Pangkalahatang-ideya ng mga handle

Ang mga handle ay isang paraan para makahanap at makakonekta ka sa mga creator sa YouTube. Ang mga handle ay mga natatangi at maikling identifier ng channel na naiiba sa mga pangalan ng channel, at nagsisimula ang mga ito sa simbolong “@.” Halimbawa, @youtubecreators.

Ang lahat ng channel ay magkakaroon ng nauugnay na handle na puwedeng gamitin para maghanap at makipag-ugnayan sa iba pang user– mga creator at manonood. Ang iyong handle ay awtomatiko ring magiging bagong URL ng YouTube para sa channel mo na papadaliin para sa mga tao na matuklasan ka. Halimbawa, youtube.com/@youtubecreators. Magagamit mo ang URL na ito para maidirekta ang mga tao sa iyong channel kapag wala sila sa YouTube. Puwede lang magkaroon ng isang handle ang bawat channel.

Makikita mo ang mga handle sa mga lugar tulad ng mga komento, pagbanggit, at sa Mga Short. Lalabas ang iyong handle sa mas maraming lugar sa paglipas ng panahon. Magagamit mo rin ang iyong handle sa labas ng YouTube para i-promote ang channel mo.

Anumang legacy na naka-personalize na URL na mayroon ka ay patuloy na gagana.

Mga Handle sa YouTube

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Mga alituntunin sa pagpapangalan ng handle

Tandaan: Nakalaan sa YouTube ang karapatang baguhin, i-reclaim, o alisin ang handle sa anumang oras.

Dapat sundin ng iyong handle ang mga alituntuning ito:

  • Nasa pagitan ng 3-30 character (tingnan ang mga exception sa ibaba)
  • Gumagamit ng mga titik o numero mula sa isa sa aming 75 sinusuportahang wika
    • Puwedeng kasama rin sa iyong handle ang: mga underscore (_), gitling (-), tuldok (.), at Latin middle dot (·).
    • Pinapayagan lang ang mga magkahalong script sa ilang partikular na sitwasyon. Hindi puwedeng paghaluin ang mga left-to-right na script at mga right-to-left na script sa iisang handle maliban na lang kung magdaragdag ng mga numero sa dulo ng handle.
  • Hindi katulad ng URL o numero ng telepono
  • Hindi pa ginagamit
  • Sumusunod sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube
Mga exception sa limitasyon sa bilang ng character ng handle:
  • Han/Hangul: 1-10 character
  • Ethiopic/Hiragana/Katakana: 2-20 character
  • Posibleng may magkaibang minimum at maximum na limitasyon ang mga handle ng magkahalong script

Pinakamahuhusay na kagawian para sa pagpili ng handle

Pumili ng handle na pinakakumakatawan sa iyong pampublikong pagkakakilanlan sa YouTube. Tandaang hindi case-sensitive ang mga handle.

Hindi namin pinapayagan ang:

  • Mga handle na may marahas, nakakapanakit, sekswal, o ma-spam na salita
  • Pagbebenta at paglilipat ng mga handle

Kung mapag-alamang nilalabag ng iyong handle ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, babawiin ng YouTube ang handle at gagawa ng bago para sa channel mo.

Tandaan: Sa ilang partikular na sitwasyon, tulad kapag gumawa ka ng channel sa pamamagitan ng mga paraan tulad ng pag-post ng komento sa mobile, puwedeng awtomatikong magtalaga sa iyo ang YouTube ng handle base sa pinili mong pangalan ng channel. Posibleng magkaroon ng mga pagkakataon kung saan random na itatalaga ang iyong channel kung hindi mako-convert sa handle ang napiling pangalan ng channel. Puwede mong tingnan at i-edit ang handle sa anumang oras sa Studio o sa pamamagitan ng pagpunta sa youtube.com/handle.

Mga pagsasaalang-alang kapag pumipili ng mga handle sa ilang wika

Kung may mga kasamang character ang iyong handle bukod pa sa mga titik na A-Z, numerong 0-9, o separator na [_-.], may 2 potensyal na pagsasaalang-alang:

  • Mga taong naghahanap sa iyo: Posibleng hindi madali sa mga tao na i-type ang handle mo para hanapin ka kung wala silang nauugnay na keyboard para sa iyong handle.
  • Pag-share ng mga link sa mga app at website sa labas ng YouTube: Posibleng hindi maayos na maipakita o hindi sinusuportahan ng ilang app at website sa labas ng YouTube ang iyong link na youtube.com/@myHandle, at pinapalabas na sira ito o pinipigilan itong magdirekta sa page ng channel mo. Ito ay dahil hindi pare-parehong sinusuportahan ng lahat ng app at website ang pag-internationalize sa internet. Puwede magkaroon ng mga ganitong isyu sa mga na-type at kinopyang link mula sa YouTube app o website.

