel.
  • Personal na pagpapanggap: Content na nilayong pagmukhaing pino-post ito ng ibang tao.

Kung nagpapatakbo ka ng isang channel ng fan, tiyaking isasaad mo iyon nang malinaw sa pangalan o handle ng iyong channel. Malinaw dapat sa iyong mga manonood na hindi kinakatawan ng channel mo ang orihinal na creator, artist, o entity na itinatampok ng iyong channel.

Mga Halimbawa

Narito ang ilang halimbawa ng content na hindi pinapayagan sa YouTube.

  • Mga channel na ang identifier (pangalan o handle ng channel) at larawan ay pareho ng sa ibang channel, na ang kaibahan lang ay espasyong isiningit sa pangalan o pinalitan ng zero ang letrang O.
  • Paggamit ng tunay na pangalan, user name, larawan, brand, logo, o iba pang personal na impormasyon ng ibang tao para linlangin ang mga tao sa paniniwalang ikaw ang taong iyon. 
  • Pag-set up ng channel gamit ang parehong identifier (pangalan o handle ng channel) at larawan ng isang tao, at pagkatapos ay pagmumukhaing ang taong iyon ang nagpo-post ng content sa channel.
  • Pag-set up ng channel gamit ang pangalan at larawan ng tao, at pagkatapos ay magpo-post ng mga komento sa iba pang channel na parang ang taong iyon ang nag-post ng mga komento.
  • Mga channel na sinasabing 'account ng fan' sa paglalarawan ng channel, pero hindi iyon malinaw na isinasaad sa pangalan o handle ng channel, o nagpapanggap na channel ng ibang tao at ina-upload ulit ang content ng taong iyon.
  • Mga nagpapanggap na channel ng kasalukuyang channel ng balita.

Tandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa patakarang ito.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang content mo, posibleng wakasan namin ang iyong channel o account. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13276058482391286325
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false