Ayusin ang mga isyu sa Google Go

Ayusin ang mga isyu sa koneksyon sa Google Go

Kung hindi ka makakonekta sa wifi o kung mabagal ang iyong koneksyon, subukan ang mga pag-aayos na ito:

Tingnan kung mayroon ka ng pinakabagong bersyon ng app

  1. Sa iyong telepono, pumunta sa page ng Google Go sa Play Store.
  2. I-tap ang I-update. Kung "Naka-install" ang makikita mo, mayroon ka na ng pinakabagong bersyon.

I-on ang lite mode

Para makuha ang mga resulta ng paghahanap nang mas mabilis at mas kaunting data ang ginagamit, puwede mong i-on ang lite mode.

  1. Buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng “Data,” i-on ang Gamitin ang lite mode.

I-on ang mga notification

 Kung nagkakaproblema ka sa pagkonekta sa wifi, i-on ang mga notification para makuha ang mga resulta ng paghahanap kapag online ka na ulit. 

  1. Buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng “Mga Notification,” i-on ang Handa na ang mga resulta ng paghahanap at Na-load na ang web page.

Hindi gumagana ang paghahanap gamit ang boses

Tingnan ang iyong mga setting ng wika

  1. Buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
  3. Piliin ang wika ng app na gusto mong gamitin.

Subukang i-activate ang paghahanap gamit ang boses

  1. Buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mikropono .
  3. Iangat ang iyong device at dahan-dahang magsalita rito.
  4. Gumamit ng maiikling parirala gaya ng “Kailan itinayo ang Taj Mahal?”

Masyadong mabilis o masyadong mabagal ang listen mode

  1. Buksan ang Google Go app Google Go.
  2. Maghanap ng artikulo i-tap ang artikulo para buksan ito.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-play.
  4. I-tap ang Bilis para marinig ang artikulo nang mas mabilis o mas mabagal.

Mga kaugnay na artikulo