Ayusin ang mga isyu sa koneksyon sa Google Go
Kung hindi ka makakonekta sa wifi o kung mabagal ang iyong koneksyon, subukan ang mga pag-aayos na ito:
Tingnan kung mayroon ka ng pinakabagong bersyon ng app
- Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google Goapp .
- I-tap ang I-update. Kung lalabas ang "Naka-install," mayroon ka na ng pinakabagong bersyon.
I-on ang lite mode
Para makuha ang mga resulta ng paghahanap nang mas mabilis at mas kaunting data ang ginagamit, puwede mong i-on ang lite mode.
- Buksan ang Google Go app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
- Sa ilalim ng “Data,” i-on ang Gamitin ang lite mode.
I-on ang mga notification
Kung nagkakaproblema ka sa pagkonekta sa wifi, i-on ang mga notification para makuha ang mga resulta ng paghahanap kapag online ka na ulit.
- Buksan ang Google Go app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
- Sa ilalim ng “Mga Notification,” i-on ang Handa na ang mga resulta ng paghahanap at Nag-load na ang web page.
Hindi gumagana ang paghahanap gamit ang boses
Tingnan ang iyong mga setting ng wika
- Buksan ang Google Go app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
- Piliin ang wika ng app na gusto mong gamitin.
Subukang i-activate ang paghahanap gamit ang boses
- Buksan ang Google Go app .
- Sa ibaba, i-tap ang Mikropono .
- Itaas ang iyong device at mabagal na magsalita dito.
- Gumamit ng maiikling parirala gaya ng “Kailan itinayo ang Taj Mahal?”
Masyadong mabilis o masyadong mabagal ang listen mode
- Buksan ang Google Go app .
- Maghanap ng artikulo i-tap ang artikulo para buksan ito.
- Sa ibaba, i-tap ang I-play.
- I-tap ang Bilis para marinig ang artikulo nang mas mabilis o mas mabagal.