Kamakailan lang, nawawalan ng access ang mga Google account na may mga strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad, paglabag sa copyright o pag-block sa Content ID sa isang hanay ng mga feature at programa ng account.
Gumawa kami ng mga pagbabago sa kung paano ito gumagana, kaya basahin ang nasa ibaba para malaman ang mga pagbabago sa kung paano nakakaapekto ang mga strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad, paglabag sa copyright, at pag-block sa Content ID sa iyong Google account.
Mga alituntunin sa strike
Kung makakatanggap ka ng strike sa copyright o strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad, magkakaroon ka pa rin ng access sa karamihan ng mga feature at programa ng YouTube. Gayunpaman, puwedeng makaapekto ang mga strike sa account sa iyong kakayahang i-monetize ang channel mo. Kung wala kang access sa ilang partikular na feature, puwedeng kailanganin mong i-verify ang iyong account.
Tandaan ang mga alituntuning ito:
- Kung magkakaroon ka ng strike sa isang aktibong live stream o naka-archive na live stream, puwedeng ma-disable ang iyong access sa live stream. Matutunan ang tungkol sa mga paghihigpit sa live stream.
- Kung magkakaroon ka ng 3 strike, wawakasan ang iyong channel sa YouTube.
- Hindi mawawala ang iyong mga strike kapag nag-delete ka ng mga video. Matutunan kung paano lumutas ng mga paglabag sa copyright o iapela ang mga strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad.
- Puwedeng makatanggap ang isang video ng maraming claim sa Content ID o kahilingan sa pagtanggal, pero iisang strike sa copyright lang ang puwede nitong makuha sa bawat pagkakataon.
Kung nagkakaproblema ka, matutunan kung paano makakakuha ng tulong bilang isang Creator sa YouTube.