Binibigyang-daan ng Super Thanks (na dating kilala bilang Palakpak ng manonood) ang mga creator na kumita at kumonekta sa mga manonood na gustong magpakita ng karagdagang pasasalamat para sa kanilang content.
Puwedeng bumili ang mga manonood ng masayang animation na tinatawag na Super Thanks sa isang long-form video o Short. Ipinapakita lang ang pang-isang beses na animation sa mamimili sa itaas ng long-form video o Short. Bilang karagdagang bonus, makakapag-post din ang mga mamimili ng natatangi, makulay, at nako-customize na komento sa seksyon ng mga komento. Available ang Super Thanks sa magkakaibang inirerekomendang presyong mapagpipilian ng mga manonood.
Matuto pa tungkol sa pagiging kwalipikado sa Super Thanks.
I-on o i-off ang Super Thanks para sa iyong channel
I-on ang Super Thanks
Para kumita mula sa Super Thanks, dapat munang tanggapin mo (at ng iyong MCN) ang Module para sa Commerce Product (Commerce Product Module o CPM). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa CPM, basahin ang aming mga patakaran sa pag-monetize ng Mga Commerce Product ng YouTube.
Kung gusto mong gumamit ng computer para i-on ang Super Thanks:
- Sa isang computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, i-click ang Kumita.
- I-click ang tab na Supers. Lalabas lang ang tab na ito kung kwalipikado ang iyong channel.
- I-click ang Magsimula at sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Kung ito ang unang beses mo sa seksyong Supers, sundin ang mga tagubilin sa screen para lagdaan ang Module para sa Commerce Product (CPM).
- Kapag nagawa mo na ang lahat ng tagubilin, lalabas ang “Super Thanks” sa tabi ng isang switch na puwede mong i-on o i-off.
Lalabas ang Super Thanks sa lahat ng kwalipikadong Short at long-form video sa nakaraan at sa hinaharap.
Kung gusto mong gamitin ang iyong mobile device para i-on ang Super Thanks:
- Buksan ang YouTube Studio mobile app .
- Sa ibaba ng screen, i-tap ang Kumita .
- I-tap ang card na Supers. Kung walang lalabas na card na Supers, i-tap ang Magsimula sa seksyong “Supers” I-on.
- Kung ito ang unang beses mo sa seksyong Supers, sundin ang mga tagubilin sa screen para lagdaan ang Module para sa Commerce Product (CPM).
- Kapag nagawa mo na ang lahat ng tagubilin, lalabas ang lahat ng produkto ng Supers sa iyong kwalipikadong:
- Mga live stream at Premiere (Super Chat at Super Stickers)
- Mga long form video at Short (Super Thanks)
- Kung pinapangasiwaan ng isang third party ang iyong mga karapatan, makipag-ugnayan muna sa kanila bago i-on ang Super Thanks.
- Kung gusto mong mag-off ng ilang partikular na Supers, puwede kang gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube Studio. Pumunta sa tab na Supers para i-off ang nauugnay na Supers.
I-off ang Super Thanks
- Sa isang computer, mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Kumita .
- I-click ang tab na Supers.
- I-off ang switch sa tabi ng “Super Thanks.”
- Sa pop-up, piliin ang checkbox sa tabi ng “Nauunawaan ko ang mga implikasyon ng pagkilos na ito.”
- I-click ang I-off.
Kapag in-off mo ang switch, maaalis ang feature na Super Thanks sa lahat ng iyong Short at long form video. Puwede mo pa ring suriin ang dating kita.
I-on ang Super Thanks para sa iyong network
Bago ma-on ng isang channel sa network ang Super Thanks, dapat munang payagan ng network na ma-on ang feature na ito:
- Gumamit ng computer para mag-sign in sa YouTube Studio.
- Pumunta sa Mga Setting .
- I-click ang Mga Kasunduan at tanggapin ang Module para sa Commerce Product.
Kapag tinanggap na ito, puwedeng i-on ng mga kwalipikadong channel sa iyong network ang Super Thanks.
Kapag bumili ang isang manonood ng Super Thanks, puwede siyang mag-post ng makulay na komento sa seksyon ng mga komento ng iyong Short o long-form video bilang bonus.
Makikita mo kung sino ang bumili ng Super Thanks sa pamamagitan ng paggamit ng filter na “Mula sa Super Thanks” sa seksyon ng Mga Komento ng YouTube Studio at YouTube Studio app. Puwede mong suriin, sagutin, pusuan, at alisin ang mga komento sa iyong content. Kung ide-delete ng bumili ang kanyang komento sa Super Thanks, hindi ito lalabas sa iyong Mga Komento.
Sumagot sa isang komento sa Super Thanks gamit ang isang Short
Natutulungan ka ng feature na Comment Sticker na matukoy ang mga fan mo at magkaroon ng mas malalalim na ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa iyong sumagot sa isang komento sa Super Thanks gamit ang isang Short. Ipapakita sa Short ang komento ng iyong fan bilang isang komento sa Super Thanks, at aalertuhan nito ang fan na sumagot ka sa kanyang komento.
Puwede mong tingnan kung sino ang bumili ng Super Thanks gamit ang filter na “Mula sa Super Thanks” sa seksyon ng Mga Komento ng YouTube Studio at YouTube Studio mobile app . Kapag nahanap mo na ang Super Thanks na gusto mong sagutin gamit ang isang Short:
- Buksan ang YouTube mobile app.
- Pumunta sa page sa panonood ng iyong video o Short na may komento sa Super Thanks.
- Buksan ang feed ng Mga Komento at hanapin ang komento sa Super Thanks na gusto mong sagutin.
- Sa ilalim ng komento, i-tap ang Sumagot Gumawa ng Short .
Sa paggawa ng Mga Short, puwede mong i-drag ang komento sa Super Thanks para baguhin ang posisyon nito o i-pinch ang komento sa Super Thanks para i-resize ang Sticker na Komento. Matuto pa tungkol sa paggawa ng Mga YouTube Short at kung paano papagandahin ang iyong Short gamit ang aming suite ng mga creative na feature.
Pag-uulat sa kita
Share sa kita
Makakakuha ang mga creator ng 70% sa kita ng Super Thanks na kinikilala ng Google. Kinakalkula ang 70% pagkatapos maibawas ang mga buwis at bayarin (kasama ang mga bayarin sa App Store sa iOS). Sa kasalukuyan, sagot ng YouTube ang lahat ng gastusin sa transaksyon, kasama ang mga bayarin sa credit card.
Makakatanggap ka ng kita sa Super Thanks sa parehong paraan kung paano ka nakakatanggap ng kita sa mga ad sa AdSense for YouTube.