Pamahalaan ang pangunahing impormasyon ng iyong channel sa YouTube

Puwede mong pamahalaan ang pangunahing impormasyon tungkol sa iyong channel sa YouTube gaya ng pangalan at paglalarawan ng channel, mga pagsasalin, at mga link.

Pangalan

Puwede mong baguhin ang pangalan ng iyong channel sa YouTube, tiyakin lang na sumusunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Pagkatapos palitan ang iyong pangalan, posibleng abutin nang ilang araw bago ma-update at makita ang bagong pangalan sa buong YouTube. Kung babaguhin mo ang pangalan at larawan ng iyong channel sa YouTube, makikita lang ito sa YouTube. Puwede mong baguhin ang pangalan at larawan ng iyong Google Account dito (nang walang pagbabagong gagawin sa pangalan ng channel mo sa YouTube).

Tandaan: Puwede mong baguhin ang pangalan ng iyong channel nang dalawang beses sa loob ng 14 na araw. Kapag pinalitan mo ang pangalan mo, maaalis ang iyong badge na na-verify. Matuto pa.
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-customize at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon.
  3. Ilagay ang bagong pangalan ng iyong channel.
  4. I-click ang I-PUBLISH.

Choosing Your YouTube Channel Name

 

 

Handle

Ang handle ay natatanging identifier na nagbibigay-daan sa iyo na mas madaling buuin at panatilihin ang iyong natatanging presensya sa YouTube.

Tandaan: Puwede mong baguhin ang iyong handle nang dalawang beses sa loob ng 14 na araw.

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang Menu, piliin ang Pag-customize at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon.
  3. Sa ilalim ng Handle, matitingnan o mababago mo ang iyong handle.
  4. Kung babaguhin mo ang iyong handle, i-click ang I-PUBLISH para kumpirmahin ito.

Paglalarawan

Puwede mong baguhin ang iyong paglalarawan sa YouTube, tiyakin lang na sumusunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Maa-access ang iyong paglalarawan sa header ng channel.
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-customize at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon.
  3. Ilagay ang bagong paglalarawan ng iyong channel.
  4. I-click ang I-PUBLISH.
Makakuha ng mga tip sa paglalarawan ng video para sa mga creator.

Magdagdag o magbago ng iyong mga pronoun

Puwede kang magdagdag ng iyong mga pronoun sa iyong channel para maipakita ang mga ito sa page ng channel mo. Puwede mong piliing ipakita ang iyong mga pronoun sa lahat o ipakita lang ang mga ito sa mga subscriber mo.
Napakahalagang bahagi ng personal na pagkakakilanlan at pagpapahayag ng sarili ang mga pronoun. May ilang hurisdiksyon na may mga batas na nauugnay sa pagpapahayag ng kasarian. Isipin ang iyong mga lokal na batas kapag ginagamit ang pampublikong feature sa pag-opt in na ito sa YouTube.
Kung hindi available ang mga pronoun sa page ng channel mo, pinagsisikapan pa naming palawakin ang feature na ito sa higit pang bansa/rehiyon at wika.
Tandaan: Hindi available sa workspace o mga sinusubaybayang account ang feature para sa mga pronoun.
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-customize  at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon at pagkatapos ay MAGDAGDAG NG MGA PRONOUN .
  3. Simulang ilagay ang iyong mga pronoun at piliin ang mga nauugnay sa iyo. Puwede kang magdagdag ng hanggang apat na pronoun.
    1. Puwede mong i-edit ang mga pinili mo sa pamamagitan ng pag-click sa  sa tabi ng isa sa iyong mga pronoun para maalis ito.
  4. Piliin kung sino ang makakakita ng iyong mga pronoun:
    1. Makikita ng lahat, O
    2. Mga subscriber ko lang ang makakakita
  5. I-click ang I-PUBLISH.

Pagsasalin para sa pangalan at paglalarawan ng channel

Puwede kang magdagdag ng mga pagsasalin para sa pangalan at paglalarawan ng iyong channel para matulungan ang mga video mo na maabot ang audience sa buong mundo.
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-customize at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon at pagkatapos ay MAGDAGDAG NG WIKA.
  3. Piliin ang Orihinal na wika, pagkatapos ay piliin ang Wika ng pagsasalin.
  4. Ilagay ang mga pagsasalin para sa pangalan at paglalarawan ng iyong channel.
  5. I-click ang TAPOS NA.

URL ng Channel

Ang URL ng channel mo ay ang karaniwang URL na ginagamit ng mga channel sa YouTube. Ginagamit nito ang iyong natatanging channel ID na binubuo ng mga numero at titik sa dulo ng URL.
Mga link ng profile ng channel
Puwede kang magpakita ng hanggang 14 na link sa tab na Home ng iyong channel, tiyakin lang na sumusunod ang mga ito sa aming patakaran sa mga external na link. Madaling makikita ang iyong unang link sa seksyon ng profile na malapit sa button na mag-subscribe, at ipapakita ang mga natitira mong link kapag nag-click ang iyong audience para tumingin ng higit pang link. Matuto pa tungkol sa pag-share ng mga link sa iyong audience.
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-customize at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon.
  3. Sa ilalim na Mga Link, i-click ang Magdagdag ng link at ilagay ang pamagat at URL ng iyong site.
  4. I-click ang I-PUBLISH.
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Puwede kang magdagdag ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa iyong channel para ipaalam sa iba kung paano makipag-ugnayan sa iyo para sa mga tanong tungkol sa negosyo.
  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Pag-customize at pagkatapos ay Pangunahing impormasyon.
  3. Sa ibaba, ilagay ang iyong email.
  4. I-click ang I-PUBLISH.

Panoorin kung paano pamahalaan ang pangunahing impormasyon ng iyong channel

Panoorin ang sumusunod na video mula sa channel para sa Mga Creator sa YouTube tungkol sa kung paano palitan ang pangalan at paglalarawan ng iyong channel, mga pagsasalin, at mga link.

 

Customize Your Channel Branding & Layout: Add a Profile Picture, Banner, Trailer, Sections, & more!

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2477344480859851515
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false