I-verify ang iyong YouTube account

Para ma-verify ang channel mo, hihilingin sa iyong maglagay ka ng numero ng telepono. Magpapadala kami ng code sa pag-verify sa pamamagitan ng text o voice call sa numero ng teleponong iyon.

Kapag na-verify mo na ang iyong account, magagawa mong:

Para ma-access ang mga advanced na feature, dapat mo munang kumpletuhin ang pag-verify gamit ang telepono. Pagkatapos, puwede mong piliing bumuo ng sapat na history ng channel o mag-verify gamit ang ID o video.

Puwede ring hilingin sa iyong i-verify ang account mo kapag nag-sign up ka. Tandaan: Hindi sinusuportahan ng lahat ng carrier ang mga text message at/o voice call mula sa Google.

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Bakit hinihingi ng YouTube ang numero ng aking telepono?

Sineseryoso namin ang spam at pang-aabuso. Ang paggamit ng mga numero ng telepono para mag-verify ng pagkakakilanlan ay isang paraan para maprotektahan ang ating komunidad at malabanan ang pang-aabuso.

Ginagamit namin ang numero ng telepono para magpadala sa iyo ng code sa pag-verify. Tinitiyak din naming naka-link ang numero ng telepono sa hindi hihigit sa 2 channel bawat taon.

Tandaan: Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon kaninuman.

Hindi ko pa natatanggap ang code sa pag-verify

Dapat matanggap mo kaagad ang code. Kung hindi mo ito natanggap, puwede kang mag-request ng bagong code. Kung wala kang natatanggap na code, posibleng nararanasan mo ang isa sa mga karaniwang problemang ito:

  • Hindi sinusuportahan ng ilang carrier ang mga text message o voice call mula sa Google: Sinusuportahan ng karamihan ng mga mobile carrier ang mga text message mula sa Google. Puwede mong subukan ang opsyong text message o voice call, o puwede kang gumamit ng numero ng telepono mula sa ibang carrier. Kung wala kang natatanggap na bagong code, posibleng hindi sinusuportahan ng iyong carrier ang text o mga voice message mula sa Google.
  • Masyadong maraming account ang gumagamit ng iisang numero ng telepono: Kung matatanggap mo ang mensahe ng error na, "Nakagawa na ng maximum na bilang ng mga account ang numero ng teleponong ito," kakailanganin mong gumamit ng ibang numero. Para makatulong na maiwasan ang pang-aabuso, maiuugnay lang ang isang numero ng telepono sa 2 channel bawat taon.
  • Puwedeng maantala ang pag-deliver ng text message: Posibleng mangyari ang mga pagkaantala sa matataong lugar, o kung hindi napapangalagaan nang maayos ang imprastraktura ng iyong carrier. Kung mahigit ilang minuto ka nang naghihintay at hindi mo pa rin natatanggap ang aming text message, subukan ang opsyong voice call.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9435847855767886842
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false