Pagiging kwalipikado sa Creator Music at mga paghihigpit dito

Available na ngayon ang Creator Music sa mga creator sa U.S. sa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP). Nakabinbin ang pagiging available nito sa mga creator sa YPP sa labas ng U.S.

Pagiging kwalipikado sa Creator Music

Para maging kwalipikado na gamitin ang Creator Music, ang mga creator sa YouTube ay dapat nasa Partner Program ng YouTube o naabisuhan ng Google na kwalipikado sila. Nakakasunod din dapat ang mga creator sa lahat ng naaangkop na patakaran sa YouTube, kasama ang, pero hindi limitado sa:

Kasalukuyang hindi available ang Creator Music sa:

  • Mga kumpanya o creator sa YouTube na pangunahing gumagawa ng content na komersyal na ipinapalabas sa mga sinehan, sa telebisyon, at/o sa pamamagitan ng mga over-the-top na serbisyo ng streaming sa telebisyon.
  • Mga komersyal na brand na may mga channel sa YouTube na nakatuon sa pag-promote ng mga naturang brand, produkto, at/o serbisyo.

Nakalaan sa Google ang karapatang baguhin ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para sa Creator Music sa sarili nitong pagpapasya.

Mga paghihigpit sa Creator Music

Ibinabalangkas ng mga paghihigpit na nakalista sa ibaba kung paano magagamit sa mga video sa YouTube ang mga track sa Creator Music. Nalalapat ang mga paghihigpit na ito sa lahat ng track na available para sa paglilisensya sa pamamagitan ng Creator Music. May kani-kanilang mga detalye sa paggamit ang mga indibidwal na track, na itinatakda ng mga may-ari ng mga karapatan sa track.

Mga pinaghihigpitang kategorya

Dapat tiyakin ng mga creator na ang mga track na may lisensya mula sa Creator Music ay hindi gagamitin sa mga video na naglalaman ng content sa alinman sa mga sumusnod na pinaghihigpitang kategorya:

Pangkomersyal na paggamit

Pinagbabawalan ang mga creator na gumamit ng mga track sa Creator Music sa video kung saan binayaran ang creator ng isang brand o serbisyo para gumawa ng content na pangunahing nakatuon sa pag-endorso o pag-promote ng brand o serbisyong iyon.

Mga halimbawa ng mga paghihigpit sa pangkomersyal na paggamit

Pinapahintulutan: Si Creator A, isang food creator, ay nag-upload ng 10 minutong video kung saan binabanggit ang produkto ng isang third party na sponsor na brand, bilang bahagi ng intro ng video. Nakatuon ang malaking bahagi ng video sa pagsubok ng creator ng bagong recipe.
Hindi pinapahintulutan: Si Creator B, isang beauty creator, ay binayaran ng isang brand para gumawa ng video na nagpo-promote at nagre-review ng isang bagong produkto. Nag-publish si Creator B ng isang 10 minutong video na pangunahing nakatuon sa pag-promote ng bagong produkto ng kumpanya.

Bukod pa rito, hindi kwalipikado para sa mga feature ng YouTube Shopping ang mga video na gumagamit ng mga track na nashe-share ang kita. Matuto pa tungkol sa pag-share ng kita gamit ang Creator Music o pag-share ng kita sa mga kwalipikadong cover video.

Mga limitasyon sa paggamit

Dapat sundin ng mga creator na naglilisensya ng mga track mula sa Creator Music ang mga limitasyong ito sa paggamit:

  • Bawal gumawa ng malaking pagbabago sa mga track sa Creator Music (hal., bawal ang pag-remix).
  • Bawal gumawa ng mga bagong lyrics o isalin ang lyrics sa iba pang wika.
  • Puwede lang gamitin ang pangalan ng artist o songwriter o anupamang katulad nito para tukuyin ang track sa Creator Music at ang artist o songwriter nito.
  • Bawal gumawa ng Art Track (static na larawan habang nagpe-play ang buong kanta), visualizer (simple at paulit-ulit na visual habang nagpe-play ang buong kanta), lyric video, o karaoke video mula sa mga track sa Creator Music.
  • Hiwalay na gawing available, ipamahagi, o i-perform ang mga track sa Creator Music sa (Mga) Video ng Creator (hal., hindi pinapayagan ang standalone na pamamahagi ng mga Music file)
  • Bawal gamitin ang mga track sa Creator Music sa paraang mapanirang-puri o nagbibigay sa artist, record label, o songwriter ng masamang reputasyon.

Mga halimbawa ng mga limitasyon sa paggamit

Pinapahintulutan: Si Creator A ay bumili ng lisensya para sa isang track at ginamit ito bilang bahagi ng intro ng video nang hindi ine-edit ang orihinal na kanta.

Hindi pinapahintulutan: Si Creator B ay bumili ng lisensya para sa isang kanta at gumamit siya ng third-party na software sa pag-edit para i-remix ang kanta at magdagdag ng bagong verse.

Ang paglabag sa mga paghihigpit na ito ay posibleng humantong sa pagwawakas ng lisensya at posibleng alisin ang mga nauugnay na video. Para sa kumpletong detalye tungkol sa mga paghihigpit sa Creator Music, pumunta sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Creator Music.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15452828371811916951
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false