AdSense para sa YouTube

Magpapakilala kami ng bagong beta na magdadala sa mga detalye ng pagbabayad sa tab na Kumita ng YouTube Studio mobile app. Bibigyan ng beta na ito ang mga kwalipikadong creator ng mas madaling paraan para maunawaan kung paano nagiging mga pagbabayad ang kanilang kita. Gamit ang beta na ito, matitingnan mo ang:
  • Pag-usad mo patungo sa iyong susunod na bayad
  • History ng pagbabayad sa iyo sa loob ng nakalipas na 12 buwan kabilang ang petsa, halagang ibinayad, at breakdown ng pagbabayad
Matuto pa sa aming post sa forum.

Dahil sa kasalukuyang giyera sa Ukraine, pansamantala naming ipo-pause ang paghahatid ng mga Google ad at ad sa YouTube sa mga user na nasa Russia. Matuto pa.

Ang AdSense for YouTube ay programa ng Google kung saan binabayaran ang mga creator sa Partner Program ng YouTube. Para magsimulang mabayaran sa YouTube, mag-set up ng account sa AdSense for YouTube mula sa YouTube Studio. Gamitin ang page na ito para matuto pa tungkol sa kung paano gamitin ang AdSense for YouTube bilang isang creator sa YouTube.

AdSense para sa Mga Creator sa YouTube

 

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

 

Magsimula sa AdSense para sa YouTube

Tandaan, nakukuha mo ang iyong mga kita sa YouTube sa pamamagitan ng iyong account sa AdSense for YouTube. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para magsimula sa AdSense para sa YouTube.

Mag-set up ng account

Una, mag-set up ng account sa AdSense for YouTube sa YouTube Studio kung wala ka pa nito. Gumawa kami ng detalyadong hanay ng mga tagubilin at tinugunan din namin ang ilang karaniwang isyu sa pag-set up ng AdSense for YouTube:

Isang account sa AdSense o AdSense for YouTube lang sa ilalim ng isang pangalan ng payee ang pinapayagan ayon sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng AdSense o Mga Tuntunin ng Serbisyo ng AdSense for YouTube, gaya ng naaangkop. Kaya tiyaking wala kang duplicate na account kapag nili-link mo ang iyong channel sa YouTube. Kung gusto mong palitan ang account sa AdSense o AdSense for YouTube na naka-link sa iyong channel, sundin ang mga hakbang na ito.

I-verify ang iyong personal na impormasyon

Kapag na-set up na ito, oras na para i-verify ang iyong personal na impormasyon. Kapag pumasa ang kita mo sa threshold sa pag-verify ng address para sa iyong account sa mga pagbabayad ng YouTube, magpapadala kami ng Personal Identification Number (PIN) sa aktwal na address mo. Kailangang ilagay ang PIN na ito sa iyong account sa AdSense for YouTube para ma-verify ang address mo bago ka mabayaran. Higit pang impormasyon dito:

Gayundin, depende sa iyong lokasyon, posibleng kailanganin naming i-verify ang pagkakakilanlan mo gamit ang impormasyong tulad ng iyong pangalan, address, o petsa ng kapanganakan. Kung kailangan mong gawin ito, karaniwang hindi hihilingin sa iyong i-verify ang address mo hanggang sa matagumpay mong ma-verify ang iyong pagkakakilanlan. Matuto pa tungkol sa kung paano ito gawin dito:

Ibigay ang iyong impormasyon ng buwis

Pagkatapos ibigay ang iyong personal na impormasyon, kakailanganin mong ibigay ang iyong impormasyon ng buwis para magpatuloy. Iwi-withhold ng Google ang mga buwis sa U.S. sa mga kikitain mo mula sa mga manonood sa U.S., kaya mahalagang ibigay ang impormasyong ito para matukoy ng Google ang iyong tamang rate ng pag-withhold. Alamin kung paano isumite ang iyong impormasyon ng buwis at higit pa dito:

