Kumuha ng impormasyon tungkol sa isang larawan

Para makahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa mga larawan sa mga resulta ng paghahanap, mag-click ng larawan. Halimbawa, masasabi mo kung ano ang uri ng site na pinagmulan ng larawan at makakahanap ka ng mga larawang may kaugnayan dito.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa images.google.com o buksan ang Google app Google app.
  2. Maghanap ng larawan.
  3. I-tap ang larawan para makakuha ng mas malaking bersyon.
Mula rito, makakakita ka ng mga opsyong:
  • Bisitahin ang page: Para pumunta sa webpage kung saan nahanap ng Google ang larawan, i-tap ang Bisitahin.
  • Magpadala ng feedback: Para mag-ulat ng hindi naaangkop na larawan, sa ibaba, i-tap ang Magpadala ng feedback.
  • Isara ang larawan: Para bumalik sa page ng mga resulta ng larawan, i-tap ang Isara Close.
  • Idagdag sa isang koleksyon: Matuto pa tungkol sa Mga Koleksyon.
  • Ibahagi ang larawan: I-tap ang Ibahagi Ibahagi.

Tandaan: Karaniwan na maging iba ang hitsura ng iyong page ng mga resulta ng larawan sa iyong telepono o sa mga lumang bersyon ng browser ng computer at tablet.

Mga kaugnay na artikulo