Patakaran sa bulgar na pananalita

Pangunahin naming priyoridad ang kaligtasan ng aming mga creator, manonood, at partner. Inaasahan naming tutulungan kami ng bawat isa sa inyo na panatilihin at protektahan ang natatangi at masiglang komunidad na ito. Mahalagang maunawaan mo ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad, at ang tungkuling ginagampanan ng mga ito sa ating pinaghahatiang responsibilidad na panatilihing ligtas ang YouTube. Maglaan ng oras para mabasa nang mabuti ang patakaran sa ibaba. Puwede mo ring tingnan ang page na ito para sa kumpletong listahan ng aming mga alituntunin.

Posibleng hindi naaangkop para sa mga manonood na wala pang 18 taong gulang ang ilang pananalita.

Kung makakita ka ng content na lumalabag sa patakarang ito, iulat ito. Available dito ang mga tagubilin para sa pag-uulat ng mga paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung nakakita ka ng ilang video o komentong gusto mong iulat, puwede mong iulat ang channel.

Ang epekto ng patakarang ito sa iyo

Kung nagpo-post ka ng content

Posibleng magresulta sa paghihigpit sa edad, pag-aalis ng content, o isang strike ang tahasang content na lumalabag sa patakarang ito. Posible naming isaalang-alang ang mga sumusunod na dahilan kapag nagpapasya kung dapat paghigpitan ayon sa edad, alisin ang content, o maghain ng strike.

  • Paggamit ng tahasang sekswal na pananalita o mga kuwento
  • Paggamit ng labis na pagmumura sa content 
  • Paggamit ng matinding pagmumura o mga salitang may sekswal na pahiwatig sa pamagat, thumbnail, o nauugnay na metadata ng content
  • Paggamit ng masyadong maraming sekswal na tunog

Tandaan: Hindi kumpleto ang listahan sa itaas.

Content na pinaghihigpitan ayon sa edad

Narito ang ilang halimbawa ng content na posibleng pinaghihigpitan ayon sa edad:
  • Isang video na nakatuon sa paggamit ng mga pagmumura, tulad ng compilation, kanta, o clip na wala sa konteksto
  • Isang video na gumagamit ng matitinding pagmumura sa pamagat 
  • Isang video na paulit-ulit na gumagamit ng bulgar o sekswal na pananalita

Nalalapat ang patakarang ito sa mga video, paglalarawan ng video, komento, live stream, audio, at anupamang produkto o feature ng YouTube. Tandaang ilang halimbawa lang ang mga ito, at huwag mag-post ng content kung sa tingin mo ay posibleng labag ito sa patakarang ito.

Puwede naming payagan ang bulgar na pananalita kapag ang pangunahing layunin nito ay pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining, at makatuwiran ito. Halimbawa, ang pamagat ng kanta na may pagmumura o kantang naglalaman ng napakaraming pagmumura. Tandaang makakatulong sa amin at sa iyong mga manonood ang pagbibigay ng konteksto sa content, pamagat, at paglalarawan para matukoy ang pangunahing layunin ng video.

Ano ang mangyayari kung lumalabag sa patakarang ito ang content

Kung lumalabag sa patakarang ito ang iyong content, aalisin namin ang content at papadalhan ka namin ng email para ipaalam ito sa iyo. Kung hindi namin mave-verify na ligtas ang link na na-post mo, puwede naming alisin ang link. Tandaan na ang mga lumalabag na URL na na-post sa loob mismo ng video o sa metadata ng video ay posibleng magresulta sa pag-aalis ng video.

Kung ito ang iyong unang paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad, malamang na makakatanggap ka ng babala nang walang penalty sa channel mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong sumailalim sa isang pagsasanay sa patakaran para hayaang mag-expire ang babala pagkalipas ng 90 araw. Gayunpaman, kung malalabag ang parehong patakaran sa loob ng 90 araw na palugit na iyon, hindi mag-e-expire ang babala at bibigyan ng strike ang iyong channel. Kung lalabag ka sa ibang patakaran pagkatapos mong makumpleto ang pagsasanay, makakatanggap ka ng isa pang babala.

Kung makakakuha ka ng 3 strike sa loob ng 90 araw, wawakasan ang iyong channel. Matuto pa tungkol sa aming system ng mga strike.

Puwede naming wakasan ang iyong channel o account dahil sa mga paulit-ulit na paglabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad o Mga Tuntunin ng Serbisyo. Puwede rin naming wakasan ang iyong channel o account pagkatapos ng isang matinding pang-aabuso, o kapag nakalaan ang channel sa isang paglabag sa patakaran. Puwede naming pigilang sumailalim sa mga pagsasanay sa patakaran sa hinaharap ang mga paulit-ulit na lumalabag. Matuto pa tungkol sa mga pagwawakas ng channel o account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6133435005500410181
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false