Magdagdag ng paraan ng pagbabayad

Kapag na-verify ang iyong impormasyon, kakailanganin mong ipasa ang threshold sa pagpili ng paraan ng pagbabayad para as iyong account sa mga pagbabayad ng YouTube. Ito ang minimum na halagang maibabayad namin sa iyo, kaya kapag mayroon ka nang ganoong halaga sa account mo sa mga pagbabayad ng YouTube, hihilingin sa iyong pumili ng paraan ng pagbabayad. Hanapin ang lahat ng opsyon at hakbang dito:

Mabayaran

Idaragdag ang iyong mga kabuuang kita sa YouTube kada buwan sa balanse mo sa account sa mga pagbabayad ng YouTube sa AdSense para sa YouTubesa pagitan ng ika-7 at ika-12 ng susunod na buwan. Kapag naidagdag na ito, puwede mogn tingnan ang mga detalye ng pagbabayad (tulad ng mga nalalapat na deduksyon sa buwis) sa page na Mga Transaksyon:

  1. Mag-sign in sa AdSense para sa YouTube.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Impormasyon sa pagbabayad sa ilalim ng Mga Pagbabayad.
  3. I-click ang Tingnan ang mga transaksyon sa seksyong Mga Transaksyon ng page.

Dapat kang mabayaran sa pagitan ng ika-21 at ika-26 ng bawat buwan kung matutugunan ng balanse mo ang threshold sa pagbabayad at walang anumang pag-hold sa pagbabayad sa iyong account.

Halimbawa: Kung $100 ang limitasyon sa pagbabayad ng YouTube, at naabot mo ang limitasyon sa halagang iyon noong Hunyo, babayaran ka namin bago lumipas ang Hulyo 26, o nang mas maaga pa.

AdSense para sa YouTube at account sa mga pagbabayad ng YouTube

Ang YouTube ay may nakalaang account sa AdSense for YouTube, na nagbibigay-daan sa mga creator para sa mabilis na pag-access sa kanilang kabuuang mga kita sa YouTube sa AdSense for YouTube.

Hinihiwalay ang mga pagbabayad para sa mga kita sa YouTube sa sarili nitong account sa mga pagbabayad. Ibig sabihin nito, ang mga account sa mga pagbabayad ng YouTube at AdSense ay may mga hiwalay na halaga ng threshold sa pagbabayad. Mahalagang maunawaan iyon kung ginagamit mo ang AdSense para mabayaran nang higit pa maliban sa YouTube, dahil puwede nitong maapektuhan ang timing ng pagbabayad.

Mananatiling nauugnay sa iyong account sa mga pagbabayad ng Adsense ang anumang detalye ng mga nabayaran mong kita sa YouTube bago ang 2022 at anupamang kita sa Adsense. Ang anumang natitirang kita sa YouTube ay ililipat sa account sa mga pagbabayad ng YouTube.

Mga madalas itanong

Paano kung gagamitin ko ang AdSense para mabayaran mula sa mga serbisyo bukod pa sa YouTube?

Kung isa kang publisher sa Adsense na may mga kita na bukod pa sa kita sa YouTube, mapapamahalaan at matitingnan mo ang iyong kita sa YouTube sa mga hiwalay na account sa mga pagbabayad na maa-access mula sa page na Mga Pagbabayad.

Tandaang kakailanganin ng mga account sa mga pagbabayad sa YouTube at AdSense na maabot ang mga kaukulang limitasyon sa pagbabayad ng mga ito para mabayaran ka. Posibleng maapektuhan nito ang timing ng mga pagbabayad mo.

Paano ko matitingnan sa AdSense ang aking kabuuang kita sa YouTube?

Mahahanap mo ang iyong kita sa YouTube sa sarili nitong account sa mga pagbabayad sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang na ito:

  1. Mag-sign in sa iyong AdSense account.
  2. I-click ang Mga Pagbabayad at pagkatapos ay Impormasyon sa Mga Pagbabayad.
  3. I-click ang dropdown ng mga account sa mga pagbabayad.
  4. Piliin ang Account sa Mga Pagbabayad ng YouTube.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5480980913304778510
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false