I-hide ang iyong handle

Kung gusto mong i-hide ang iyong handle, puwede mong i-delete o i-hide ang iyong channel.

Maghanap gamit ang mga handle

Puwedeng direktang hanapin sa YouTube ng mga manonood at creator ang iyong channel gamit ang simbolong @ na sinusundan ng handle mo. Puwedeng kopyahin ang mga handle sa page ng channel o profile card.

Mag-share gamit ang URL ng handle

Ang URL ng handle ay URL sa YouTube na may kasamang simbolong @ na sinusundan ng handle ng channel. Puwede mong i-share ang page ng channel gamit ang URL ng handle sa pamamagitan ng:

O

  • Direktang pagkopya at pag-paste sa URL mula sa address bar ng iyong browser.
Mga URL ng handle sa ilang wika
Kung may mga kasamang character ang iyong handle bukod pa sa mga titik na A-Z, numerong 0-9, o separator na [_-.], nalalapat ang mga sumusunod:
  • Kokopyahin ang URL ng handle mula sa browser sa naka-encode na form alinsunod sa mga pamantayan ng internet. Tinitiyak ng pag-encode na gagana nang tama ang URL.
    • Halimbawa ng naka-encode na URL:
      https://www.youtube.com/c/Handle%EC%A7%81%ED%95%A8.
  • Puwedeng ma-share ang page ng channel gamit ang URL ng channel ID (sa halip na URL ng handle) kapag nagshe-share sa mga external app gamit ang I-share .
    • Halimbawa ng URL ng channel ID:
      https://www.youtube.com/channel/UC0L1uV8pgO4pCAIBNGxxy5w.

Tingnan o palitan ang handle

Tandaan: Puwede mong baguhin ang iyong handle nang dalawang beses sa loob ng 14 na araw. Kung gagawin mo iyon, iho-hold namin ang nakaraan mong handle sa loob ng 14 na araw kung sakaling gusto mong ibalik ito. Sa loob ng 14 na araw na ito, gagana ang dating URL ng iyong handle at ang na-update na URL mo. Pagkatapos nito, magiging available ang handle para piliin ng iba pang user bilang kanilang handle.

YouTube Studio app para sa Android

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. I-tap ang I-edit ang Channel .
  4. Sa ilalim ng seksyong “Handle,” hanapin ang iyong handle.
  5. Para baguhin ang iyong handle, i-tap ang I-edit at ilagay ang bago mong handle. Kung hindi available ang isang handle, magbibigay ng suhestyong katulad nito.
  6. I-click ang I-save para kumpirmahin ang iyong handle.

YouTube Android app

  1. Buksan ang YouTube app .
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. I-tap ang Tingnan ang Channel.
  4. I-tap ang I-edit ang Channel .
  5. Sa ilalim ng seksyong "Handle," hanapin ang iyong handle.
  6. Para baguhin ang iyong handle, i-tap ang I-edit at ilagay ang bago mong handle. Kung hindi available ang isang handle, magbibigay ng suhestyong katulad nito.
  7. I-click ang I-save para kumpirmahin ang iyong handle.
Kung hindi available ang gusto mong handle, puwede mong subukang magdagdag ng mga tuldok, numero, o underscore.

Kung hindi available ang gusto mong handle, kadalasang ito ay dahil:

  • May ibang channel nang pumili ng handle na iyon.

O

Mga sinusuportahang wika
Sinusuportahan ang mga handle sa mga wika sa ibaba.
Mga Sinusuportahang Wika

Afrikaans
Albanian
Amharic
Arabic
Armenian
Assamese
Azerbaijani
Basque
Belarusian
Bengali (Bangla)
Bosnian
Bulgarian
Burmese (Myanmar)
Catalan
Chinese (Traditional)
Chinese (Simplified)
Croatian
Czech
Danish
Dutch
English
English (United Kingdom)
English (India)
Estonian
Filipino
Finnish
French
French (Canada)
Galician
Georgian
German
Greek
Gujarati
Hebrew
Hindi
Hungarian
Icelandic
Indonesian
Italian
Japanese
Kannada
Kazakh
Khmer
Korean
Kyrgyz
Lao
Latvian

Lithuanian
Macedonian
Malayalam
Malay
Marathi
Mongolian
Nepali
Norwegian
Odia
Persian
Polish
Portuguese
Punjabi
Romanian
Russian
Serbian (Latin)
Sinhala
Slovak
Slovenian
Spanish
Spanish (Latin America)
Swedish
Swahili
Tamil
Telugu
Thai
Turkish
Ukrainian
Urdu
Uzbek
Vietnamese
Zulu

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9336183834560134642
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false